Ryan POV
Agad kong tinawagan sila Renz at Daniel after naming mag usap ni Ash.
Dito kase ako dumiretso sa bar at pilit nagpapakalasing.
Sanay naman akong nagpapaiyak ng babae eh.Minsan nga wala akong pake kung masaktan sila basta ako nagpapakasaya lang.
Pero bakit ako nagkakaganito dahil kay Ash? Diba dapat wala akong pake sa kanya kung masaktan man sya dahil ayun talaga ang pinaka main goal ng dare namin? Di ko na maintindihan.
"problema pre?" salubong na tanong ni Renz
"Di ko alam.Galit na sa akin si Ash.Nasaktan ko sya." malungkot kong sabe pagkatapos ay uminom ulet
"Pero ayun ang dare namin sayo. Bat ka nagkakaganyan dahil lang dun?" sabe pa ni Renz
"Oo nga pre, matinik ka sa babae tapos magiging ganyan ka lang dahil kay Ash? Baka naman may nararamdaman ka na talaga para sa kanya?" tanong ni Daniel
May nararamdaman na ba ako para sa kanya? Hindi ko alam.Ang alam ko lang ayoko syang saktan.
"Di ko alam.Naguguluhan na'ko" sabe ko sa kanila
"Ayos lang kahit di mo muna sabihin samin yang nararamdaman mo.Alam kong naguguluhan ka pa.Di rin naman malabong magkagusto ka kay Ash sa loob ng isang buwan." sabe ni Daniel
"Pero kung ako sayo hayaan mo muna si Ash.Hihingi din kami ng sorry sa kanya" singit pa ni Renz
Nag inom lang ng kami ng nag inom hanggang sa magsawa.
Di pa naman kami masyadong lasing.Mahirap na baka mabangga pa kami eh may dala pa naman kaming mga motor.
"rid safely *hik* mga pre" sabe ni Renz na medyo gegewang gewang na.
"sure ba kayong kaya nyo pa?" tanong ko sa kanila.
"oo naman *hik* kami pa" sabay nilang sabe
"osige ingat mga pre may dadaanan lang ako" paalam ko sa kanila.Medyo hilo na rin ako dahil sa nainom namin pero kaya ko pa naman magdrive.
Pinaandar ko na ang motor ko.Hatinggabi na din pala.
Dumaan ako kila Ash.Di ako aalis hangga't di nya ako napapatawad.
"Ash, alam kong galit ka pa den saken.Di ako aalis dito hangga't di mo'ko napapatawad." sigaw ko
Ash POV
Parang may sumisigaw sa labas?
Tignan ko nga.
"Ash, alam kong galit ka pa den saken.Di ako aalis dito hangga't di mo'ko napapatawad." sigaw nya
Ano bang ginagawa nya dito ng gantong oras? Nag usap na kami kanina ah.
"Ashlyn Monteverde, I'm really sorry.Please di ako makakatulog ng di mo'ko napapatawad" sigaw pa nya
"Anak, you should talk to him kung may kailangan kayong pag usapan.Natutulog na yung ibang tao.Hindi yan titigil kung di ka bababa" sabe ni Mom
"Nag usap na po kami kanina mom.Di ko na sya kailangan pang kausapin" sabi ko kay Mom.
"Okay fine, but you should go downstairs and tell him to go home because it's already midnight.After non matulog kana din agad.Goodnight" Mom kiss me on my cheeks.
Bumaba na ako para kausapin sya.
"Bakit ka ba nambubulabog ng gantong oras ha? Nag usap na tayo diba!?" inis kong sabe ko sa kanya.
"Nag usap nga tayo pero galit kapa din saken." sabi nya
Mukhang nakainom pa'to.Amoy alak tsk.
"Do you think ganon kadaling magpatawad? Di nyo lang ako niloko, pinagkaisahan nyo pa ako ng mga kaibigan mo." iritado ko pa ding sabi.
Totoo naman eh.
Ginawa nila akong laruan sa dare nila.Di nila iniisip yung mararamdaman ko.
"Hindi ako titigil hangga't di mo'ko napapatawad.Alam kong di mo'ko mapapatawad pero hihintayin ko yung araw na yon.Alam ko ring nasa huli ang pagsisisi, sorry dahil sa dare na'to di ko naisip na masasaktan ka" pagpapaliwanag pa nya
"Alam mo kung nag iisip ka talaga una pa lang hindi kana pumayag sa dare.Tao rin ako Ry, may feelings ako.Sana man lang naisip mo yon bago ka pumayag sa dare nila.Alam mo umuwi ka na lang.Lasing ka lang din.And kung pwede sana tigilan mo na'ko.Tigilan nyo na ako ng mga kaibigan mo" pinipigilan kong maluha.
"teka Ash sandali lang.Lasing ako pero alam ko ginagawa ko."
"Mag usap pa tayo" habol pa nya pero di ko na sya pinakinggan
Pagkatapos non ay isinara kona ang gate.
Alam kong mapapatawad din kita Ry, pero hindi pa sa ngayon.
And etong feelings ko para sayo.Mawawala to.
Hangga't kaya ko, iiwasan na kita.
Ayoko ng mahulog pa lalo sayo dahil baka mas lalo lang akong masaktan.
****
Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Gangster (Completed)
RomanceSi Ryan Daniel Chua ay isa sa kinatatakutan ng lahat ngunit kinakikiligan din sa kanilang campus. Si Ashlyn Monteverde naman ang babaeng mahuhulog sa kanya ng dahil lang sa dare ng kanyang mga tropa. How sad? Posible kayang mahulog din ang loob ni...