Ryan POV
Maaga kaming nagising ngayon dahil kailangan na naming bumalik sa Manila, patapos na kase ang sembreak namin.
Lumabas na kami ng dorm at naghihintay na lang sa bus namin.
"Mga pre nakita nyo ba si Ash?" tanong ko kay Renz at Daniel
Sabay naman silang umiling
"Miss mo agad pre ah parang kagabi lang magkasama kayo eh" pang aasar ni Renz
"oo nga haha kasama lang yon ng mga kaibigan nya" sabi pa ni Daniel
Hinahanap ko pa din si Ash.Di ko alam pero parang di maganda yung pakiramdam ko ngayon.Parang may hindi magandang mangyayare?
Nandito na yung mga sasakyan naming bus pero di ko pa din nakikita si Ash.
"Okay sumakay na kayo sa bus" sabi ni sir
Nakita kong tumatakbo yung mga kaibigan ni Ash papunta dito at hingal na hingal
"Sir saglit lang po" hinihingal na sabi ni Mael
"Bakit? We need to go now dahil yun ang time ng alis natin dito sa resort" sabi ni sir
"Hindi tayo pwedeng umalis ngayon sir nawawala po yung kaibigan namin kanina pa." sabi ni Mary
"Hinanap na po namin sa buong resort wala po sya.Nag alala na po kami sa kaibigan namin." naiiyak na sabi naman ni Jayza
Nawawala si Ash? Damn!
Tinry kong tawagan yung number nya pero di talaga sumasagot.Naka ilang missed calls na ako pero wala pa ring sumasagot.
Putcha kinakabahan ako.
Iyak na ng iyak yung mga kaibigan ni Ash dahil sa sobrang pag aalala.
"Ryan please lang tulungan mo kaming mahanap si Ash.Natatakot kami dahil may nabasa kaming notes sa dorm namin na may nakasulat na "I will kill her"."
"Don't worry I will find Ashlyn" sabi ko sa mga kaibigan ni Ash
Nagtutulungan na ang lahat ng may biglang tumawag sa akin
Ashlyn Calling...
Sinagot ko agad yung tawag pero boses ng lalaki yung narinig ko.
(Hi Ryan.)
"Sino ka!? Bakit hawak mo yung phone nya!?" sigaw ko sa kabilang linya
(Grabe nakalimutan mo agad yung mortal enemy mo? It's me, Drake) sabi nya ng natatawa pa sa kabilang linya
"Damn you Drake! Don't you ever dare to hurt my girl or else I will kill you!" sigaw ko
Natawa lang sya
(Grabe natakot ako.Kung gusto mo pa syang makitang buhay pumunta ka dito sa pinakadulo ng resort at wag na wag kang magsasama ng kasama at pulis.Bilisan mo na lang dahil naglagay ako ng bomba sa kanya) natawa pa sya tapos binaba na nya yung tawag
Shit! Sabi na hindi mapagkakatiwalaan yang si Drake eh.
"Pre kayo na munang bahala sa mga kaibigan ni Ash.Pupuntahan ko lang yung gagong Drake na yon!" galit na sabi ko
"Si Drake pala ang may gawa.Sasama kami sayo pre" sabi ni Daniel
"Wag na mga pre ganto na lang tatawag ako sayo Renz para marinig mo yung usapan namin kapag alam nyong kailangan ko na ng tulong tsaka kayo pumunta at tumawag ng pulis" pagpapaliwanag ko sa kanila
"Sige mauna na ako."
Pagkasabi ko non ay umalis na agad ako.
Nagmamadali akong tumakbo hanggang sa makarating sa pinakadulong resort.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa narating ko na yung dulo nitong resort.
"You came here early huh!?" biglang tanong nya
Nasa likod ko pala sya.Agad akong napalingon sa kanya
"Nasan si Ash!? Siguraduhin mo lang na wala kang ginawa sa kanya kundi papatayin talaga kita ngayon!" sigaw ko sa kanya
Nginisian lang nya ako.
"Talaga? Papatayin mo ko? Sabagay nagawa mo na yan dati sa girlfriend ko kaya gumaganti lang ako." sabi nya
Past na yon bakit binabalik pa nya?
"Nag sorry na ako sayo diba? Di ko naman sinasadya yung nagawa ko noon sa girlfriend mo.Please lang wag mo ng idamay si Ash sa nangyari noon." sabi ko naman sa kanya
"HINDI PWEDE YON! EH KUNG PATAYIN KO DIN KAYA YUNG GIRLFRIEND MO NGAYON AT SABIHIN KONG DI KO SINASADYA! DAMN YOU RYAN! YOU KILLED MY GIRLFRIEND AND I WILL NEVER FORGIVE YOU FOR THAT! KUNG AKO HINDI SUMAYA NOON, WALA KA RING KARAPATANG SUMAYA NGAYON!" sigaw nya sa akin
"Kunin nyo sya at itali!" dugtong pa nya
Agad naman akong hinawakan ng tauhan nya sa magkabilang braso.At nilagyan ako ng blindfold tsaka pinilit na palakarin.
"DAMN YOU TOO DRAKE! KAPAG MAY NANGYARING MASAMA KAY ASHLYN NGAYON PAGBABAYARAN MO TANDAAN MO YAN!" sigaw ko sa kanya habang kinakaladkad ako ng tauhan nya.
"Whatever" sabi ni Drake.
Ash, I promise na maliligtas kita sa kamay ni Drake.Sana safe ka.I love you...
****
Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Gangster (Completed)
RomanceSi Ryan Daniel Chua ay isa sa kinatatakutan ng lahat ngunit kinakikiligan din sa kanilang campus. Si Ashlyn Monteverde naman ang babaeng mahuhulog sa kanya ng dahil lang sa dare ng kanyang mga tropa. How sad? Posible kayang mahulog din ang loob ni...