Chapter 21: Sign of Love?

521 19 1
                                    

Ash POV

Nang makababa sila.Bumaba na din ako.

Bakit ganon? Akala ko ba liligawan nya ako?

Wait ano bang pake ko? Kung mahal pa sya nung babae.Di ko pa naman sya sinasagot.

Pero merong part sa akin na parang nalulungkot ako.

Iniisip ko lang kase na may past pa pala sya pero nanliligaw sya sa akin.Mukha akong nagpapauto.

Sa halos isang buwan kaseng panliligaw sa akin ni Ryan ay parang napapalapit na din yung loob ko sa kanya.Pero hindi ko pa naman masasabing gusto o mahal kona sya.Hay ewan.

"hoy san ka nagpunta? kanina ka pa namin hinahanap." sabe ni Mary

"don sa rooftop nagsosoundtrip lang ako haha"

Tinitignan nila yung mukha ko na para bang may dumi.

"bakit?" tanong ko sa kanila

"anyare sayo? bat antamlay mo bigla? may kumagat ba sayo don sa rooftop?" tanong ni Jayza

"wala uwe na tayo napagod lang ako kakaenjoy naten sa booth.Gabi na din eh tara na" pagdadahilan ko

"okay sabi mo eh"

Nagsi uwian na yung iba.Palabas na kami ng gate ng makasabay namin sila Renz at Daniel.

"hi pauwe na din kayo?" tanong ni Renz sa amin

"yup kayo din?" tanong ni Mael

"oo sabay sabay na tayo sa parking lot" sabe pa ni Renz

Naglalakad kami papuntang parking lot.May sarili nga pala kaming sundo lahat.Pero si Renz at Daniel may sarili ding motor.

"bakit di nyo pala kasabay si Ryan? Kanina nyo pa sya di kasama ah, magkagalit ba kayo?" tanong ni Jayza

Natahimik naman yung dalawa.

"ah masama pakiramdam eh tumambay lang yon sa rooftop kanina tapos umuwe agad" sabi ni Daniel

Tumambay? Like duh kausap nya kaya ex nya.

"Ay talaga? Nandun din si Ash kanina eh.Di ba kayo nagkita ni Ryan don?" biglang tanong sakin ni Jayza

Sasabihin ko bang narinig ko usapan nila at nakita ko sila ng ex nya na naghalikan?

"di ko sya nakita baka nung umakyat ako don nakababa na sya haha" pagsisinungaling ko

"ah kaya pala oh andyan na pala sundo naten eh bye guys see you tomorrow" paalam ni Mary

"bye take care" paalam nila Renz at Daniel.

Nagbeso na kami ng mga kaibigan ko at tsaka umalis.

Di pa rin mawala sa isip ko yung mga nakita at narinig ko kanina.

Mahal pa rin ba nya ex nya?

Pinaglalaruan lang ba nya ako?

Walang gana akong umakyat ng kwato ko at tsaka sumalpak sa higaan.

Siguro dapat ko ng iwasan si Ryan? Kase kung makakasama ko sya araw araw, baka tuluyan na'kong mahulog sa kanya.

Sa totoo lang, ayoko sa gangster.

Kase naiisip ko na baka palagi akong mapahamak kapag may kasama akong gangster.Pero iba naman siya, may side pa din naman na mabait at sweet sya.

Di ko alam kung nagugustuhan ko na ba sya?

Sa loob ng isang buwan, napalapit na rin loob ko sa kanya.In love na nga ba ako sa kanya?

Dahil wala akong magawa nagsearch ako kung ano nga bang sign na inlove ang isang tao?

•Palagi mo syang naiisip
•Nauutal ka kapag kausap mo sya
•Bumibilis tibok ng puso mo kapag may nagagawa syang bagay na gusto mo.
•Nagseselos ka kapag nasa iba ang atensyon nya at may nagugustuhan syang iba.

Tumpak lahat ng nandito? It means in love na talaga ako kay Ryan? No.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Accidentally In Love With A Gangster (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon