KIA LUELLA POV
"Ang tagal mo naman kanina pa kami dito" reklamo ni Claire pagdating ko sa kinaroroonan nilaNandito pala kami ngayon sa Ice cream parlor malapit sa village nila Clarisa. Tinawagan nila ako kagabi kung pwede ba akong pumunta dito ngayon may sasabihin daw kasing importante si Alexa
"sorry naman ang layo kaya nang village namin dito" sagot ko at umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Claire at Alexa "nga pala anong sasabihin mo samin Alexa?" tanong ko
"mag-order muna tayo saka ko sasabihin" sagot niya. Mukhang seryoso ang pag-uusapan namin ngayon base sa tuno nang boses niya
The Alexa I know ay hyper kung makipag-usap yung parang walang problema at mahilig din siya sa mga dare dare pero ngayon ang tamlay niya
"cge ako nalang ang bibili anong sa inyo?" pagprepresenta ni Claire. Himala ata at nagpresenta ang isang to eh kadalasan kami ang bumibili sobrang tamad biya kasing bumili
"Anong nakain mo at nagpresenta ka?" tanong ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako nang kilay
"bilis na baka magbago isip ko" inis niyang sagot. May ganoon? Nagpresenta tas naiinis?
"chocolate ice cream sakin yung pure chocolate ah" sabi ko. I love chocolate ice cream ayaw ko sa mango, cookies and cream, ube o ano pa man yan
"mango ice cream sakin" sabi naman ni Clarisa
"same with Kia sakin" sabi naman ni Alexa
"hintayin niyo muna ako saglit maiwan ko na muna kayo" Claire said at pumuntang counter
"bat ang tamlay mo ata ngayon Alexa may problema ba?" I ask ang tamlay niya kasi hindi ako sanay
"wala naman" sagot niya at bumuntong hininga
"wala daw pero ang tamlay nang mukha" angal naman ni Clarisa
"andito na ice cream niyo" sabat ni Claire. Ang bilis niya naman ata?
"ang bilis mo naman, salamat" sabi ni Clarisa at nagpasalamat kay Claire
"kilala kasi ako nang may-ari nito kaya ako mabilis palagi kasi ako dito" sagot ni Claire at umupo sa upuan niya "ang seryoso niyo ata anong meron?" tanong ni Claire
"tinatanong lang namin si Alexa kung may problema ba" sagot ni Clarisa
"oh tapos?" tanong ulit ni Claire at sumubo nang ice cream
"wala daw" sagot ulit ni Clarisa at nagkibit balikat saka sumubo nang ice cream
MAVERICK POV
Busy ako sa pagpipirma nang mga papelis nang biglang tumunog ang cellphone koI pick up my phone and look at the ID caller and I saw Ivan's name calling. Ano naman ang kailangan nito?
"what do you want?" I ask pagkasagot ko at inikot ang swevil chair paharap sa glass wall kung saan kita ang naglalakihang building
"Mr. Knight is already here in the philippines sabi mang source ko" he answer na ikina seryoso ko
"manmanan mo ang Knight na yan at alamin mo kung bakit siya nandito sa pilipinas" seryosong sabi ko
Si Jack Knight ang mahigpit kong kalaban sa negosyo. Noon pa man gusto na niya akong pabagsakin pero hindi niya ako kayang pabagsakin. Nitong nakaraang taon naging tahimik siya. Itinigil niya ang pagpapadala nang death threat sakin at ang pag papadala nang mga tao para patayin ako. Ngayon lang ulit siya magparamdam pagkatapos nang ilang taong pananahimik at alam kong may binabalak na naman siya para pabagsakin ako
"pinamanmanan ko na siya at ayon sa source ko ikaw ang pakay niya kaya siya narito sa pilipinas" sagot ni Ivan. I see kahit saan talaga ako magpunta susundan at susundan niya ako hanggat hindi niya ako napapabagsak
"ano pa ang nalaman mo?" tanong ko ulit. Ano ba talaga ang pinaplano mo Knight?
"sa ngayon yan lang ang alam ko pero wag kang mag-alala aalamin ko lahat nang plano ni Knight ang alalahanin mo ay ang babaeng kinababaliwan mo dahil sa oras na malaman ni Knight ang tungkol sa kanya tiyak na gagamitin niya ito laban sayo" sagot niya
Tama siya kailangan kong bantayang maigi si Kia, hindi pwedeng malaman nang Knight na yon ang tungkol sa kanya
"magpadala ka nang tao para bantayan si Kia nang patago" utos ko sa kanya
"makakaasa ka" sagot niya. Hindi na ako sumagot pa at pinatay na ang tawag
Kung ano man ang pinaplano mo Knight sisiguradohin kong hindi ka magtatagumpay. Bago mo pa man magawa ang plano mo uunahan na kita at pagbabayaran mo ang pagpatay mo sa kapatid ko
"humanda ka sakin Jack Knight malapit na din tayong magkaharap at malapit mo na ring pagbayaran ang ginawa mo sa kapatid ko" madiin kong sabi habang nakakuyom ang mga palad ko sa galit
KIA LUELLA POV
"ibig mong sabihin na yung kababata na sinasabi mo samin ang fiance mo?" tanong ni ClairePagkatapos naming kainin ang ice cream namin pinilit namin si Alexa na magkwento kung bakit siya matamlay
Naikwento niya samin dati ang tungkol sa kababata niya na nangako sa kanya na papakasalan siya nito pagdating nang taman panahon. Sabi niya samin ngayon na nasa legal age na sila napagpasyahan nang magulang nila na ipakasal ito sa lalong madaling panahon. Yun nga lang natatakot siya na magpakasal dito dahil baka daw may mahal na itong iba at baka kamuhian pa siya nito pag pumayag siyang magpakasal dito
"oo nga siya ang fiance ko paulit-ulit ka naman eh" inis na sagot ni Alexa
"sorry naman naninigurado lang" pagpapaumanhin ni Claire. Kahit kailan talaga palaging naka unli ang babaeng to paulit-ulit
"diba sabi mo mahal mo siya eh bat nagdadalawang isip ka?" I ask na ikina sang-ayon nina Claire at Clarisa
"oo mahal ko siya pero ayaw ko namang magpakasal sa taong hindi naman ako mahal" sagot niya naman
"pano mo naman nasabi na hindi ka niya mahal aber?" tanong ni Claire at tinaasan siya nang kilay
"sa ilang taon ang lumipas sa tingin mo ba walang nagbago?" tanong pabalik ni Alexa na ikinatango-tango namin
Sa bagay ilang taon din ang lumipas for sure marami na ang nagbago
"tama ka naman sa sinabi mo pero pagmahal ka talaga nang isang tao hindi agad yun nabubura" segunda ni Clarisa
"isipin niyo nga nagkahiwalay kami noong 6 years old palang ako habang siya naman 7 years old tapos nagkita kami ulit kahapon lang sige nga sabihin niyo sakin wala bang nagbago?" paliwanag ni Alexa
"siguro nga may nagbago pero kung kayo talaga ang makatadhana kayo talaga sa huli" sagot ni Clarisa
"ano ba naging reaksiyon niya nong malaman niyang ikakasal kayo?" tanong ko
"hindi ko alam basta ang alam ko pumayag siyang pakasalan ako" sagot niya
"yun naman pala eh so that means tanggap ka niya na maging bride" sagot ko
Kung hindi siya tanggap nito na maging bride edi sana umalma na ito sa dinner nila kagabi diba?
"ang mahalaga pumayag siya malay mo mahalin ka rin niya" segunda ni Claire
"sana nga mahirap din kasing matali sa taong wala namang pagtingin sayo" sagot ni Alexa
"wag mo nang alalahanin yun ang alalahanin mo nalang ay ang nalalapit niyong kasal" sabi naman ni Claire at binigyan siya nang matamis na ngiti ganoon din kami
I hope you will be happy ngayong ikakasal na kayo nang taong mahal mo Alexa I really hope so
YOU ARE READING
Lap Dance The Billionaire
RomanceR-18| Mature Content Inside| Not suited for readers below 18| Read at your own expense| COMPLETED © All Rights Reserved