CLARISA POV
Tinignan ko ulit ang cellphone ko kung may missed call or text ba si Darren sakin pero napasimangot na lang ako ng hanggang ngayon wala pa rin, nakakatampo na isang linggo na kasi siyang hindi nagpaparamdam sakin, sa tuwing tinatawagan ko siya ring lang ng ring walang sumasagot pag nag text naman ako hindi siya nagrereply"anong mukha yan?" tanong ni Claire. Nandito kasi kami ngayon sa cafe ni Kia sakin niya kase binilin ang cafe habang nasa ibang bansa sila ni Mave
"hindi kasi nagpaparamdam si Darren sakin eh" sagot ko habang nakasimangot
Nag-aalala na kasi ako, hindi kasi siya ganito, pag may importante siyang gagawin mag tetext yun sakin para hindi ako mag-alala pero ngayon ni isang text wala akong natanggap
"baka busy kaya hindi nagpaparamdam sayo" sagot niya. Yun din ang iniisip ko eh baka sobrang busy kaya hindi ako magawang eh text
"kahit na dapat nag text man lang siya sakin" sagot ko at saka bumuntong hininga
"hayaan mo na lang magpaparamdam din yun hintayin mo lang" sagot niya
"isang linggo ko ng hinihintay na mag text siya o tumawag pero hanggang ngayon ni isang tawag o isang text man lang wala akong natanggap" paliwanag ko ng may panggigigil
"relax ka lang Clarisa kilala mo naman si Darren babawi naman yun" sagot niya. Tama siya, bumabawi naman si Darren sakin pag nagiging busy siya
"kayo ni Ivan kumusta na? Balita ko kayo na daw" pag-iiba ko sa usapan na ikinalapad ng ngiti niya
"ito masaya dahil mahal niya rin ako" kumikislap na sagot niya. Inlababo nga ang loka
"hindi halatang mahal mo ah" sarkastiko kung sagot at umiling
"alam mo Clarisa hindi ko aakalain na mahal niya ako at ngayon sinisimulan na niyang magbago para sakin" sagot niya. Nakikita ko ngang seryoso si Ivan sa kanya at nakikita ko rin ang dami ng pinagbago niya
"masaya ako para sa inyo ni Ivan" sabi ko sa kanya. Masaya ako dahil masaya na ang mga kaibigan ko at masaya na rin naman ako
"masaya rin naman ako para sa inyo ni Darren at sa iba pa nating mga kaibigan" sagot niya naman
"ang swerte natin no nahanap na natin ang mga taong magmamahal sa atin ng totoo" sabi ko
Ang swerte namin sa kanila dahil pinaramdam nila samin na sapat na kami para sa kanila hindi naman maiiwasang magkaroon ng away pero ang importante malaki ang tiwala niyo sa isa't isa at dapat makinig muna sa paliwanag bago magdesisyon para sa huli wala kang pagsisisihan
"tama ka napakaswerte nga natin, siguro kung hindi natin pinasayaw si Kia sa lap ni Maverick hindi natin sila makikilala" sabi ni Claire
Tama siya kung hindi namin yun pinagawa ewan ko na lang kung hahantong b kami sa ganito
"makikilala rin naman natin sila pero siguro hindi tayo aabot sa ganito except for Alexa alam mo na matagal ng inlove sa isa't isa ang dalawang yun" segunda ko naman
"siguro nga" sagot niya. Ang importante sa amin ngayon ay ang mga taong mahal namin sa buhay at ang mga taong nagmamahal sa amin ng wagas
DARREN POV
Sa loob ng isang linggo hindi ako nagparamdam kay Clarisa dahil sa plano kung magpropose sa kanya bukas ng gabiTinignan ko ang lugar at malapit na itong matapos, ang sabi kanina ng nag-organize dito bukas ng umaga na ito matatapos kaya excited na kinakabahan ako para sa mangyayari bukas
"Darren" tawag ni Ivan sakin. Kasama ko si Ivan dahil sa kanya ako nagpatulong hindi kasi pwede si Maverick dahil nasa ibang bansa sila ni Kia, si Zues naman hindi pwede dahil manganganak na ngayong buwan si Alexa kaya si Ivan lang ang nandito kasama ko
YOU ARE READING
Lap Dance The Billionaire
RomanceR-18| Mature Content Inside| Not suited for readers below 18| Read at your own expense| COMPLETED © All Rights Reserved