Chapter 32

521 4 0
                                    

KIA LUELLA POV
Dalawang araw na rin ang nakakaraan mula nong makalabas ako ng hospital at sa loob ng mga araw na yun si Mave ang palagi kong kasama, gaya na lang ngayon magkasama ulit kami, ayaw niya daw kasi akong iwan mag-isa, wala rin daw kasi akong kasama dahil hindi pa rin nakakauwi sina mommy at daddy , si kuya naman pinapasyal ang fiance niya

"what are you thinking? Hmm?" taning ni Mave habang nakayakap sakin patagilid. Nandito kami ngayon sa veranda ng bahay namin, dito namin ginagawa ang mga dapat naming gawin habang hindi pa kami nakakapagtrabaho sa opisina namin

"I'm just thinking kung kamusta na si Jack" sagot ko. Kahapon may pumunta ditong pulis para hingan ako ng statement tungkol sa kaso ni Jack, sinabi ko lahat ng detalye sa mga pulis mula nong palagi niya akong pinagbabantaang kunin, sa pagkidnap sakin, at hanggang sa pagbaril niya sakin na dapat ay si Mave ang matatamaan

"why are you still thinking of that bastard?" madiin niyang tanong at kumalas sa pagkakayakap sakin. Ang init talaga ng dugo niya pag si Jack ang pinag-uusapan, hindi ko naman siya masisisi dalawang tao ang pinatay ni Jack dahil sa sobrang inggit niya kay Mave

"love he is still my friend kahit na marami siyang kasalanang nagawa" sagot ko at hinawakan ang kamay niya para pakalmahin, naramdaman ko naman siyang bahagyang kumalma pero ang dilim pa rin ng aura niya

"love deserve ni Jack na magdusa dahil sa dami ng kasalanan niya at kung pwede wag mo ng isipin ang g*g*ng yun" inis niyang sagot

"ok hindi ko na siya iisipin ulit pero pwede ko ba siyang bisitahin?" tanong ko. Gusto kong makita si Jack. Napatawad ko na siya sa lahat ng kasalanan niya pero dapat pa ring niyang pagbayaran ang mga yun

"kaya mo na ba siyang makita? Makausap?" tanong niya. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kong kaya ko ba

"papayagan lang kitang bisitagin ang g*g*ng yun kung handa ka na, don't worry sasamahan kita" sabi niya niyang matahimik ako sa tanong niya

"thank you love hindi mo ko pinabayaan" pagpapasalamat ko. Sa kabila ng mga nangyari samin kapakanan ko pa rin ang iniisip niya

"anything for you love, lahat gagawin ko para sayo dahil mahal na mahal kita" sagot niya. Hinarap ko siya at saka hinalikan sa labi ng mabilis at hinawakan ang kamay niya

"mahal na mahal din kita" sagot ko at niyakap siya. Napakaswerte ko talaga sa lalaking to

ALEXA POV
"babe?" tawag ko kay Zues. Hindi ko kasi siya makita pagkagising ko, mag-isa na lang ako sa kama, ang pagkakatanda ko magkatabi kami bago ako makatulog

"babe?" tawag ko ulit ng walang sumagot. Asan ba ang lalaking yun? Kanina ko pa siya hinahanap, kanina ko pa rin siya tinatawag pero hindi oa rin siya sumasagot

"babe" sagot mula sa likuran ko, humarap ako sa likuran ko para harapin si Jack at nakita ko siyang nakatayo hindi kalayuan sa pwesto ko

"kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot" nakapout kong saad. Lumapit naman siya sakin at saka ako hinalikan sa pisnge at saka ako niyakap, niyakap ko rin siya pabalik

"sorry babe, sinusuri ko kasi yung guest room natin para sa baby natin" sagot niya at hinaplos ng bahagya ang tiyan ko, napangiti na lang ako, hindi pa malaki ang tiyang ko pero sobra na ang pag-aalaga niya sakin

"ilang buwan pa naman bago lalabas si baby saka na natin iparenovate ang guest room pag nagfive months na ang tiyan ko" sagot ko. Sa ipinapakita niya sa akin ngayon masasabi kong napakabuti niyang ama para sa magiging anak namin, napakaswerte namin at siya ang magiging ama ng magiging anak namin

"ok ikaw ang masusunod" pagsang-ayon niya saka niyakap ulit ako "may gusto ka bang kainin babe?" tanong niya

"wala pero may gusto akong puntahan" sagot ko. Ayaw kong kumain, gusto kong pumunta kina Kia, ilang araw ko na rin kasing hindi nakikita si Kia eh

"asan naman?" tanong niya habang nakayakap parin sakin

"kina Kia, please babe gusto talagang makita si Kia eh" pakiusap ko. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong makita si Kia, para akong maiiyak sa isiping hindi ko siya makikita

"bukas na lang babe" sagot niya kaya napapadyak ako. Gusto kong makita si Kia gayong araw na to mismo

"gusto ko ngayon" inis kong sagot. Si Kia ata pinaglilihian ko

"ok ok pupunta tayo sa bahay ng kaibigan mo pero magbihis muna tayo" sagot niya

"thank you babe" masaya kong pasasalamat at saka siya hinalikan sa pisnge at dali daling pumasok sa kewarto namin. Narinig ko pa siyang sinita ako pero hindi ko na lang pinansin

Maghanap ako ng masusuot na hindi masikip para hindi maipit ang baby ko pero wala akong mahanap kaya yung damit na lang ni Zues ang isinuot ko at saka lumabas ng kwarto pagkatapos

Sa sala ko na lang hihintayin si Zues, kakain muna ako bigla akong nagutom eh

JACK POV
"pinsan kumusta kana?" tanong ni Isabell. Hindi kasi siya nakulong kasama ko dahil nong araw na nilusob kami nina Maverick ay nakaalis na siya kaya malaya pa rin siyang nakakagala at wala rin akong balak na idamay siya dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nadawit sa mga pinaggagawa ko

"ok lang ako dito" sagot ko. Ok lang naman ako dito. Binibisita din ako ng daddy ni Maverick oaminsan minsan

"nabalitaan ko pala, nakalabas na ng hospital si Kia dalawang araw na rin ang nakakalipas" sabi niya. Mabuti naman at nakalabas na siya sa hospital at least mapapanatag na ako dahil ligtas at ok na siya

"pwede mo bang puntahan si Kia? Pakisabi gusto ko siyang makita" pakiusap ko. Matagal ko ng gustong makita si Kia pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako binibisita siguro natatakot siya na baka saktan ko siya

"mahihirapan akong lapitan si Kia pinsan, mula nong makalabas sa hospital si Kia palagi niyang kasama si Maverick o di kaya yung mga kaibigan niya" paliwanag niya. Napabuntong hininga na lang ako. Alam kong pinuprotektahan lang nila si Kia laban sakin at hindi ko sila masisisi don

"subukan mo lang o di kaya tyempohan mo lang, gusto ko lang talagang humingi ng tawad sa kanya" sabi ko kay Isabell. Malapit na ang hearing sa kaso ko at pag napatunayang may kasalanan ako ililipat na ako sa ibang kulungan

"susubukan ko pinsan pero hindi ko maipapangakong mapipilit si Kia na bisitahin ka" sagot niya. Tumango na lang ako bilang sagot

"nga pala kumusta na ang nanay mo?" tanong ko. Ginamit ko ang nanay niya para sumunod siya sa plano ko ni hindi ko naisip na sila ang kumupkop sakin at nag-alaga pagkatapos mamatay ang nanay ko, kung hindi dahil sa kanila baka nagpalaboy laboy ako dati

"ok na siya ngayon pinsan, ang sabi ng doctor makakalabas na rin siya sa hispital pag nagtuloy tuloy ang recovery niya" sagot niya. Mabuti naman kung ganoon, matagal tagal na rin siyang naadmit sa hospital dahil sa sakit niya sa puso pero ngayon ok na siya

"pagnakalabas na siya sa hospital baka pwedeng isama mo siya pagbibisita ka" pakiusap ko

"oo naman pinsan" sagot niya. Sa kabila ng pangbablackmail ko sa kanya nagawa niya pa rin akong patawarin at intindihin. Napakaswerte ko pa rin pala dahil sa dami ng kasalanan ko may tao pa ring handang tanggapin ako

Lap Dance The BillionaireWhere stories live. Discover now