KIA LUELLA POV
"Kia iha" tawag pansin sakin ni manang habang nagbabasa ako dito sa sala"bakit manang?" tanong ko kay manang pagkatapos kong itiklop ang librong binabasa ko
"may naghahanap sayo sa labas" sagot ni manang. Wala naman akong iniexpect na bisita sino kaya yun?
"sino naman po? Bakit hindi niyo pinapasok?" takang tanong ko
"hindi nagpakilala eh" sagot ni manang "inaya ko ngang pumasok pero ayaw niya" dagdag pa niya
Huh? Bakit naman kaya? Ayaw ba niyang makausap ako dito sa loob?
"pupuntahan ko muna manang baka kasi importante" sabi ko kay manang at naglakad palabas pero bago pa man ako makalayo pinigilan ako ni manang
"bakit po? May problema ba?" takang tanong ko kay manang
"mag-iingat ka sa lalaking yun iha baka kasi may gawin siyang masama sayo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko sa kanya" sagot ni manang ng may pag-aalala. Sino kaya yun at ganito umakto si manang? Hindi rin naman pwedeng si Mave yun dahil busy siya ngayon kaya hindi kami magkasama
Tinanguan ko lang si manang at nagpatuloy sa paglalakad palabas nang bahay
Napakunot ang noo ko nang maaninag ko ang bulto nang tao sa may gate na hindi pamilyar sakin. Ano kaya kailangan nito sakin? Bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari? At bakit pakiramdam ko may gagawin siyang masama?
"ano pong kailangan nila?" tanong ko pagkalapit ko sa may gate at binuksan ito
"mas lalo kang gumanda ngayon kumpara nong huli tayong magkita" nakangisi niyang sabi. Huh? Huli kaming magkita? Kilala ko ba siya?
"magkakilala ba tayo?" takang tanong ko sa kanya ng nakakunot ang noo
"sobrang tagal ko ba talagang nawala at nakalimutan mo na ako? Sabagay hindi naging maganda ang huli nating pagkikita kaya hindi na nakakapagtaka kung nakalimutan mo na ako" instead of answering me yan ang sinabi niya
"sorry nagkakamali ka ata" sabi ko. Hindi ko kasi siya kilala baka nagkamali lang siya nang napuntahan
"hindi mo na ba talaga ako kilala Kia?" tanong niya sakin. Kilala niya ko? How come?
"kilala mo ako? Paano tayo nagkakilala?" tanong ko sa kanya at sinubukang alalahanin kung kailan kami nagkakilala pero wala talaga eh
"sabi ko naman sayo noon diba? Kukunin kita and I will do everything to make you mine" sagot niya naikinagulat ko
Biglang pumasok sa isipan ko ang nakaraan. Ang taong ayaw ko nang makita ulit pero nandito na siya ngayon sa harapan ko
"Jack" gulat kong sambit sa pangalan niya. Jack Knight bakit kapa bumalik? Tahimik na ang buhay ko pero ginugulo mo na naman
ZARREN JOHNSON POV
Pababa palang ako nang hagdanan nakita ko si manang sa baba na palakad-lakad at hindi mapakali. Ano kayang nangyari kay manang?"manang ok lang kayo? Kanina pa kayo palakad-lakad dyan" tanong ko kay manang pagkababa ko sa hagdanan na. Lumapit naman siya sakin agad at nagsalita
"iho puntahan mo nga si Kia sa may gate kinakabahan kasi ako eh" nag-aalalang sabi ni manang. Bakit naman kaya?
"bakit naman po? May nangyari ba?" takang tanong ko habang nakakunot ang noo ko
"may naghahanap kasi kay Kia pinapasok ko nga para dito nalang sila mag-usap pero ayaw pumasok" sagot ni manang. Bakit naman?
"baka po napadaan lang o di kaya nagmamadali kaya ayaw pumasok" sabi ko naman. Baka nagmamadali kaya ayaw pumasok
YOU ARE READING
Lap Dance The Billionaire
RomanceR-18| Mature Content Inside| Not suited for readers below 18| Read at your own expense| COMPLETED © All Rights Reserved