Chapter 16

744 14 1
                                    

MAVERICK POV
"alam kong napakabilis para sayo ang mga nangyayari pero masisisi mo ba ako kung minamadali ko ang lahat? Ayaw ko lang na maunahan ng iba" panimula ko pagkatapos kong kumanta

"nong ina kitang makilala sa bar hindi mo alam kong gaano ako nagpipigil dahil sa ginagawa mo sakin. Ikaw ang unang babaeng hinayaan kong sayawan ako. Ikaw ang unang babaeng hindi ko ipinagtabuyan dahil lahat ng lumalapit saking babae ipinagtatabuyan ko kahit tanungin mo pa ang mga kaibigan ko" dagdag ko na ikinatawa niya habang umiiyak. Tumawa rin ang mga malalapit na tao sa buhay namin na ikinalingon niya sa likuran niya

Nandito ang pamilya, pamilya ko at ang mga kaibigan namin at pati na rin ang mga malalapit naming katrabaho kahit ang mga katulong namin nandito rin. I want them to witness how much I love Kia

"simula ng gabing yun hindi na ako nakakatulog ng maayos dahil pati sa panaginip hindi mo ako tinantanan. Sabi ko sa sarili ko pagnakita kita ulit I will punished you at pagnakuha ko na ang gusto ko baka sakaling makalimutan na kita" totoo yun pero nong makasama ko siya I feel like I need to protect her kaya hindi ko itinuloy ang plano ko

Nakita ko siyang umiiyak at nagulat dahil sa sinabi ko

"nong makasama kita lahat ng plano ko nagbago dahil pakiramdam ko hindi ko dapat gawin sayo yun, pakiramdam ko kailangan kitang protektahan kaya mas minabuti kong kilalanin nalang kita" umiiyak kong litanya dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko

"Kia, iba ka sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang mahulog ang loob ko sayo basta ang alam ko mahal kita, mahal na mahal" nakangiti kong litanya. Ang kaninang iyak nuya naging hagulgol

Lumapit ako sa kanya at lumuhod saka kinuha ang kwentas na nasa bulsa ko

"Kia Luella Johnson can you be my girlfriend?" kinakabahan kong tanong

"sagutin mo na Kia"
"oo na sagot niyan"
"bastedin mo nalang yan Kia hahahaha"
"oo na yan"
"sasagutin na yan"
"sasagutin na yan"
"sasagutin na yan"

Hiyawan nila na ikinatawa nuya ng bahagya habang umiiyak pa rin

"Mave mahal din kita" sagot niya at ngumiti ng malapad

"ibig sabihin tayo na?" excited kong tanong na tinanvuan niya

"yes Mave I want you to be my boyfriend"sagot niya

"yes yes yes" sigaw ko at tumalon talon dahil sa sobrang saya "narinig niyo diba? Sinabi niyang oo" masaya kong sambit na ikinatawa nila

"narinig namin bud hindi kami bingi"
"congrats bud"
"congrats sa inyo"

Kinuha ko ang kwentas at isinuot sa kanya "this necklace symbolizes that you are mine" sabi ko. It is a heart necklace na pag binuksan mo makikita mo sa loob ang picture naming dalawa nong nasa flower farm kami

"that heart ay aking at ang susi ay nasa akin look" sabi ko at ipinakita ang kwentas ko na isang key na may pangalan niya habang yung sa kanya ay may pangalan ko. Pinapersonalize ko talaga ang kwentas namin para saming dalawa

Finally akin na siya, sa akin lang, AKIN

KIA LUELLA POV
He kiss me in the lips na tinugunan ko. His kiss was so passionate, full of emotion pero mas nangingibabaw ang pagmamahal sa halik niya

"tama na yan bus wag mo namang laspagin ang labi ng kapatid ko" rinig kong sabi ni Kuya. Hinalikan muna ako ng malalim ni Mave bago niya bitawan ang labi ko

"panira ka naman"reklamo niya na ikinatawa ko at kinurot siya ng mahina sa tagiliran niya

"aba pumayag kaming maging girlfriend mo ang kapatid ko pero hindi kami pumayag na laspagin mo ang labi ni Kia" angal ni kuya

"of course I wont do that" sagot niya at iniyapos ang kamay sa bewang ko

"alagaan mo ang kapatid ko Maverick wag mo akong bibiguin" seryusong sabi ni Kuya

"I will bud makakaasa ka and I wont hurt your sister" seryuso niya ring sagot

"mabuti kung ganon anyway congrats I will leave you to here" sabi ni kuya at saka umalis

"tayong dalawa nalang so that means masusulo na kita" nakangiti niyang sabi

"bakit pakiramdam ko may pinaplano ka, meron nga ba?" taas kilay kong sabi pero nginisihan niya lang ako

"pwede bang sa bahay ka matulog mamaya?" malambing niyang tanong. Sabi na eh

"hindi papayag sila daddy sa gusto mo" sagot ko. Knowing them, sobrang strick nila when it comes to me

"papayag sila trust me" nakangiti niyang turan. Let's see kung mapapayag niya sina dad

"Let's see" panghahamon ko sa kanya at nginitian siya ng mapang-asar

"wait me here, I will just talk to them" paalam niya

"ok, bilisan mo lang ah" sabi ko sa kanya

"opo mabilis lang ako, I love you" malambing niyang sagot at hinalikan ako sa labi ng mabilis

"I love you too" nakangiti kong sagot. Hinalikan niya ako ulti at saka siya umalis para kausapin sina daddy

I really love that man. Sa kanya ko naranasan ang pagmamahal na kahit kailan hindi ko pa naranasan. Sa kanya ko lang naramdaman na ligtas ako bukod sa pamilya ko. Now we are officially in a relationship masasabi ko talagang akin siya

SOMEONE POV
"ahhhhh" sigaw ko na umalingawngaw sa apat na sulok ng opisina ko saka pinagsisira ang mga gamit na nandito

"papatayin kita Maverick lahat nalang inagaw mo sakin ako yung nauna kadapat sakin ang lahat ng meron ka pero ng dahil sayo walang napunta sakin" sigaw ko at pinagbabato lahat ng mahawakan ko

Pinagkait nila sakin ang magkaroon ng pamilya. Alam kong si Maverick ang dahilan kung bakit hindi ako tanggap ng tatay ko at dahil sa kanila kung bakit namatay ang nanay ko

"akala ko masisisra ko na kayo pag pinatay ko ang pinakamamahal nilang si Amber pero hindi pa pala" galit kong sambit

I killed Amber para mawalan sila ng konsentrasyon sa mga negosyo nila pero nagkamali ako dahil mula nong mamatay si Amber mas itinuon nila ang atensiyon nila sa negosyo para matanggap ang pagkawala ni Amber. Ilang beses ko na ring sinubukang pabagsakin si Maverick pero hindi ako nagtatagumpay but I will make sure this time magtatagumpay na ako

I get my phone on my pocket and dial the person na nagmamanman kay Maverick

"hello boss" sagot sa kabilang linya

"ano ng nangyayari diyan?" tanong ko. Kaya ako nagwawala dahil sinabi niya sakin kanina na sila na ni Maverick at ni Kia ang babaeng mahal ko

"nagkakasiyahan pa rin sila boss hanggang ngayon" sagot niya

"ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo siguraduhin mo lang na hindi ka nila mahahalata" utos ko sa kanya

"opo boss" sagot niya. Mabuti kong ganoon

"wag kang gagawa ng ikakapahamak ng babaeng mahal ko kundi ako papatay sayo" banta ko sa kanya

"makakaasa po kayo boss" sagot niya saka ko pinatay ang tawag

"magpakasaya ka muna sa ngayon Maverick dahil bilang nalang ang mga araw mo dito sa mundong to at pag nawala kana magiging masaya na kami ni Kia habang buhay" madiin kong sabi at tumawa ng malakas

Sulitin mo na ang mga araw na magkasama kayo ni Kia Maverick dahil kukunin ko siya sayo sa ano mang oras. Malapit na Maverick malapit na malapit na tayong magtuos at gagamitin ko si Kia laban sayo. Maghintay ka lang Maverick malapit ka ng mawala sa mundong to

"hahahahaha"

Lap Dance The BillionaireWhere stories live. Discover now