Chapter 24

546 3 0
                                    

ZARREN POV
Konting tiis nalang princess makukuha kana namin sa poder ni Knight sana lang talaga walang ginawa si Knight sa kapatid ko dahil ako mismo ang papatay sa kanya kong makita ko lang na may sugat ang kapatid ko at wala akong pakialam kahit na kaibigan pa siya ng kapatid ko dati

"ready na lahat ikaw nalang ang hinihintay namin" agaw pansin ni Maverick sakin

"lets go I don't want to waste a time" sagot ko at nagpatiunang maglakad. Naramdaman kong sumunod naman siya sakin palabas

"lets go" sabi ni Maverick pagkalabas namin ng mansiyon niya

Nagkanya-kanya naman ang lahat ng tauhan at mga ka alyado naming pulis sa mga van na gagamitin namin

Nagsipasukan naman kaming magkakaibigan sa isang van. Napagpasyahan naming sa iisang van lang kami sasakay na magkaibigan para sama sama makikipag laban

"stick to the plan pero kung may mangyari sundin ang plan B" basag ni Maverick sa katahimikan

Nandito kami sa loob ng van patungong rest house ni Knight. Hindi ko maiwasang kabahan para sa kapatid ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko o kung susunod pa ba ako sa plano pag nakita ko kung anong hitsura ni Kia

"wag kayong gagawa ng wala sa plano lalo na kayo Zarren, Maverick" paalala ni Zues

"hindi ko alam kung magagawa ko ba yan Zues lalo na kung ang kapatid ko ang pinag-uusapan" sagot ko. Hindi ko maipapangako ang bagay na yan

"kahit na Zarren kung gusto niyong mailigtas si Kia dapat aumunod kayo sa sarili niyong mga plano" angal ni Ivan

"tama sila Zarren dapat tayong sumunod sa plano at alam niyo na ang gagawin" sang-ayon ni Maverick

Tumahimik nalang ako dahil kahit na ano pang sabihin nila alam nilang hindi ako susunod sa plano sa oras na may ginawa si Knight kay Kia

Pagdating namin sa rest house nagsipwesto na kami sa mga area na napagplanuhan namin

"nandito na ako sa backyard Maverick at may sampung bantay dito" sabi ni Ivan mula sa earpiece namin

"good wait for my signal" sagot naman ni Maverick

"nandito na ako sa kaliwang sida at kagaya kay Ivan may sampong tao din dito" sabi naman ni Darren

"nandito na rin ako sa kanan sampong tao din ang nandito" sabi ko naman. Mukhang tigsasampong tao ang nakabantay sa bawat sulik ng rest house

"nandito na ako sa harapan Zues nakahanda naba ang sniper?" tanong ni Maverick

"nakahanda na kami dito at maraming mga tauhan si Knight sa loob ng rest house" sagot ni Zues

"Ivan ang mga bomba?" tanong ni Maverick kay Ivan

"naikabit na rin sa bawat sulok ng bahay" sagor ni Ivan

"Zarren ikaw ng bahala kay Kia at ako na ang bahala kay Knight" sabi ni Maverick

"copy that" sagot ko naman. Magtatapos na rin ang kasamaan mo dito Knight pati kapatid ko dinamay mo pa talaga, humanda ka talaga sakin pag nagtagpo ang landas natin siaiguraduhin kong mawawala kana sa mundong ito

KIA LUELLA POV
"kumain kana Kia please" pakiusap ni Jack sakin

Kasalukuyan niya akong pinapakiusapan para kumain sahil mula nong dinala niya ako dito hindi pa ako kumakain kahit na kumakalam ang sikmura ko hindi pa rin ako nagpatinag

"sige na naman kumain ka naman kahit konti tignan mo nga yang sarili mo? Sobrang payat mo na" sabi niya sakin

"kung may dapat sisihin sa kalagayan ko ngayon ikaw yun kung hindi mo lang ako kinidnap at dinala dito hindi to mangyayari" sumbat ko sa kanya

Lap Dance The BillionaireWhere stories live. Discover now