CLAIRE POV
Ang bilis ng panahon parang kailan lang pareho pa kaming single magkaibigan pero ngayon may mga boylet na sila. Si Kia at Maverick mag-aapat na buwan na. Si Alexa at Zues naman nasa honeymoon. Si Darren nanliligaw kay Clarisa habang ako ito napag-iwanan"anong iniisip mo?" tanong ni Kia
"iniisip ko lang kung kailan ako magkakajowa napag-iwanan niyo na kase ako" sagot ko. Nandito ako ngayon sa bahay niya wala kasi akong magawa eh
"mapag-iiwanan ka talaga dahil pangit ka" singit ni Ivan
"tumahimik ka nga hindi ikaw ang kausap ko" mataray kong saway sa kanya. Kung alam ko lang talaga na nandito ang tukmol na to hindi na sana ako tumuloy
"may bibig ako para makapag-salita" sarcastic niyang sagot
"oo may bibig ka nga pero pag hindi ikaw ang kausap manahimik ka" sagot ko. Nakakabwesit talaga ang tukmol nato palaging sinisira ang araw ko
"hoy hindi tukmol ang pangalan ko pangit" angal niya ulit
"wag mo nga akong idamay sa pagiging pangit mo" angal ko. Tawagin ba akong pangit eh sa ganda kong to?
"pangit ka naman talaga at isa pa hindi ako pangit at patunay non ang mga babaeng humahabol sakin" sagot niya
"excuse me hinahabol ka lang naman nila dahil kauri mo sila pareho kasi kayong mga pangit" sagot ko at tinaasan siya ng kilay. Ang hangin ng tukmol nato
"alam niyo bagay kayong dalawa" singit ni Kia habang nakangiti ng mapang-asar
"hindi ko siya type no" sabay naming sagot. Nagkatinginan naman kami ng masama dahil don
"ginagaya mo ba ako?"
"ikaw kaya ang gumagaya sakin"
Sabay naming sabi at saka tumingin sa isat-isa ng masama at sabay na nag iwasan ng tingin"may chemistry kayong dalawa" singit ulit ni Kia
"tumahimik ka na nga lang Kia" inis kong sabi sa kanya. Isa pato pag nandito ako palagi niya akong inaasar kay Ivan
"anong pwede nating gawin?" tanong ko. Nagpunta nga ako dito dahil boring sa amin pero boring din pala dito
"ewan ko nabuburyo na nga ako dito eh" sagot ni Kia
"magpagulong-gulong ka tapos tumalon talon para hindi kana mabored" singit ni Ivan
"nang-aasar ka ba?" mataray kong tanong. Piste talagang Ivan nato
"oo?" patanong niyang sagot at saka ako nginitian ng mapang-asar
"bwesit ka talaga ang sarap mong tirisin ng buhay" sagot ko. Kaasar
"maiwan ko na muna kayo may kukunin lang ako" singit ni Kia at saka kami iniwan
"hoy pangit umalis kana kaya?" pagbasag ni Ivan sa katahimikan
"bat di ikaw ang umalis? Tutal ikaw naman ang naka-isip non" sagot ko at tinaasan siya ng kilat at saka nagcross arm
"nagsuggest nga ako para hindi ko makita yang pagmumukha mo" sagot niya
"kung ayaw mo akong makita edi umalis kana" asar kong sagot. Namumuro na talaga ang isang to
"ikaw ang umalis" sagot niya
"ikaw dapat" sagot ko
"ikaw hindi ako"
"ikaw dapat no""nagtatalo na naman kayong dalawa. Kahit isang araw lang wag muna kayong magtalo ang sakit niyo sa ulo" singit ni Kia at umupo sa upuan niya kanina
"yan kasi ang nagsimula" sagot ko at tinuro si Ivan
"anong ako ikaw kaya" angal naman ni Ivan
"sino kayang sumingit no na hindi naman siya ang kausap?" mataray kong tanong

YOU ARE READING
Lap Dance The Billionaire
RomantizmR-18| Mature Content Inside| Not suited for readers below 18| Read at your own expense| COMPLETED © All Rights Reserved