IVAN POV
Sa unang pagkakataon hindi ko inasar si Claire at sa unang pagkakataon binigyan niya ako ng matamis na mgit na kahit kailan hindi niya ginawa dahil sa pang-aasar ko sa kanya"Claire gaano na kayo katagal na magkaibigan nina Kia?" tanong ko sa kanya
"matagal-tagal na rin, nong una namin siyang makilala second year high school kami noon" sagot niya. Ganoon na pala katagal
"pano kayo nagkakilala?" tanong ko ulit. curious lang talaga ako kung pano sila nagkakilala
"ahm nakilala namin siya nong tinulungan namin siya. We saw her with Jack that time. Nong una akala namin magjowa sila pero nong makita namin siyang umiiyak habang hinahalik-halikan ni Jack saka namin siya tinulungan" paliwanag niya
Kaya pala takot si Kia na mapalapit kay Knight dahil pala may nangyari sa kanila sa past
"inireport namin sa dean ang nangyari kaya nagpasya silang paalisin si Jack sa school para maiwasang mangyari ulit ang ginawa niya" dagdag pa niya
"kaya pala ganoon nalang ang takot ni Kia kau Knight" sagot ko at tumango tango
"kahit sino naman matatakot talaga pag sakanila nangyari yun" sagot ni Claire. Tama siya kahit sini ganoon talaga ang mangyayari
"pero sa nakikita ko hindi naman galit si Kia kay Knight ang nakikita ko lang ay takot" sabi ko. Yun ang nakikita ko sa mga mata ni Kia. Hindi ko makita ang galit kundi puro takot lamg
"ganoon talaga si Kia kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ng isang tao sa kanya hindi niya magawang magalit dito" sagot niya. Napakabuti talagang tao ni Kia at ramdam ko yun
"yun ang nagustuhan ni Maverick sa kanya bukod sa maganda sa panlabas maganda din sa panloob" sabi ko
"eh ikaw nagkagusto ka rin ba kay Kia?" tanong niya
"oo hindi naman kasi mahirap gustuhin si Kia pero noon yun ngayon hindi na" sagot ko. Totoo naman kasi, nagkagusto din ako kay Kia pero mas nanaig ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan
"weh? Totoo ba?" hindi naniniwalang tanong niya
"oo nga dati yun" sagot ko. Mahirap naman talaga akong paniwalaan dahil hindi naman kasi nila makikita kong totoo ba o hindi
" oo na naniniwala na ako" sagot niya at hindi na nagsalita ulit
Maganda naman si Claire actually gusto ko siya pero alam ko namang hindi niya ako gusto kaya palagi ko na lang siyang inaasar
Sana masabi ko na sa kanya na gusto ko siya at sana may gusto din siya sakin
ALEXA POV
Nandito ako ngayon sa terrace ng bahay namin ni Zues nagmumuni-muni. Iniisip ko kasi kung kailan magigising si Kia, naaawa ako sa kanya ang dmai na niyang pinagdaanan sa kamay ni Jack"hey babe what are you doing here? Gabi na ah" rinig kong tanong ni Zues. Umikot ako para makaharap si Zues
"dito na muna ako magpapahangin lang" sagot ko. Lumapit naman siya sa pwesto ko at ska huminto sa harap ko
"alam kong nag-aalala ka kay Kia pero babe isipin mo naman ang kalusugan niyo ng baby natin" sagot niya. Yes I'm pregnant. Nalaman namin kanina don sa hospital
Pagkalabas kasi namin sa kwarto ni Kia bigla nalang daw akong nagcolapse at ang sabi ng doctor 2 weeks pregnant na ako
"ok lang naman kami ni baby love kaya wala kang dapat na ipag-alala" sagot ko saka siya ninakawan ng halik
"kahit na gabi na kaya baka malamigan pa kayo" sagot niya. Ang sweet talaga ng husband ko
"ikaw talaga pumasok na nga lang tayo para hindi kana mag-alala" sagot ko at hinatak siya papasok ng bahay
"may gusto ka bang kainin?" tanong niya habang naglalakad kami patungong kwato namin
"gusto ko ng hilaw na mangga tapos yung sawsawan naman ay tuyo na may ketchup" nagniningning kong sagot
"haha ok ihahatid na muna kita sa kwarto natin tapos kukuha ako ng mangga na may sawsawan na tuyo na may ketchup" iiling iling niyang sagot
Pagkarating namin sa tapat ng kwarto namin binuksan niya ang pintuan at saka ako pinapasok pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto
Habang wala pa si Zues naisipan kong maglinis ng katawan kaya hinubad ko lahat ng saplot ko bago ako pumasok sa banyo
Pagkapasok ko sa banyo tumingin ako sa may salamin at tinitigan ng maigi ang hindi ko pa kalakihang tiyan
Hinaplos haplos ko ang tiyang ko ng marahan at saka mahinang kinakausap
"baby wag mong pahihirapan si mommy huh? Mahal na mahal ka namin ng daddy mo" kausap ko sa tiyan ko
Nagtagal din ng ilang minuto ang pagkausap ko sa tiyan ko bago ako nagbabad sa bath tub
"babe where are you?" rinig kong tanong ni Zues mula sa labas ng banyo
"nandito ako sa banyo babe" sagot ko habang nakababad pa rin
Narinig ko ang pagbukas ng pinto saka iniluwa non si Zues
"nasa labas na ang mangga mo hihintayin na lang kita sa labas babe ihahanda ko na rin ang susuotin mo" sagot niya
"yes babe lalabas na rin ako maya maya" sagot ko. Lumabas na si Zues sa banyo. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ako nagpasyang lumabas
DARREN POV
"son where have you been? Ilang araw kang hindi umuwi" bungad ni mom sa akin pagkapasok ko sa bahayInihatid ko muna si Clarisa sa kanila bago ako umuwi. Ayaw ko nga sanang iwan pero tumawag si manang alalang alala na daw si mommy sakin
"mom nandon ako kina Maverick tinulungan namin siyang iligtas ang kapatid ni Zarren na boyfriend ni Maverick" sagot ko at saka yumakap kay mommy ng ilang minuto
"sana man lang nag text ka sakin sobra akong nag-alala sayo" sagot ni mommy
Inakbayan ko si mommy saka kami naglakad papunta sa sala at inalalayan ko siyang umupo bago ako naupo sa tabi niya
"sorry mom hindi ko na uulitin" sagot ko at yumakap ulit
"buti naman nakauwi kana ilang araw ding balisa yang mommy mo kakaalala sayo" rinig kong sabi ni dad mula sa likuran
"sorry dad busy lang talaga kaya hindi na ako nakatawag sa inyo" sagot ko habang nakaharap kay daddy
Umupo si dad sa katapat namin saka nagsalita ulit
"kumusta na pala kayo ni Clarisa? Clarisa right?" taning ni dad
"ok naman dad sa ngayon kay Kia nakatuon ang atensiyon naming lahat" sagot ko. Alam nina dad ang tungkol smain ni Clarisa at hindi naman sila tutol don
"diba kaibigan ni Clarisa si Kia? Ano bang nangyari?" tanong ni mom
"opo kaibigan po siya ni Clarisa at sa ngayon nasa hospital si Kia hindi pa namin alam kung kailan siya magigising" sagot ko
"bakit naman?" tanong ni mommy. Bukas susunduin ko si Clarisa sa kanila para sabay kaming bumisita kay Kia
"nabaril kasi Kia mom ang sabi ng doctor ligtas na naman siya pero hindi pa namin alam kung kailan siya magigising" paliwanag ko
"I'm sure sobrang nag-aalala na ang mga magulang ni Kia lalo na si Maverick" sabi ni dad
"yes dad ang alam ko pabalik na sila ng pilipinas at si Maverick naman nakabantay lang kay Kia" sagot ko. Mula nong malipat si Kia sa roon 203 hindi na ito umalis sa tabi ni Kia
"tiwala lang magigising din si Kia soon" sabi ni mom. Tama si mommy magigising di si Kia soon
YOU ARE READING
Lap Dance The Billionaire
RomanceR-18| Mature Content Inside| Not suited for readers below 18| Read at your own expense| COMPLETED © All Rights Reserved