Chapter 23

571 2 0
                                    

KIA LUELLA POV
Tatlong araw na akong nandito at loob ng mga araw na yun puro iyak lang ang ginawa ko. Palagi ko ring naaalala ang ginawa ni Jack sakin dati siguro dala na ng takot kaya palagi kung naaalala ang nakaraan

FLASKBACK
"Kia may sasabihin ako" sabi ni Jack habang nakaupo kami sa damuhan dito sa garden

"ano naman yun?" tanong ko din nang may pagtataka sa mukha ko. Ano kayang sasabihin niya? Sobra kasing seryoso ng boses niya

"gusto kita" walang paligoy-ligoy niyang sagot na ikinangiti ko

"gusto din naman kita" sagot ko at ngumiti. Gusto ko siya bilang kapatid sobra kasi siyang  maalaga sakin pag magkasama kami

"talaga gusto mo rin ako?" masaya niyang tanong

"oo gusto kita bilang kapatid. Mula nong makilala kita pakiramdam ko nagkaroon ako ng ikalawang kapatid. Para ka kasing si kuya, sobrang maalaga at sobrang protective" masaya ko ding paliwanag pero pansin ko nawala ang saya sa mukha niya at napalitan ng lungkot

"bakit ka malungkot? Kanina ang saya mo naman" nagtataka kong tanong sa kanya. Ano bang nasabi kong mali at bigla nalang siyang nalungkot?

"ayaw kong maging kaibigan mo lang Kia" walang emosyon niyang turan

"huh? Bakit ayaw mo akong maging kaibigan? Akala ko magkaibigan na tayo?" naiiyak kong tanong. May nagawa ba akong mali kaya ayaw na niyang maging kaibigan ko?

"ayaw kong maging kaibigan mo gusto kong maging boyfriend mo" sagot niya

"hindi papayag si kuya na magkaroon ako ng boyfriend at isa pa bilang kaibigan lang ang nararamdaman ko sayo" honest kong sagot. Magagalit sakin si kuya sakin pag nagboyfriend ako

"wala akong pakialam sa kuya mo ang gusto ko ikaw" galit niyang sagot

"kung ikaw wala ako meron, kuya ko yun eh kaya susundin ko siya" inis kong tanong. Bakit  ba siya nagagalit? Totoo naman lahat ng sinabi ko

"ibig mong sabihin lalayuan mo ako pag sinabi ng kuya mo na layuan ako?" malungkot niyang tanong

"kung kinakailangan para hindi magalit si kuya sakin" sagot ko. Sana hindi umabot sa ganoon alam ko kasing ayaw ni kuya kay Jack pero wala naman siyang sinabi na layuan ko siya

"no hindi ako papayag na layuan mo ko" sigaw niya sakin na ikinagulat ko

"J-Jack" sambit ko sa pangalan niya. Ngayon niya lang ako nasigawan. Ngayon lang siya nagalit sakin

"no Kia hindi mo ako lalayuan at kung kailangan kitang daanin sa dahas gagawin ko makuha lang kita" sigaw niya at unti unting lumalapit sakin

"J-Jack anong g-ginagawa mo?" nauutal kong tanong habang umaatras pero hinigit niya ang kamay ko saka ako inihiga sa damuhan at dinaganan ako. He also pinned my both hands sa gilid ng ulo ko

"J-Jack ano ba umalis ka nga sa ibabaw ko" pagpupumiglas ko at sinusubukang kumawala pero mas malakas siya sakin. Kita sa mukha ko ang takot at alam kong nakikita niya ang takot na yun

"ganyan nga Kia matakot ka sakin dahil sa araw na ito sisiguradohin kong mapapasakin ka at walang kahit na sinong lalaki ang aangkin sayo kundi ako lang" madiin niyang sabi at saka sinimulang halikan ang leeg ko

"no Jack get off me please get off me" umiiyak kong pakiusap at patuloy sa pagpupumuglas pero hondi siya tumigil. Akmang hahalikan niya ako sa labi pero umiwas ako at ang ending sa pisnge ko siya nakahalik

"please pakawalan mo ko lumayo ka sakin please Jack" umiiyak ko pa ring pakiusap at patuloy pa rin sa pagpupumiglas. Hindi ko akalain na magagawa niya sakin to

Lap Dance The BillionaireWhere stories live. Discover now