Special Chapter 1

629 5 1
                                    

CLAIRE POV
Nandito ako ngayon sa kwarto nagmumuni-muni. Tumawag sakin kagabi si Ivan ang sabi niya magkita daw kami mamaya sa may tabing dagat kung saan siya nagconfess sa nararamdaman niya sakin hindi ko alam kong pupunta ba ako o hindi lalo pa at mula nong makita ko siya na may kasamang babae hindi pa kami ulit nagkakausap kahit nong kasal nila ni Kia hindi rin kami nagkausap

Sinabi niya mahal niya ako pero ewan ko kung maniniwala ba ako o hindi, hindi niyo rin naman ako masisisi dahil sa pagiging playboy niya pero ang sabi ni Darren mula nong makilala ako ni Ivan hindi na daw ito nakikipagflirt sa babae

May parte sakin na masaya dhil mahal ako ng taong mahal ko pero may part rin sakin na malungkot dahil ayaw kong umasa baka masaktan lnag ako sa huli pero handa naman akong bigyan siya ng pagkakataon na pumasok sa buhay ko yun ay kung handa rin siyang papasukin ako sa buhay niya

Tok tok tok

"pasok" sigaw ko mula sa loob habang nakahiga pa rin sa kama ko

Naramdaman ko na may pumasok sa kwarto ko at umupo sa gilid ng kama, sa amoy pa lang ng perfume alam kong si mommy iyon

"sabi ni manang ilang araw ka na daw hindi lumalabas sa bahay mind telling me kung anong problema?" tanong ni mom kaya napabuntong hininga ako

"mom pag may nagsabi ba sayong mahal ka ng isang tao tapos makikita mo siyang may ibang kasamang babae maniniwala ka ba?" tanong ko kay mommy habang nakatingin sa bubong

"anak ang mga lalaki hindi sila basta bastang nagsasabi sa kanilang nararamdaman gaya ng daddy mo sabi niya sakin noon mahal niya ako pero palagi pa rin silang nagkikita ng ex niya kaya hindi ako agad naniwala na mahal niya ako saka lang ako naniwala nong pinatunayan niyang ako ang mahal niya at hindi ang ex niya kaya kung sino man ang babaeng nakita mong kasama ng taong yun hintayin mo ang paliwanag niya" sagot ni mommy. Bumuntong hininga ulit ako at saka umupo sa kama

"matagal ko ng hinihintay na magpaliwanag siya mom pero hindi niya ginawa at kagabi sabi niya magkita daw kami mamaya hindi ko alam mom kung pupunta ba ako o hindi" sabi ko kay mom

"anak bat di ka pumunta? Malay mo may importante siyang sasabihin" sbai ni mom. Yun din ang iniisip ko pero natatakot ako na baka umasa lang ako sa wala

"natatakot ako mom baka masaktan lang ako" sagot ko. Natatakot ako na sabihin ni Ivan na ang babaeng kasama niya ay ang babaeng mahal niya

"normal lang na masaktan anak ganyan talaga pag nagmahal ka at diyan mo rin matututunan kung pano maging matatag at maging handa s amga posibleng mangyari" sagot ni mom "oh siya maiwan na muna kita para makapag-isip kang mabuti pero ito lang ang sasabihin ko anak kung mahal mo puntahan mo baka pag hindi ka pumunta mawala na siya ng tuluyan sayo" dagdag pa niya at saka lumabas sa kwarto ko, naiwan naman akong puno ng pag-aalinlangan ang isip

Napabuntong hininga ulit ako at saka ko ibinagsak ang katawan sa kama ko

Dapat ko bang sundin ang puso ko? Dapat ko bang paniwalaang mahal niya ako? Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? At dapat ko ba siyang bigyan ng pagkakataon?

IVAN POV
"bat di ka mapakali?" tanong ni Darren. Nandito ako ngayon sa bahay niya gusto ko lang ng makakausap

"sa tingin mo ba pupunta si Claire?" tanong ko sa kanya. Naikwento ko kasi sa kanya ang lahat at ngayon nga hindi ako mapakali baka kasi hindi siya pumunta

"pupunta siya at kung hindi naman ikaw ang pumunta sa kanila" sagot niya

"pano kung ipagtabuyan niya ako?" tanong ko ulit sa kanya. Natatakot akong ipagtabuyan niya, natatakot akong ma reject

"alam mo Ivan wag kang mag-isip ng mga negatibo at isa pa kasalanan mo rin naman if you just explain to her hindi kayo hahantong sa ganito" sagot niya. Alam ko naman yun eh

Lap Dance The BillionaireWhere stories live. Discover now