MAVERICK POV
Ang sama niya paano niya nagawa sa kapatid niya yun? Ang baboy niya papatayin ko siya. Buhay ang kinuha niya kaya buhay din ang kukunin ko"hindi lang yun ang ginawa ko Maverick madami pa" tatawa tawa niyang sabi
"anong ibig mong sabihin?" tanong ko na puno ng pagtataka. Ibig sabihin marami pa siyang ginawa bukod sa pagpatay niya sa kapatid ko?
"naalala mo yung DNA test? Hindi yun totoo alam mo kung ano dapat ang resulta? Dapat negative yun pero ang nasa DNA positive" sabi niya
Ang ibig sabihin hindi kami magkapatid? Pero paano nangyari yun?
"tama ang nasa isip mo Maverick ako ang may pakana noon" dagdag niya
Tama lang pala ang ginawa ni dad na hindi siya tanggapin. Muntik pang mahiwalay sina dad and mon dahil sa pag-aakalang may kabit si Daddy at inilihim lang ni dad ang tungkol don
"anak ako ng kakambal ng daddy mo" sabi pa niya. Anak siya ni Uncle? Pero wala namang asawa si Uncle
"hindi ako naniniwala sayo walang anak si Uncle" giit ko. Hindi siya anak ni Uncle ni wala ngang naikwento si Uncle na may anak siya
"yun ang pagkakaalam niyo dahil hindi niya naman ako ipinakilalang anak sa buong angkan" sagot niya
"kung anak ka ni Uncle dapat nagpakilala ka hindi ka dapat nagpanggap at pikein ang resulta ng DNA" sagot ko
"yun na nga eh hindi ako tanggap ng tatay ko dahil anak niya ako sa isang pokpok" sigaw niya sakin "ni wala nga yung ibang bukang bibig kundi ikaw puro nalang ikaw. Ano bang meron sayo at gusto ka ng lahat?" sumbat niya sakin
"nilalamon ka lang ng inggit mo Knight bat di ka nalang makuntento sa anong meron ka ngayon?" tanong ko sa kanya
Sa sitwasyon niya mas nanaig ang inggit sa kanya. Hindi naman namin alam na may anak pala si Uncle edi sana may nagawa man lang kami para makabawi sa kanya
"makontento? Ikaw nga hindi kontento sa anong meron ka mayaman ka na pero tinanggap mo parin ang lahat ng negosyo at properties niya" sumbat niya
"alangan namang hayaan ko lang ang naiwan ni uncle at kung alam ko lang na may anak siya hindi ko na sana tinanggap lahat ng yun" sagot ko
Tinanggap ko ang lahat ng pag-aari ni Uncle dahil pinaghirapan niya yun. Dugo at pawis ang inilaan niya para sa lahat ng yun kaya hindi kakayanin ng konsensiya ko kung mawala nalang ng ganoon ang pinaghirapan ni Uncle
"ang sabihin mo gusto mo talagang mapunta sayo lahat pati si Kia kinuha mo sakin, inagaw mo siya sakin" sigaw niya at umiling iling
"hindi yan totoo, hindi ko inagaw si Kia sayo, magkaibigan lang kayo at alam mo yan" sigaw ko sa kanya
Wala akong inagaw sa kanya ni kahit ano sadyang makitid lang talaga ang utak niya kaya lahat nalang para sa kanya inagaw ko kahit hindi naman
"kung hindi ka sana dymating matututunan din sana akong mahalin ni Kia" sagot niya
"Jack si Maverick ang mahal ko, oo mahal kita pero hanggang kaibigan at kapatid lang" umiiyak na singit ni Kia
"hindi Kia alam kong mahal mo ako pero dahil kay Maverick nawala ang pagmamahal na yun" iiling iling niyang sagot
"mali ka Jack, alam mong noon pa man bilang kaibigan at kapatid lang ang nararamdaman ko sayo pero hindi mo kayang tanggapin" sagot ni Kia "please Jack tama na please" pakiusap niya
"no hindi ako titigil hanggat buhay pa ang Maverick na yan kaya magpaalam ka na dahil dito na magtatapos ang buhay niya" sagot niya at bumaling sakin sabay putok ng baril
YOU ARE READING
Lap Dance The Billionaire
RomansaR-18| Mature Content Inside| Not suited for readers below 18| Read at your own expense| COMPLETED © All Rights Reserved