Chapter 31

523 4 0
                                    

KIA LUELLA POV
"mabuti naman at gising kana Kia alam mo bang hindi umaalis si Maverick sa tabi mo? Hindi na nga yan pumapasok sa trabaho eh" mahabang litanya ni Claire

Pagkagising ko kanina nabungaran ko silang lahat na nakabantay sakin. Ang sabi ni Clarisa tinawagan daw sila ni Maverick at sinabing gising na ako kaya nagmadali daw silang pumunta rito pero nadatnan daw nila akong tulog

Napatingin ako kay Maverick dahil sa sinabi nila. Talaga? Binantayan niya talaga ako hanggang sa magising ako?

"don't look at me like that love, gusto ko kasing ako ang una mong makita pagkagising mo" sabi niya

"yun oh hulog na hulog na talaga sayo Kia baka pag iniwan mo yan mabaliw yan kakahanap sayo" pang-aasar ni Ivan. Na miss ko ang kakulitan ng isang to pero pamsin ko hindi na sila nagbababgayan ni Claire. May nangyari ba sa dalawang to habang tulog ako?

"shut up you moron" pagpapatahimik ni Maverick sa kanya habang nakatingin ng matalim sa kanya

"chill bud masyado kang hot pero mas hot ako sayo hahaha" tatawa tawa niyang sagot. Napailing nalamg ako sa kakulitan niya

"teka asan pala si kuya? Sina mommy? Bat wala sila? Ayaw ba nila akong makita?" tanong ko. Kanina ko pa kasi hinihintay ang pagdating nila pero hanggang ngayon wala pa rin sila

"si Zarren pupunta daw siya dito mamaya kasama ang fiance niya pagkatapos ng mga meetings niya saka araw araw namang dumadalaw ang kuya mo dito at sina tita naman hindi nakauwi dahil may biglaang nangyari pero pagnaayos na daw nila ang problema uuwi agad sila" paliwanag ni Maverick. Alam ba nilang nandito ako?

"alam ni tita ang nangyari sayo besh kaya nga nagmamadali silang umuwi pero hindi natuloy dahil gaya ng sinabi ni Maverick may biglaang nangyari" dagdag ni Alexa. Pansin ko kay Alexa para siyang tumataba tapos parang lumaki ang tiyan niya, di kaya buntis siya?

"I understand" sagot ko at ngumiti. Kilala ko sina mom pag nasa ganito akong kalagayan hindi sila mawawala except kung may nangyari

"maiba nga tayo buntis ka ba Alexa?" pag-iiba ko sa usapan. Iba kasi ang aura niya eh hindi ko lamg mawari

"pano mo naman nasabing buntis si Alexa?" tanong ni Clarisa

"tumataba kasi siya tapos parang lumalaki ang tiyan niya kaya naisip ko baka buntis siya" paliwanag ko. Nakita kong ngumiti si Alexa ng matamis. Ibig bang sabihin ng ngiting yan na tama ako?

"yes I'm pregnant, two weeks na" sagot niya at bahagyang hinaplos ang tiyan niya

"OMG magiging ninang na tayo besh san babae para may papagandahin na ako" excited na sabi ni Claire. Sa amin kasing magkakaibigan siya ang mahilig na magpaganda, actually silang tatlo except me pero si Claire talaga ang madalas

"sana lalaki para may tuturuan ako kung pano magpa-ibig ng babae" sabi naman ni Ivan

"tumigil kayong dalawa, bagay na bagay nga kayong dalawa" singit ni Darren

"ano ba kayo kahit ano pang gender ng baby namin tanggap namin" sagot ni Alexa

Naramdaman kong kinalabit ako ni Maverick na kanina pa tahimik kaya nabaling ang atensiyon ko sa kanya

"gusto mo na bang magkababy?" tanong niya na ikinagulat ko

"huh?" wala sa sariling natanong ko. Baby? As in bata? Gusto ko na ba?

"ang sabi ko gusto mo na bang magkababy? You know love I will be the happiest person alive pag nangyari yun" sagot niya na ikinangiti ko

"love gusto ko munang makasal bago magkababy" sagot ko. Yun kasi ang itinuro ni mom sakin. Hanggat hindi pa ako kasal bawal muna ang bata

Lap Dance The BillionaireWhere stories live. Discover now