Chapter 29

503 2 0
                                    

CLARISA POV
Nakakapagod ang araw nato. Ang daming nangyari. Para atang ayaw pumasok sa utak ko ang mga nangyayari ngayon. Para akong nasa isang panaginip, masamang panaginip

Napabuntong hininga na lang ako at bumalik sa trabaho. Nandito ako sa opisina ko ngayon nagtatrabaho, mamaya pa kasing 10am ako susunduin ni Darren

Tok tok tok

"come in" sabi ko at itinigil ang aking ginagawa

"ma'am nandito po ang mommy niyo" sabi ng secretary ko pagkapasok niya

"papasokin mo at dalhan mo na rin kami ng maiinom" sagot ko

Abo naman kayang ginagawa ni mommy dito? Akala ko ba dadalawin niya si Kia ngayon?

"my dear" bungad ni mom pagkapasok niya sa opisina ko at umupo sa kaharap kong upuan

"bat kayo naparito mom?" tanong ko

"ayaw mo ba ako dito dear? Aalis na lang ako" pagdadrama ni mom pero nakaupo pa rin. Kahit kailan talaga si mommy ang drama niya

"hindi naman sa ganon mom I was just curious, I thought you will visit Kia in the hospital" sagot ko. Baka gusto niyang sumabay sakin?

"oh dear, galing na ako sa hospital pero sandali lang ako dahil gusto kitang makita" sagot ni mommy. Ah ok

"mom nasa iisang bahay lang naman tayo nakatira ar araw araw naman tayong nagkikita so bakit mo naman ako gustong makita?" Tanong ko. Palagi naman kasi kaming nagkikita sa bahay eh

"I just want to know if you are ok, alam ko kung anong pinagdadaanan mo ngayon" sagot ni mom. Mom really knows everything kahit hindi ko na sabihin

"ok lang ako mom nandiyan naman kayo para palakasin ang loob ko lalo na si Darren" sagot ko

"speaking of Darren, kailan mo siya sasagutin?" tanong ni mom. Nong magsimula kasi akong ligawan ni Darren si mommy ang una kong sinabihan

"sasagutin ko na sana siya bukas mom pero dahil sa nangyari hihintayin ko na lang munang maging ok ang lahat" sagot ko. Matagal ko ng napag-isipan kong kailan ko sasagutin si Darren pero yun nga lang dahil sa nangyari mas gusto kong maging maayos muna ang lahat para masaksihan ng lahat ang espesyal na araw namin

"kung yan ang desisyon mo, alam ko namang makapaghihintay si Darren sayo" sagot ni mommy

"yae mom alam kong kahit gaano pa katagal kaya niya akong hintayin" sagot ko habang nakangiti

Sinabihan ko siya dati na baka umasa lang siya sa wala pero ang sabi niya hihintayin niya daw ang araw na mahalin ko siya at ang araw na sasagutin ko siya kaya malaki ang tiwala ko kay Darren dahil simula ng manligaw siya sakin hanggang ngayon wala akong nakitang pagbabago ganon pa rin siya sobrang sweet at maalaga siya sakin kaya naisip kong deserve niyang matanggap ang oo ko

MAVERICK POV
Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin nagigising si Kia. Hindi na nga ako pumapasok sa trabaho para bantayan ang paggising niya pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising

"bud" tawag ni Zarren na kakapasok lang. Humarap ako sa gawi niya para makaharap siya

"hindi ka ba papasok sa trabaho? Ilang araw ka na ring hindi pumapasok" tanong niya

"hindi na muna gusto ko kasi pag nagising si Kia ako una niyang makita" sagot ko. Bukod sa ilang araw na akong hindi pumapasok, ilang araw na rin akong hindi umuuwi sa bahay. Ginawa ko ng bahay ang hospital, nagpapadala na lang ako ng pagkain at damit dito

"bud hindi matutuwa si Kia sa ginagawa mo" sagot niya. Alam ko naman yun pero ayaw ko siyang iwan o umalis man lang sa tabi niya

"alam ko bud pero maiintindihan niya naman ako" sagot ko. Alam kong naririnig kami ni Kia ,ang sabi kasi ng doctor kahit hindi pa daw gumigising ang pasyente naririnig niya naman daw kami

Lap Dance The BillionaireWhere stories live. Discover now