Special Chapter 3

435 5 0
                                    

ZUES POV
Pagkalabas ko ng kwarto napabuntong hininga na lang ako. Ilang araw na akong walang pahinga dahil kapanganakan na ni Alexa ngayong buwan at ano mang oras manganganak na siya kaya tudo bantay ako sa kanya

Habang tulog pa si Alexa maglilinis muna ako ng bahay namin hindi kasi kami kumuha ng katulong at napag-usapan na namin ang tungkol don saka na lang kami kukuha kapag nanganak na siya

"Zues" rinig kong sigaw ni Alexa galing sa kwarto namin dali dali naman akong umakyat papunta sa kwarto at iniwan ang ginagawa ko

Nanlaki ang mata ko pagkapasok ng makita kong may dugong dumadaloy sa binti ni Alexa at sandali pa akong natulala

"Zues ano ba wag ka ngang basta tumayo lang diyan" bulyaw ni Alexa habang namimilipit sa sakit kaya dali dali akong pumunta sa gawi niya at mabilis na binuhat para dalhin sa hospital, buti na lang talaga at naihanda ko na ang gamit niya sa kotse ko

"ang sakit na Zues" sabi niya habang buhat ko siya at nakahawak siya sa tiyan niya at hinahaplos haplos

"babe inhale exhale ok" malambing kong sabi sa kanya kahit na natataranta na ako

Pagkadating sa garahe dali dali kong ipinasok sa loob ng sasakyan si Alexa at saka mabilis akong umikot papunta sa driver seat at pagkapasok ko pinaharurot ko na agad papunta sa hospital

Pagdating namin sa hospital agad kaming inasikaso ng mga nurse at saka ipinasok si Alexa sa Emergency room

Paikot ikot lang ako dito sa labas ng ER hindi kasi ako pinayagang pumasok ng doctor sa loob kaya hinndi na lang ako nagpumilit

Naramdaman kong may tumatawag sa cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at sinagot ang tawag ng hindi tinitignan ang caller ID

"son where are you? Nandito kami ngayon sa bahay niyo pero wala kayo dito tapos nakabukas pa ang gate ng bahay niyo paano kung manakawan kayo ha?" tanong ni mom pagkasagot sa tawag

"mom nandito kami ngayon sa hospital manganganak na si Alexa at nasa loob na siya sa ER ngayon" sagot ko kay mom

"ano? Saang hospital ba iyan at pupuntahan namin kayo?" tanong ni mom at halatang natataranta

"nasa Thompson hospital kami ngayon mom" sagot ko. Tama kayo ng iniisip ang pamilya ni Maverick ang may ari ng hospital na ito

"papunta na kami" sagot bi mom at saka pinatay ang tawag at sakto namang kakalabas lang ng doctor kaya dali dali akong lumapit sa pwesto niya

"doc kumusta ang asawa ko?" nag-aalaka kong tanong

"ligtas na nailabas ng asawa mo ang baby boy niyo, nawalan rin ng malay ang asawa mo pagkalabas ng baby dahil sa pagod sa ngayon nililinisan na sila ng baby at mayamaya lang ililipat na sila sa room 205" sagot ng doctor kaya nakahinga ako ng maluwag

"salamat doc" pasasalamat ko nagpaalam naman siya na maiwan na muna ako

Hinintay kong ilipat si Alexa sa roon niya at ang baby naman namin ay nasa nursery room for some test at mamaya dadalhin nila ang baby namin sa room ni Alexa para na rin kunin ang pangalan ng baby namin

Masaya ako dahil ligtas silang pareho ng baby ko. Labis labis ang kaba na naramdaman ko habang nasa ER sila dahil may nabasa akong article na ang ibang nanganganak binabawian ng buhay dahil hindi nila kinaya kaya malaki ang pasasalamat ko dahil ligtas silang pareho

"thank you babe inilabas mo ng ligtas ang babg natin" bulong ko kay Alexa kahit hindi niya naman ako naririnig at saka siya hinalikan sa noo

ALEXA POV
"ang gwapo ng apo ko manang mana sakin"
"gwapo't maganda ang lahi natin honey kaya hindi na nakakapagtaka"
"panigurado pag laki nito habulin din ng mga babae gaya ng ama"
"gwapo ang anak ko mom dad kaya wag na kayong magtaka"

Lap Dance The BillionaireWhere stories live. Discover now