Chapter 14

808 7 0
                                    

KIA LUELLA POV
Hmmm. Dahan dahan kong idinilat ang mata ko saka papikit-pikit. Nang makaadjust na ang mata ko sa ilaw tumayo ako mula sa pagkakahiga at nag-unat-unat. Nakatulog pala sa sobrang pag-iisip

Tok tok tok rinig kong katok mula sa pintuan kasabay ang pagsasalita ni manang "iha gising ka na ba?"

"gising napo ako manang" sigaw ko mula sa loob "pasok po kayo bukas po yan" sigaw ko pa

I see manang enter my room na may dalang paper bag. Para sakin ba yan?

"ito pala iha pinabibigay ng mommy mo suotin mo daw ito mamayang gabi" sabi ni manang sabay abot ng paper bag sakin

"may okasyon ba manang?" takang tanong ko kay manang at tinanggap ang inabot na paper bag saka ito sinilip

"wala naman iha bat mo natanong?" sagot ni manang at tinanong ako pabalik

"wala lang po" sagot ko at inilapag sa kama ang paper bag

"nga pala bumaba kana nasa hapag kainan na sila ikaw nalang hinihintay" pag-iiba ni manang

"sige po manang mauna na po kayo sa baba susunod ako" sabi ko kay manang

"sige mauna na ako sa baba bilisan mo nalang" sabi ni manang

"sige po manang" sagot ko at naglakad na papunta sa banyo ko para maligo

Saan kaya kami pupunta? I think sa labas kami magdidiner mamaya

Habang naliligo ako hindi ko mapigilang malungkot sa isiping nagbago na nga si Jack, hindi na siya si Jack na itinuring kong nakakatandang kapatid. Naalala ko pa kung pano kami nagkakilala

FLASHBACK
Late na ako sana wala pang teacher sa classroom

"ouch" daing ko at napasalampak sa simento "ang sakit ng pwet ko"

"sorry miss hindi kita napansin nagmamadali kasi ako" sabi ng boses lalaki kaya napatingala ako sa kanya. Infairness ang gwapo niya

Nakita kong inilahad niya ang kamay niya sakin para tulungan ako kaya inabot ko naman ito

"pasensiya na talaga nagmamadali kasi ako" paumanhin niya ulit

"ok lang nagmamadali rin kasi ako" sabi ko sa kanya at pinagpagan ang uniform ko

"ako nga pala si Jack, Jack Knight" pagpapakilala niya

"Kia, Kia Luella Johnson pangalan ko" pagpapakilala ko rin at nakipag shake hands

"ahm pwede ba akong magtanong? Asan banda ang 2nd year high school building? Hindi ko kasi alam kung saan eh" tanong niya sakin

"transferee ka ba?" tanong ko sa kanya pabalik. Sasamahan ko nalang siya since 2nd year high school rin ako

"oo eh kanina pa nga ako naghahanap eh" sagot niya naman

"sabay ka nalang sakin 2nd year high school din kasi ako" sabi ko sa kanya "nga pala anong section mo?" tanong ko baka kasi magkasection kami

"section Star ako ikaw ba?" sagot niya at tinanong ako pabalik

"pareho pala tayo" masaya kong sabi pero nawala ang kasiyahan ko ng maalala kong late na pala kami "bilisan na natin late na tayo" sabi ko sa kanya at nagpatiunang naglakad

END OF FLASHBACK

Buti nalang talaga hindi ako pinagalitan ng teacher namin nong sinabi ko sa kanya na kasama ko ang transferee kaya malaki ang pasasalamat ko kay Jack dahil hindi ako napagalitan. Pero ngayon ibang-iba na siya. Akala ko kilalang kilala ko na siya pero hindi pa pala

Lap Dance The BillionaireWhere stories live. Discover now