KIA LUELLA POV
Nang magkaputukan sa labas nagtago ako dito sa ilalim ng kama. Alam kong sina kuya yun nandito sila para iligtas ako pero natatakot ako na baka mapahamak silaNakita kong pumasok si Jack dito kaya iniiwasan kong gumawa ng ingay para hindi niya ako makita buti nalang hindi niya sinilip ang ilalim ng kama baka nakita niya ako pagnagkataon
Ng makalabas siya sa kwarto saka lang ako lumabas sa punagtataguan ko. Dahan dahan akong naglakad papunta sa pintuan at nagpalinga linga para masiguradong walang tao para makalabas ako
Nang masigurong wala ng tao dali dali akong lumabas sa kwarto at hinanap ang daanan palabas
Bang
"ahhhh" sigaw ko at nagtago ng may nagpaputok sa gawi ko
Umiiyak nalang ako sa sobrang takot na nararamdaman ko ngayon
"lumabas ka na diyan miss hindi ka naman namin sasaktan ihahatid ka lang namin kay Boss Jack" rinig kong sabi ng bumaril sa gawi ko
Hindi ako sumagot at patuloy lang sa pag-iyak. Maya maya pa nakarinig ulit ako ng putok ng baril
Bang
"ahhhh kuya, Maverick" sigaw ko habang nakapikit. Alam kong sa pwesto ko yun ipinutok
"ahh bitawan mo ko" sigaw ko ng may humawak sakin at nagpumiglas
"shhh shhh its me princess don't be scared" rinig kong sabi ng pamilyar na boses. Iminulat ko ang mata ko para masigurong si kuya ang nagsalita
"kuya" sambit ko at yumakap sa kanya at saka umiiyak ng umiyak
"shhh I'm here hindi kita papabayaan" pag-aalo niya sakin at hinimas himas ang likod ko para pakalmahin
"huhuhu n-natatakot ako k-kuya huhuhu" umiiyak kong sabi
Kumalas siya sa pagkakayakap at saka hinawakan ang mukha ko at pinahid ang mga luha ko
"shhh wag kang matakot makakaalis tayo dito ng ligtas ok?" pag-aalo niya sakin na tinanguan ko lang at patuloy pa rin sa pag-iyak
Niyakap niya ako ulit at saka ako tinulungang makatayo at inakay paalis sa pinagtataguan namin
"ahhh" sigaw ko ulit ng may magpaputok na naman sa amin
Patuloy lang sa pakikipagbarilan si kuya habang akay akay ako. Nang makakita kami ng mapagtataguan huminto kami don at saka nagtago
"princess dito ka lang wag kang aalis dito ok? Babalikan kita dito" sabi ni kuya sakin habang nakahawak sa magkabilang balikat ko
"kuya wag mo kong iwan please natatakot ako" umiiyak kong pakiusap. Baka mapahamak pa si kuya mas mabuti ng magkasama kami
"makinig ka sakin princess kailangan mong manatili dito para sa kaligtasan mo kailangan ko silang tulungan naiintindihan mo ba ako?" paliwanag niya sakin
"huhuhu kuya" sambit ko na may pagpipigil sa boses ko
"wag kang mag-alala babalik ako" sagot niya at may baril na kinuha sa bewang niya at inilagay sa kamay ko "gamitin mo to kung kailangan" dagdag niya pero umiling lang ako at kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya
"ayoko kuya hindi ko kayang manakit lalo na ang pumatay" sagot ko at umiling iling. Hindi ko kayang gumamit ng baril hindi ko kaya
"kailangan mong gamitin to pag nasa alanganin please princess makinig ka sakin" pakiusap niya
Bang
"ahh" sigaw ko nang may magpaputok na naman
"sige na princess kailangan ko silang tulungan" sabi niya at inilagay ang baril sa kamay ko at nagmadaling umalis

YOU ARE READING
Lap Dance The Billionaire
RomanceR-18| Mature Content Inside| Not suited for readers below 18| Read at your own expense| COMPLETED © All Rights Reserved