Chapter 7

2.5K 50 1
                                    

Mika

Nakakainis lang siya. Kanina pa ako tawag ng tawag hindi naman niya sinasagot yung telepono niya. Nakakainis na ha!

"Aarrrrgghhh!!!" Sigaw ko. Gusto kong magwala, umiyak, itapon ang cellphone ko kasi walang kwenta na naman ito.

"Daks, ok ka lang?" Tanong sa akin ni Ara.

"Nakakainis lang kasi Kiefer eh. Kanina pa ako tawag ng tawag di naman sinasagot yung cellphone niya!"

"Sprak lang yan daks, hehe. O eto pagkain, diyan mo lunurin ang galit mo" sabi sa akin ni Ara at inabot sa akin ang isang supot ng candies.

"Salamat." Walang emosyon kong sabi kasi patuloy ko pa rin tinatawagan si Kiefer. Isang beses pa na hindi niya sinagot yung tawag ko eh bahala na siya sa buhay niya.

"Bwisit" hinagis ko sa kama ang cellphone ko at tsaka lumabas ng kwarto.

Padabog akong bumaba papuntang kusina at doon nag mukmok. Kumuha ako ng isang tasa at nilagyan ng milk powder at milo. Nakita ko naman na si Kiefer ang nasa milo sachet. Naknang. Biglang uminit ang ulo ko. Pati ba naman sa kusina pagmumukha niya ang nakikita ko!

"Yeye, pati ba naman yan pinag-iinitan mo?" Natatawang sabi ni Cienne.

"Manahimik ka Cienne" sabi ko lang kay Cienne at tinawanan lang ako.

"Sprak lang yan! Hahaha, di ka na nasanay diyan sa boyfriend mo. Palipasin mo muna. Maya't maya tatawag na yan at may dala ng pagkain sa labas ng dorm" sabi ni Cienne bago umalis.

"Ipakain niya sa aso. Bwisit talaga" bulong ko.

Hay buhay. Sprak nga talaga ako. Eh kasi naman first day ko tapos hindi niya sinasagot yung mga texts at tawag ko. Aba, gusto niya yata magka-world war three kami.

"Pangit pa niya dito. Yuck" tinititigan ko kasi ang harap ng milo sachet. Ano ba yan. "Ang itim-itim pa, eww" shocks, baliw na ko.

"Hoy Reyes mukha kang timang diyan kasi kinakausap mo yung plastic. Baliw ka na uy" sabi ni Kim sabay batok sa ulo ko. Napakamot tuloy ako.

"Kimmy dora naman eh! Tignan mo o pareho kayo ng kulay ni Ravena" sabi ko kay Kim at sumimangot naman siya.

"Yan eh. Diyan ka magaling sa pangbubully mo. Tse! Maka-alis na nga" sabi niya at umalis sa harapan ko.

"Joke lang Kimmy! Love you!" Natatawa kong sabi sa nakatalikod na Kim Fajardo.

"Tse! I don't love you! Diyan ka na lang sa plastic na may mukha ng syota mo!" Sigaw ni Kimmy. Lintiks na kimmy dora di na ako love.

Huhuhu, wala na talagang may nagmamahal sa akin. Mabuti pa si Milo nandito sa dorm eh yung tao na nasa milo wala. Naglaho sa bula, huhu.

Umakyat ako muli sa kwarto at muling sinubukan na tawagan si Kiefer.

Riiinngggg... Riinggg... Ringggg

Arrghhh, wala talaga eh! Nakakabanas na si Kiefer ha.

To: Milo

Grabe ah parang wala kang girlfriend. Sige diyan ka na lang kung ano man yang ginagawa mo.

Oo, Milo yung pinalit kong pangalan niya sa phone ko. Dati kasi 'Baby' yan eh. Kung anu-ano na yung pumapasok sa isip ko. Keso may babae siyang kasama or... Waaahhh, baliw na ako!

Sa sobrang inis ko napatweet na lang ako.

@mikareyess: If you only knew 😒

Pinalitan ko rin yung display picture ko sa viber. Naiinis na ako. Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Tinakpan ko nalang ng kumot ang sarili ko at umiyak.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon