Chapter 5

2.4K 49 2
                                    

Mika

Wala. Talo. Talo na naman kami. Alam mo yung feeling na ginawa mo ang lahat pero kulang pa rin.

Naiiyak na ko. Gusto ko sana pigilan ang mga luha ko na lumabas pero di talaga eh. Umiyak ako. Tumingin ako kay Ara at nakikita ko sa mukha niya na sobrang disappointed siya. Actually lahat kami disappointed. We could have done better.

Lumapit ako kay Coach Ramil at kita ko rin sa mukha niya dismayado din siya.

"Coach..." Panimula ko.

"Okay lang yan, Mika. Bawi tayo sa susunod. Nandun na tayo eh pero kinulang lang" sabi niya sa akin sabay tapik sa balikat ko.

Nakayuko lang ako habang palakad kami pabalik sa locker room. Tahamik ang lakat. Walang nagsalita, tanging katahimikan lang ang maririnig sa silid.

Napaupo ako sa sahig at tinakpan ang aking mukha ng aking kamay. Ang bigat-bigat sa kalooban.

"Girls, huwag na kayong umiyak. Alam ko naman na ginawa ninyo ang lahat. Maybe hindi pa ito para sa atin. Hindi pa naman tapos ang season eh, may finals pa" binasag ni Coach ang katahimikan ng lahat.

Inangat ko ang aking mukha at nikata ko na katabi niya si Ara at Ate Aby.

"Tandaan niyo lang na nandito ang La Salle community para suportahan kayo. Itatak niyo yan sa mga ulo ninyo. I believe na mababawi ninyo ang korona. Tibay lang ng loob ang kailangan" sabi ni Ate Aby.

"At tsaka sorry din guys kung nagkulang ako bilang team captian ninyo..." Sabi ni Ara na parang naiiyak na rin ngunit pinipigilan lang niya. "Pangako ko next time babawi na ako"

"Ara, huwag mong sabihin yan. Alam naman ng lahat na ginawa mo ang iyong makakaya, at proud kami sa iyo at inyong lahat." Sabi ni Coach.

Nagstay muna kami sa loob ng locker room for about forty-five minutes. Naligo at inayos ang aming mga gamit bago kami lumabas sa dug out. Paglabas namin nakita namin na may mga fans na naghihintay sa aming paglabas.

Lumapit kami sa kanila at nagpasalamat bago kami pumasok sa bus at nag dinner kasama ang buong team. Sa loob ng bus tumabi ako kay Ara at pansin ko pa rin ang lungkot sa kanyang mukha.

"Daks, okay lang yan bawi tayo sa finals" sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at tsaka ngumiti.

"Oo nga. Grabe, nandun na tayo eh kinulang lang" sabi niya.

Kinuha ko sa bag ang aking cellphone at kita ko na sabog na naman ang notifs ko. Binuksan ko ang twitter app at binasa ang mga tweets nila.

As usual may mga haters pa rin. Nakakainit dugo nila. Gusto ko na sanang patulan ngunit pinigilan ko lang ang sarili ko. Naalala ko yung sinabi ni Kief sa akin na huwag ako pumatol sa mga tao na makikitid ang utak at ang alam lang nila ay manglait ng iba.

Speaking of Kiefer, hindi siya nakapanood ng game kasi may tune up game sila sa Moro. Sa totoo lang medyo sumama ang loob ko kasi hindi siya makakanood.

From: 💙15

Babe, heard about the game 😞 It's ok, bawi kayo ha 🙏☺️ cheer up na. Love you, baby 😘😘😘

Ps: please, dont mind what other people are saying. Alam ko na chinek mo yung @s mo.

Hay, si Kiefer talaga. After ko binasa yung text niya ay kinuha ko ang earphones ko at tinawagan ko siya kaagad.

Riinggg riiiinggg

"Bae..."

"Hi baby, sorry I wasn't able to watch your game." Rinig ko sa boses niya ang lungkot.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon