Forever 3

3.9K 54 11
                                    

One dreadful day at KR Inc.,

"Miks, pinapatawag ka ni Sir Kiefer sa office niya" sabi ni Gina na officemate ni Mika.

"Ha? Bakit daw?" Medyo kinabahan si Mika sa sinabi ng kasama. "Wala naman akong ginawang mali sa computations ko ah"

"Ay ewan ko, basta sabi niya pumunta ka raw ngayon din sa office niya"

Tumayo si Mika at pumasok sa office ng boss. Mahigit kalahating oras ang tinagal ni Mika sa loob ng opisina at nagtataka ang mga officemmates niya kung bakit ang tagal niyang makalabas.

Pagkalabas ni Mika ay pinaulanan siya kaagad ng mga tanong ng kanyang mga kasama.

"Pinagalitan ka ba?"

"Miks, ano daw?"

"Sisante ka daw ba?!"

"Hoy, magsalita ka naman!" Gising sa kanya ni Gina at mahinang tinulak si Mika.

"Ha? Ahh, wala may nireview lang kami na report sa pinasa ko kahapon. Medyo magulo daw eh kaya ayun inexplain ko sa kanya" sabi ni Mika at tsaka pinagpatuloy ang ginagawa sang kanyang computer.

"Nako, si sir talaga. Ayaw lang niya aminin na may gusto siya sayo noh!" Sabi ni Johnny na kasama niya sa accounting department.

"Eh sa ganda naman ni Mika sino ba ang hindi mahuhulog ang loob noh! Nako girl kung ako sayo gapangin mo si sir!" Napatawa naman si Mika sa sinabi ng kaibigan niyang si Stella at napailing sa sinabi ng kasama.

"Hay nako ang mga iniisip niyong yan hindi mangyayari yan!"

"Whatever Mika! Basta kami, botong-boto kami kung si Sir Kiefer ang magiging boyfriend mo!" Sabi ni Stella at bumalik sa kanyang cubicle.

From: 💕

See you later, sweetheart 💕

Napangiti si Mika sa natanggap na text. 'Hay, it's going to be a loooong day' sabi ni Mika sa sarili.

**

"Babe, I'm home!" Tawag mula sa ibaba. Iniwan ni Mika ang kanyang ginagawa upang salubongin ang asawa.

"Hi" bati ni Mika sa asawa at binigyan ng halik sa labi.

"I know gutom ka na kaya I cooked some spicy chicken adobo" sabi ni Mika at hinila ang kanyang asawa sa kusina.

"Wow! Perfect way to end my tiring day!" Masayang saad ng asawa. Pinaglagyan ni Mika ng plato ang asawa at linagyan ng kanin at ulam ang plato nito. Pinagtimpla niya rin ito ng orange juice.

"So, how was your day at the office?" Panimula ng asawa.

"Oh same same. And you know what, sabi ng mga officemmates ko gapangin ko raw ang boss ko!" Napatawa naman silang dalawa sa sinabi ni Mika.

"Babe, ginagapang mo naman ako gabi-gabi ah!" Biro ng asawa niyang si Kiefer.

Heard that right. Asawa ni Mika si Kiefer. They've been married for a year now and none from the office know about them being husband and wife. It was a conjugal decision not to let the people in the company know about their relationship.

"Nakakaloka ka talaga Kiefer! Kumain ka na nga kasi puro ka biro eh" saway ni Mika sa asawa.

"Asawa ko, dapat sabihin na natin sa kanila na asawa kita. Gusto ko na kasi ipatransfer yung table mo sa loob ng office ko eh" sabi ni Kiefer.

"Kailan mo ba balak? Sure ka ba diyan?" Tanong ni Mika sa asawa.

"Yup, sure na ako."

"Sige, I trust you" sabi ni Mika at hinawakan ang kamay ni Kiefer.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon