Chapter 8.2

1.7K 58 13
                                    

Mika

Nakahanap ako ng trabaho malapit lang sa apartment na tinutuloyan ko. Sa isang karenderya ako nagtatrabaho. Actually, hindi ko naman ito gusto eh pero wala na akong pera na mapagkuhanan sa araw-araw kong gastusin. Naubos na kasi ang mga itinabi kong pera noong pinalayas ako ng dati kong asawa.

"Ate, isa nga pong kalderetabat dalawang kanin" sabi ng isang customer sa akin.

"Sige po, ma'am" kinuha ko ang order niya at tsaka binigay sa kanya. "Fifty pesos po lahat"

"Ito po" sabi niya sabay abot sa akin ng pera.

"Maraming salamat po. Enjoy!"

"Mika, pakilinis naman ng isang mesa sa labas" utos sa akin ng Aling Linda, ang may-ari ng carenderia.

"Opo" kumuha ako ng basahan at lumabas. Habang nililinis ko ang pinagkainan ng isang customer may lalake na lumapit sa akin. Nagulat ako sa aking nakita.

"Mika..."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Matapang kong saad sa kanya.

"Mika, I'm sorry..."

"Umalis ka na, please" sabi ko at binilisan ang paglilinis ng mesa. Aakmang aalis na sana ako ng pinigilan niya ako.

"Mika, bumalik ka na. I'm sorry. Pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko sa iyo. Nagkamali ako-"

"Ngayon pinagsisihan mo na, edi mabuti. Pinapatawad na kita. Kaya please lang pabayaan mo ako." Tinalikuran ko siya at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"Umuwi ka na sa bahay... Miks, namimiss na kita..."

"Bitawan mo ako..." Pilit kong pinigilan ang paghikbi. Iiyak na kasi ako. Ayaw ko na makita niya na mahina ako.

"Mahal na mahal pa rin kita, Miks" siniksik niya ang kanyang mukha sa akong leeg at naramdaman ko ang luha na galing sa kanyang mga mata. Magpakatatag ka Mika. Huwag mong ipakita sa kanya na mahal mo pa rin siya.

"Hindi na kita mahal, Kief. Kalimutan mo na ako, Kief. Napatawad na kita pero hindi ko kailanman nakalimutan ang pagpalayas at paghuhusga mo sa akin" Matigas kong sabi sa kanya at kumawala sa yakap niya, dire-diretso ang pagpasok ko sa kusina at ni lingon ay hindi ko ginawa.

Pagpasok ko sa kusina ay doon na bumuhos ang lahat ng emosyon na kanina ko pa pinipigilan. Humagulgol ako sa iyak. Napasandal ako sa pintuan at tinakpan ang aking bibig. Ang sakit-sakit pa rin tuwing maaalala ko ang ginawa niyang pagpapalayas sa akin.

-

Kiefer

Ang sakit-sakit pala na marinig galing mismo sa kanya. Mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nang nalaman ko na dito siya nagtatrabaho ay agad kong sinabihan si Mang Berto na pupuntahan namin si Mika bukas na bukas.

Parang tinutusok-tusok ang aking dibdib habang pinapanood siyang pumasok sa loob ng karenderya. Mabigat man sa kalooban eh masaya ako kasi nahanap ko sa si Mika.

Alam ko na may masama ang loob ni Mika sa akin. Sino ba naman ang hundi sasama ang loob sa kagaguhan na ginawa kong pagpapalayas sa kanya?

"Ser, kumusta po?" Tanong ni Mang Berto pagpasok ko sa sasakyan.

"Wala po eh. Hindi niya ako pinakinggan" sagot ko. Nakatingin lang ako sa bintana kung saan nakaharap ang carenderia na pinapasukan ni Mika.

"Aalis na po tayo?"

"Huwag. Dito lang tayo hanggang sa umuwi siya. Gusto kong malaman kung saan siya tumitira, at kung safe ba siya ang lugar na tinutuloyan niya"

Nakatanaw lang ako sa bintana. Pinapanood ang bawat galaw niya. Sabik na sabik na ako sa mga yakap niya. Sobrang miss ko na ang asawa ko. Pero alam niyo yung masakit? Yung sinabi niya na hindi ka na niya mahal.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon