"Hoy! Bumalik ka dito!" Sigaw ng isang 12 years old na si ni Mika sa bestfriend niyang si Kiefer na kasing edad niya rin. Kasalukuyan nasa tuktok sila ng burol naghahabolan.
"Waah! Ang bagal mo naman tumakbo, Mika!" Sigaw ni Kiefer.
"Hoy, sandali lang!" Napatigil si Mika at napa-upo.
"Diba sabi ko naman sa'yo na huwag mo akong hamunin sa habulan na yan kasi mabailis akong tumakbo" tumabi si Kiefer kay Mika at napahiga sa damuhan.
"Grabe, ang ganda dito noh?" Napatingin si Mika kay Kiefer at nilibot ang paningin sa kapaligiran.
"Alam mo Miks gusto ko paglaki natin gusto ko ikaw yung mapapangasawa ko" nabigla naman si Mika sa sinabi ng kaibigan.
"Nakakaloka ka, Kief" natawa naman si Mika.
"Bakit? Gusto kita, gusto mo rin ako. Diba compatible tayo." Lumingon si Mika kay Kiefer at sa paglingon niya ay nagtama ang kanilang mga mata.
"Ay sus, kung anu-ano yung pinapanood mo sa pelikula ha" pinisil ni Mika ang ilong ni Kiefer at tsaka tumabi sa kanya sa paghiga.
"Alam mo paglaki ko gusto ko maging isang magaling na basketball player" sabi ni Kiefer.
"Ako gusto ko maging volleyball player" sabi ni Mika.
"O kita mo kahit sa mga pangarap natin halos magkapareho tayo" napatawa naman si Mika sa sinabi ng kaibigan.
"Ravena, ayos ka lang ba?"
"Bakit? Mukha ba akong nagbibiro." Seryosong sambit ni Kiefer. "Simula pa lang na naging magkaibigan tayo ay gusto na kita, Mika."
Tumikhim si Mika at umiwas sa mga mata na nakatitig sa kanya.
"Ah, kasi Kief, mga bata pa tayo. Malay mo paglaki natin may makita ka na mas maganda sa akin diba? At tsaka baka pangit ako paglaki ko noh" biro pa ni Mika pero hindi tumalab ito kay Kiefer.
"Eh sa ikaw ang gusto ko eh." Pangatwiran ni Kiefer. "Gusto ko ako yung poprotekta sa'yo pag may kaaway ka. Ako lang yung dapat mong bestfriend hanggang sa huli"
"Ewan ko sa'yo tara na nga at baka hinahanap na tayo" aya ni Mika kay Kiefer. Tumayo silang dalawa at lumakad pabalik sa bahay nila Mika.
Nanatili na magkaibigan sina Mika at Kiefer hanggang sa umalis ng probinsya pamilya nila Mika. Nakahanap kasi ng trabaho ang ama ni Mika sa Maynila. At napagdesisyonan ng kanyang mga magulang na doon na rin siya mag-aaral.
Nang ipalaam ni Mika ang desisyon ng kanyang mga magulang kay Kiefer ay lubos ang lungkot na naramdaman ng batang lalake.
"Pwede naman na iwan ka nila Tita dito sa amin ni Mommy, Miks" mangiyak-ngiyak na sambit ni Kiefer sa matalik na kaibigan.
"Sabi kasi ni Mama doon na ako mag-aaral" may bahid na lungkot sa mukha ni Mika. Hindi rin kasi niya gusto na mapaghiwalay sa kaibigan.
"Ma-mimiss kita" agad na yumakap si Kiefer kay Mika ng mahigpit na tila bang ayaw niya itong pakawalan.
"Mamimiss rin kita, Kief" siniksik ni Mika ang mukha niya sa leeg ni Kiefer. Mararamdaman mo ang lungkot ng magkaibigan.
"Hahanapin kita sa Maynila, Miks" sabi ni Kiefer nang maghiwalay sila mula sa pagkayakap.
May kinuha sa bulsa si Kiefer. Isang bracelet na may naka-engrave na K at M na mga letra. Isinuot ito ni Kiefer kaliwang kamay ni Mika.
"Para hindi mo ako makakalimutan. Kapag malungkot ka titigan mo lang yan para hindi mo ako mamiss, na nandiyan lang ako palagi sa tabi mo" naluluhang sambit ni Kiefer. Hindi niya lubos akalain na aalis na ito at matagal-tagal silang hindi magkikita.