¬Kiefer
It has been three years. Three years simula noong naghiwalay kami. Oo, inaamin ko naging tanga ako sa mga desisyon ko at lubos koi yon pinagsisihan. Kung hindi lang sana ako naging gago sana hanggang ngayon ay kami pa ni Mika.
Mika. Mika. Mika. Ang pangalan na hindi ako pinapatulog simula nang naghiwalay kami. Hindi alam ni Mika na tinatanaw ko siya mula sa malayo. Walang isang araw na hindi ko siya nakikita. Sinayang ko ang mga araw na sana magkasama kami.
"Manong, puntahan mo na kasi" pangungulit ni Dani sa akin.
"Oo nga manong. Kung ang minukmok mo diyan ay pinuntahan mo siya ngayon edi sana magka-usap na kayo at maayos na ang pagitan sa inyong dalawa." Sabi naman ni Thirdy.
"Kinakabahan ako eh"
"Ayan ka na naman eh. Kaya ka naunahan ng Torralba na iyon kasi kinakabahan ka" sabi ni Thirdy sa akin.
"Salamat kasi pinaalala mo naman sa akin. Wala na nga sila diba?" inis kong sabi. Naging sila ni Joshua Torralba noong nakaraang taon pero hindi rin nagtagal ang naging relasyon nila. Sa anong dahilan ay hindi ko alam. Pero alam ko naman na naging masaya si Mika noong mga araw na naging sila ni Joshua.
"Huwag kang duwag manong. Akala mo hindi ko pansin na kaya mo hiniwalayan si Ate Mika kasi natatakot ka. Natatakot ka na sa sobrang pagmamahal mo sa kanya eh baka masakal siya at-"
"At dahil na rin takot ka na sa masyadong perpekto niyong relasyon ay masaktan siya. Manong, walang relasyon na perpekto. Kung mahal mo si Ate Mika sana hinayaan mo na lang ang mga apprehensions mo at sana pinaglaban mo ang relasyon ninyo"
Pinaglaban. Kung pinaglaban ko lang sana ang relasyon namin. Sinaktan ko ng sobra si Mika. Sana. Sana. Nakakasawa nang pakinggan ang salitang 'sana'.
"Right. You guys are right. Ngayon, ipagpaliban ko na ang takot ko at ipaglalaban ko na ang pagmamahal ko kay Mika" sabi ko. Dali-dali kong kinuha ang susi ng sasakyan at patakbong lumabas ng bahay.
Pupuntahan ko ngayon si Mika sa bahay nila. Balita ko kasi kakauwi niya lang galing US. Doon siya kasi ngayon naka-assign at sabi ni Dani nag-leave muna siya ng tatlong linggo. Nakakainggit nga si Dani kasi hanggang ngayon may komunikasyon pa rin sila ni Mika. Ako kasi pagkatapos noong birthday niya na binati ko siya ay yun lang ang huli naming pag-uusap.
Hindi ko naman siya binalewala dahil kada linggo ay nagpapadala ako ng mga regalo sa kanya pero hindi niya alam na galling sa akin ang mga regalong iyon. Kung tinatanong niyo kung kanino ko iyon pinapadala? Edi kay Dani. O diba, ang duwag ko lang.
Pagkarating ko ng Bulacan ay kinakabahan ako. No, Kiefer, huwag kang duwag. Ngayon mo na siya dapat harapin. Pagkababa ko ng sasakyan ay nakita ko si Tita Bhaby.
"Ah, hello po" Nahihiya kong bati kay Tita Bhaby. Alam ko na nasaktan din si Tita Bhaby sa paghihiwalay namin ni Mika.
"Kiefer? Bakit ka naparito? Anong kailangan mo?" sunod-sunod na tanong ni Tita Bhaby sa akin.
"Ah, si Mik-"
"Ma, sino po 'yan?" nagulat ako ng lumabas si Mika.Gulat din ang nakita ko sa kanyang mukha nang nakita niya ako. Siguro hindi niya inexpect na pupunta pa ako ditto pagkatapos ng tatlong taon. Ang huling punta ko kasi dito eh yung binalik ko ang mga gamit na naiwan niya sa bahay pagkatapos namin humiwalay.
"Kief? Kumusta na?" nakangiting tanong ni Mika sa akin. Sht. Ito yung kahinaan ko eh yung matamis niyang ngiti.
"Pwede ba kitang maka-usap?" tanong ko. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon. Mas lalo nga siyang gumada eh. Pinahaba niya ang kanyang buhok hanggang dibdib at bagay iyon sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/29008707-288-k13985.jpg)