Forever 2

3.2K 44 2
                                    

One cold Sunday morning...

"Anak, may bisita ka sa baba" tawag ng ina ni Mika. Bumaba mula sa hagdan ang isang matangkad na dilag na tila bagong gising lang. Tinignan muna ni Mika ang kanyang cellphone kung may text ba or missed call, pero wala. Nakabusangot niyang binalik ang telepono sa ihagaan niya at tsaka lumabas ng kwarto.

"Sino po ba yan, Ma?" Inaantok na tanong ni Mika sa ina.

"Hi"

Nanlaki ang mga mata Mika nang makita kung sino ang bisita niya. Nakangisi ito sa kanya at tumawa nung dali-dali siyang bumalik sa kanyang kwarto upang makapanghilamos ng mukha at magtoothbrush.

Pagkababa niya nakita niya ang kanyang bisita na nakaupo sa sofa habang kausap ang Mama niya. Nahihiya siyang lumakad at tumabi sa bisita.

"Bakit hindi ka nagtext na pupunta ka ngayon? Yun tuloy nakita mo ang pangit kong mukha" reklamo ni Mika.

"Babe, kahit wala ka pang ligo maganda ka pa rin" banat ni Kiefer.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Kiefer, dito ka na kumain ng pananghalian" iniwan sila ni Bhaby sa salas at pumunta sa kusina.

"Pffft, whatever Ravena. So, anong pakay natin ngayon?" Tanong ni Mika at tsaka pinatong ang kanta paa sa binti ni Kiefer.

"Donya natin ah." Natatawang sabi ni Kiefer at inirapan naman siya ni Mika.

"Mahal mo rin, duh" banat ni Mika at tumawa silang dalawa.

"Syempre naman! Anyway, wala kasi akong ginagawa sa bahay eh kaya I decided na bisitahan ang aking mahal na prinsesa na kagabi pa ako namimiss" nakangiting saad ni Kiefer at kinandong ang kasintahan.

"Eh baby kasi two days kita hindi nakita. Hindi sapat ang facetime para maibsan ang pagkamiss ko sa'yo" parang bata si Mika habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon.

Nakayakap na ngayon si Mika sa leeg ni Kiefer. Kiefer took the opportunity na mayakap ng mahigpit ang nobya.

"Ako rin eh, namiss kita ng sobra..."

~~~ last night~~~

From: 👸 💕💕💕

Baby, I miss you na. Uwi na u pls 😔 your 👶 is 😞.

Love you babe!

Ps: bring me jco 💋💋💋💋

Napangiti naman si Kiefer pagkatapos niyang basahin ang mensahe mula sa nobya. Nasa Cebu kasi siya para sa isang charity basketball game with his fellow teammates at bukas din ang balik niya.

To: 👸 💕💕💕

Awwee, kawawa naman ang baby ko. Don't worry, I'll be home tomorrow. I miss you too, babe 😘😘😘

Ps: dapat marami akong kiss bukas pagdating ko 😉😘😘😍😍

"Kief, tara na. Balik na daw tayo sa hotel" tawag ni Von kay Kiefer.

"Alright, susunod ako" kinuha ni Kiefer ang kanyang backpack at sumakay sa van papunta sa kanilang hotel.

Pagkarating nila sa kanilang hotel ay dumiretso kaagad si Kiefer sa kanyang kwarto.

"Bro, una na ako sa room ha" paalam ni Kiefer sa kasama.

"MR3 sepanx ba, pre?"

"Oo eh, namimiss na ako. Ganun rin ako. Miss ko na bebe ko!" Nakangising saad ni Kiefer.

"Iba talaga pag in love noh? O sige na, pumasok ka na dun!"

Pagpasok ni Kiefer sa room, nag-request niya ng facetime kay Mika at wala pang dalawang ring inaccept na ito kaagad. Mukha kaagad ng girlfriend niya ang bumungad sa kanya. Naka-pout ito sa camera pero maganda pa rin naman.

"Hi babe! I miss you na!" Masayang bati ni Kiefer sa nobya.

"Kief, clingy ba ako?" Tanong ni Mika.

"No kaya. Why naman?"

"Erhhm, wala lang. Hehe, uwi na please" nagmake face naman si Mika parang iiyak.

"Ang cute mo talaga kahit kailan. Hehe! Oo, uuwi na talaga ako bukas."

"And don't forget my request ha! No request no kiss from me" nagseryoso ang mukha ni Mika but Kiefer knows na nagpapalambing lang ang girlfriend.

Parang mga bata silang dalawa na nagkukulitan. Tawa dito, tawa doon. Tila ayaw magpaalam ang isa sa kanila kahit madaling araw na. Hanggang sa makatulog na si Mika ay doon lang sila tumigil.

"Good night, Miks. I love you" kitang-kita sa camera na tulog na nga si Mika. Iniscreencap naman ni Kiefer at pinost sa instagram.

@kieferraven15

Sleep tight my princess! See you tomorrow. I love you sooo much! 💕💋 instagram.com/hhsh6h315hj

~~~

Masayang nag-usap ang dalawa hanggang sa tawagin na sila ni Bhaby upang kumain ng lunch. Pagkatapos ay niyaya ni Kiefer si Mika na umalis. Date daw silang dalawa sabi ni Kiefer.

Papunta sila ngayon sa MOA. Pagkarating nila doon, nagpa ikot-ikot lang sila hanggang sa nagyaya si Mika na mag ice skating daw silang dalawa.

"Sure ka babe?" Nag-aalinlangan na tanong ni Kiefer sa nobya. Nasa loob na sila ngayon ng ice rink.

"Yup! One of my bucket lists kaya ang mag ice skate. Let's go, lover boy!" Hinila ni Mika si Kiefer papunta sa gitna.

"Dahan-dahan naman, bae. Baka madulas tayo" paalala ni Kiefer kay Mika. Excited na excited kasi ang kasintahan na mag skate. Parang bata siya na nakakita ng snow. Palihim niyang kinuhanan ng litrato ang nobya. Napangiti naman siya kasi mukhang masaya si Mika sa naachieved niyang pag spin sa ice.

@kieferravena15

My very own ice princess ❄️👸 Be careful, baby! @instagram.com/hdu17hdh1

"Babe, look o! I'm spinning!" Tawag ni Mika kay Kiefer. Paglingon ni Kiefer kay Mika ay may malaking ngiti ito sa mukha.

Halos dalawang oras sila sa loob ng rink hanggang sa nakaramdan sila ng gutom. They went to Vikings for dinner since it's almost 7pm. After dinner, Kiefer took Mika home.

"Grabe napagod ako" sabi ni Mika after nilang makarating sa tapat ng bahay nila Mika.

"Yeah, me too." Nasa loob pa rin sila ng sasakyan ni Kiefer.

"I guess I'll see you tomorrow then."

"I can't. May training kami bukas eh. Sabi ni coach whole day kami tomorrow." Sabi ni Mika.

Mika is still in the RP team and Kiefer couldn't be more proud of her achievements. Kiefer, in the other hand, is playing together with James Yap in one team.

"Alright. I understand. Just keep me updated ok, and I'll do the same" nakangiting sabi ni Kiefer at tsaka hinalikan si Mika sa noo.

"Good night. Drive safely ok at diretso sa bahay" seryosong paalala ni Mika sa nobyo.

"Oo ah. Diretso gid ko dayun sa balay. Palangga ta ka, Mika!" Sabi ni Kiefer sa wikang ilonggo.

"Nako po, ilonggo ang tiyo mo! Hahaha! O diba, marunong ako mag ilonggo! Galing kasinng tutor ko eh" natatawang saad ni Mika.

"O sige na, good night na bebe ko. Sweet dreams!" Paalam ni Kiefer.

"Sige, good niggh rin. Sweet dreams and love you!" Humalik sa pisngi si Mika at lumabas na ng sasakyan ni Kiefer. Hinintay muna ni Mika na mawala sa paningin ang sasakyan ng nobyo at tsaka pumasok sa bahay nila.

Matutulog na sana si Mika ng may nareceived siyang text mula kay Kiefer.

From: 🐢💕🐢💕

Just got home, babe! Good night again! Dream of me ok? ☺️ Love you, bebe ko! 💋💋💋

To: 🐢💕🐢💕

Good. Sleep na your bebe, pagod ako sobra 😞 thank you for today na rin! I had so much fun! Love you too! 💕

-----
Oneshot story each chapter lang po ang gagawin ko ☺️ For the meantime, two chapters lang po muna since bakasyon ako sa Concepcion. Yup, kung saan ang hometown ni Manong hehehe!

Advance merry christmas po sa inyong lahat!

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon