Chapter 8.1

2.6K 52 18
                                    


Mika

Hindi ko inasahan na maghahantong sa ganitong sitwasyon ang buhay ko. Masaya naman kami dati ah. Ano ba ang nagawa ko para parusahan ako ng panginoon ng ganito?

Mahigit isang taon ko na sila hindi nakikita. Ang aking asawa at ang kaisa-isang anak namin. Hindi ko alam kung papaano ko sila hahanapin. Napakalawak ng Maynila upang madali ko silang mahanap.

Hindi ko pa rin nakalimutan ang ginawang pagpapalayas ni Kiefer sa akin sa aming bahay...

---

"Lumayas ka dito, Mika!" Pasigaw niyang sabi sa akin. Nakaluhod na ako sa kanyang harapan at kumapit sa binti niya.

"Kief, please huwag kang maniwala sa kanya. Hindi totoo ang mga sinsabi niya!" Pulang-pula na ang aking mata sa kakaiyak. Naririnig ko rin ang aking anak na umiiyak mula sa kwarto.

"Huwag mo na akong lokohin pa Mika. Sinabi na sa akin ni Trinca ang mga nalalaman niya. Napakawalang hiya mo! Bakit mo ginawa sa amin yon ng anak mo?! Hindi pa ba kami sapat?" Hinawakan niya ang braso ko at pinatayo. Sa sobrang higpit ng hawak niya ay namumula na ito.

"Kief, hindi totoo yung mga sinasabi niya! Maniwala ka naman sa akin! Hinding-hindi ako magtataksil sa inyo ng anak natin!" Galit talaga ang nakikita ko sa mata ni Kiefer. Nakakatakot. Ngayon lang siya nagkakaganito.

"Lumayas ka na dito at huwag na huwag ka ng babalik pa!" Kinaladkad niya ako papunta sa pinto at tinapon ang maleta na may mga damit ko na.

"Mahal na mahal kita, Kief. Hindi ko kaya na mawala kayo sa buhay ko... Please, makinig ka naman sa akin..." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hindi... Umalis ka na bago pa kita saktan..." Sabi niya at sinara ang pinto.

"Kiefer!!! Kiefer!!! Buksan mo ang pinto! Huwag kang maniwala sa kanya! Nagsisinungaling siya! Kiefer!" Napasandal lang ako sa pinto na umiiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. "Huwag kang maniwala sa kanya..." Naghihina na ako. Hindi ko na alam ang aking gagawin.

Nanginginig ang aking mga tuhod sa aking pagtayo, dinampot ko ang aking maleta at muling nilingon ang bahay namin sa huling pagkakataon.

Hindi ko lubos akalain na dito maghahantong ang walong taon na relasyon namin.

---

Kiefer

Nandito ako ngayon sa opisina at hinihintay na dumating si Mang Berto. Susunduin ko kasi si Mikaela sa school. Nasa grade one na siya ngayon sa Eton International School. Palagi siyang top 1 sa klase kaya nakakaproud na maging ama niya.

"Sir, nandito na po ang sundo ninyo" sabi ng aking secretary na si Karla sa intercom.

Kinuha ako ang aking briefcase bago lumabas ng opisina. Dumirecho ako sa aking private elevator papuntang parking lot sa basement.

"Magandang hapon po, Ser" sabi ni Mang Berto sa akin.

"Magandang hapon din po, Mang Berto. Tara na po" pinagbuksan niya ako ng pintuan bago siya pumasok sa driver's seat.

"May balita na ba?" Tanong ko kay Berto.

"Meron po, ang huling lokasyon ng inyong asawa ay sa Palawan. Pero noong isang linggo pa po yun. Sinabi rin sa akin ni Lukas na nakaalis na po siya sa tinutuloyang hotel doon."

"Ganun ba. Sige, balitaan mo na lang ulit ako kung may nakuha kayong bagong impormasyon kung saan man siya ngayon. Dapat mahanap ko na siya..."

Oo, pinapahanap ko si Mika sa mga private investigators ko. Hindi ko ginusto na hahantong sa ganoong sitwasyon ang relasyon namin. Kasalanan ko naman ang lahat kung bakit nawala siya sa buhay namin ni Mikaela. Kung hindi lang sana ako nagpaikot kay Trinca ay sana hanggang ngayon ay kasama pa rin siya namin.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon