Mika
Pinagkasunduan namin ni Kiefer na sa bahay na lang kami mag-uusap. Bahay namin. Ang sarap lang pakinggan diba? I know hindi pa kami nagkaka-ayos ni Kiefer pero noong nakita ko silang dalawa ng anak namin ay nawala ang galit sa aking puso.
Nakadungaw ako sa may bintana habang binabaybay namin ang daan papunta sa bahay. Tahimik lang si Kiefer pero si Mikaela panay ang kwento niya sa akin. Ang unfair ko diba? Hindi ko man lang siya inisipang dalawin noong mga araw na magkahiwalay kami ni Kiefer.
Kinukwento niya na palagi siyang top one sa mga subjects sa school, marami siyang kaibigan, at mahilig din pala siya sa volleyball.
Napasarap yata ang kwentuhan namin ng anak ko at hindi namin namalayan a nakarating na pala kami sa bahay. Bumaba ako mula sa sasakyan at hinintay na makapasok kami sa bahay.
"Let's go Mommy" sabi ni Mikaela sabay hila ng aking kamay.
"Dahan-dahan lang baby..." Sabi ko sa kanya. Nang makapasok na kami sa bahay ay napatigil ako. Bumalik ang mga alaala nung nandito pa ako nakatira. It's been what? A year? Yes, a year na wala ako rito. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng bahay.
"Mommy, I'll just go upstairs to change. Wait for me okay?" Rinig kong sabi ni Mikaela. Tumango lang ako.
Naglakad ako patungo sa veranda at dumungaw sa garden. Napangiti lang ako. Naalala ko na tuwing linggo dito kami kumakain ng lunch. Masaya lang kami na nagkukwetuhan.
Bumalik ako sa loob at pumasok sa kusina. Still the same, except for the oven. I never liked baking. I tried but it was a disaster. Bumalik ako sa salas at napansin ko na nakatingin sa akin si Kiefer. The truth is I miss my husband. I miss our quiet moments together, those times na lumalabas kami tuwing Friday night kasi every Saturday wala siyang work.
Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko. Tumitingin lang ako sa mga mata niya. Dito ko napagtanto na mahal ko pa rin pala ang asawa ko. Kailanman hindi pala nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Galit lang siguro ang umiral noon kaya hindi ko napatawad kaagad.
"Baby..." Panimula niya. Oh, how I miss him calling me that. "I miss you so much..."
"I miss you too..." Bumigay na ako at tumulo na ang aking mga luha.
"Shh... Baby, please don't cry... I'm sorry... Please, forgive me baby..." Sabi niya sa akin at pinunasan ang aking pisngi.
"Kief..."
"Baby, I miss you so much..." Sabi niya sabay halik sa aking mga labi. Mapupusok ang mga halik niya. Ramdam ko ang kanyang pagmamahal sa halik na binibigay niya.
Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking leeg at ang isa naman sa aking beywang na lalong pinaglapit ang aming katawan. Nilagay ko rin ang dalawang braso ko sa kanyang leeg. Hindi ko alam na tumutulo na naman pala ang aking mga luha.
"Sobrang saya ko kasi nandito ka na ulit" naiiyak na sabi ni Kiefer sa akin at muli akong binigyan ng mumunting halik sa lips.
"We'll talk later okay? For the meantime, let me have my moment with my daughter. Now, where is she?" Nakangiti ko sabi sa kanya.
"Probably in her room" He said. I took his hand and drag him upstairs.
"Knock, knock" sabi ko sabay katok sa pinto ng kwarto ni Mikaela.
"I'm glad that you still remember her room" komento ni Kiefer. I looked at him.
"Of course, ako yata ang pumili ng kwarto na 'to para sa anak natin." Sagot ko sa kanya.
"Hmm, sure do"
Binuksan ni Mikaela ang pinto at tila bagong ligo. Pumasok kami ni Kiefer sa loob ng kwarto at umupo sa kama. Kinandong ko si Mikaela at niyakap ng mahigpit.
