"Pabili po!" Sigaw ng isang lalake sa tiangge. Lumabas mula sa pintuan ang isang matangkad, maputi at maikling buhok na babae.
"Pwede naman siguro hindi sumigaw diba?" Mataray na sumbat ng babae na namemewang.
"Pasensya na, Ms. Sungit my loves, excited lang kasi ako na makita ka" pambobola ng lalake.
"Teka, ang hangin. Kapit muna ako" sabi ng babae na nagpanggap na may malakas na hangin na dumaan at kumapit sa may refregerator sa gilid niya.
"Asus, mahal mo naman" nakangising sambit ng lalake.
"Heh! Manahimik ka nga, Kiefer! Ano ba ang kailangan mo?" Inis na sambit ng babae.
"Mika, naman. Kahapon pa kita niyaya na mag-date tayo kaya pagbigyan mo na ako ngayon" pakiusap ni Kiefee kay Mika sa labas ng tiangge.
"Alam mo naman na may trabaho pa ako mamaya eh. Sorry, B" malungkot na saad ni Mika kay Kiefer.
"Labas ka nga dito" utos ni Kiefer.
Lumabas si Mika mula sa tiangge at lumapit kay Kiefer. Agad naman siya niyakap ng mahigpit ni Kiefer at hinalikan sa noo.
"Sayang naman. Hay, gusto sana kita ipasyal sa subdivision namin eh" sabi ni Kiefer kay Mika.
"Sa susunod nalang, B, promise pag may free time ako mamamasyal tayo" malumanay na sambit ni Mika at binigyan ng matamis na halik sa pisngi si Kiefer.
"Alright" sabi ni Kiefer pero bakas pa rin ang lungkot sa tono ng boses niya.
"Uy, huwag ka na tampo. Humahaba na naman nguso mo" sabi ni Mika sabay tapik sa ilong ng nobyo. "Hali ka sa loob nagbake ako ng cupcake"
"Red velvet?" Nag-iba ang modo ni Kiefer na kanina ay malungkot ngayon masaya na.
"Yup! Made with love pa" nakangiting sagot ni Mika at kinindatan ang nobyo.
"Let's go na, B. Paborito ko kasi ang Red velvet cupcake eh" sabi ni Kiefer at tsaka nauna pang pumasok sa loob ng bahay kesa kay Mika.
"B, naman eh! Bakit mo 'ko iniwan dito sa labas?" Reklamo ni Mika. Binalikan naman siya ni Kiefer at hinila papasok ng bahay.
"Eto naman tampo kaagad. O, hali ka na mahal ko pasok na tayo" sabi ni Kiefer at inakbayan sabay kurot sa pisngi nito.
"Aray na naman, B. Ang sakit ah" hinawakan ni Mika ang pisngi niya kung saan siya kinurot ng nobyo.
"Hehe, love you B" sabi ni Kiefer at hinalikan siya sa pisngi.
---
"Sarap ba, B?" Masayang tanong ni Mika kay Kiefer. Kasalukuyan nasa dining area sila ngayon at halos naubos ni Kiefer ang mga ginawang cupcakes ni Mika.
"Oo, B! The best ka talaga" nakangiting sagot ni Kiefer sa nobya.
"Hmm, tignan mo nga yung mukha mo may mga icing na" sabi ni Mika "halika nga dito at punasan ko"
Lumapit si Kiefer sa kanya at hinayaan ang nobya punasan ang mukha niya.
"Para kang bata kung kumain ang kalat-kalat" pahayag ni Mika habang pinupunasan ang mukha ni Kiefer. Nakangising lang si Kiefer sa kanya at bahagyang nilapit ang mukha niya sa mukha ni Mika.
"B, sobrang ganda mo pala kapag malapitan" sabi ni Kiefer.
"Eh kung sa malayo pangit ako?" Nakataas na kilay na tanong ni Mika.
"Di rin. Maganda ka kaya kahit nakapikit ka pa sa malayo pa kaya?" Sabi ni Kiefer at bigla niyang hinalikan sa labi si Mika.
"Mga moves mo, Mr. Ravena" sabi ni Mika. "Diyan mo ako pinahulog eh sa mga sweet words mo sabay dumadamoves"
