Chapter 11

1.9K 43 2
                                        

Isang araw...

"Nay, bakit wala pa si Tatay?" Tanong ni Ken sa ina niya.

"Nasa bukid pa si Tatay, anak. Mamaya dadating na siya kaya maligo ka na ha para pagdating ni Tatay mabango ka" sabi ni Mika sa anak.

"Opo, nanay!" Sabi ni Ken at tsaka pumunta sa paliguan.

Niligpit ni Mika ang kalat ng anak at nilagay sa kahon. Mahigit limang taon na silang kasal ni Kiefer, at mas pinili nila na tumira sa probinsya kaysa sa Maynila para na rin sa tahimik na buhay. Noong una ayaw ni Mika pero iginiit ni Kiefer na para na rin matahimik ang magulo nilang buhay noong magnobyo't nobya pa lang sila.

Maraming mga isyu ang dumating sa kanilang buhay na ginimbal ang kanilang pagsasama. Sa kalagitnaan ng kanilang relasyon sari't saring isyu ang ibinato sa kanila. Mga hindi inaasahang pangyayari ay nangyari.

Hindi nakayanan ni Mika ang mga iyon pero sa suporta na rin ng nobyo ay nakayanan niya. Lahat ng panglalait ay tinanggap niya kahit minsan below the belt na. Naging magulo ang dati'y tahimik na buhay ni Mika Reyes nang nakilala niya si Kiefer Ravena, pero hindi niya ito pinagsisihan kasi sobrang mahal niya si Kiefer.

Sa ngayon, naninirahan sila sa Concepcion iloilo. Maganda ang lugar. Maaliwalas. Tahimik. Mababait ang kanilang mga kapitbahay. Dito ipinanganak ni Mika ang una nilang anak ni Kiefer. Sa Iloilo rin sila kinasal ni Kiefer kahit na medyo nagkatampuhan pa sila ng kani-kanilang mga magulang kasi hindi nila ipinaalam amg tungkol sa pag-iisang dibdib nila.

Iniwan nila ang kani-kanilang trabaho sa Maynila. Isang Human Resource manager si Mika sa isang business firm samantala si Kiefer naman ay pinagpatuloy ang kanyang basketball career. Naging matunog ang kanilang naging relasyon. Nagkakilala sina Kiefer at Mika sa isang event na dinaluhan ni Kiefer kung saan naging guest speaker siya. Nagkabanggaan sila at natapunan ni Kiefer si Mika ng wine.

Sinimangutan pa ni Mika noong una si Kiefer, kaso mukhang nahulog ang loob ni Kiefer sa dalaga kaya simula ng araw na 'yon ay inalam ni Kiefer ang lahat ng impormasyon tungkol kay Mika. Kinabukasan, pinuntahan ni Kiefer si Mika kung saan ito nagtatrabaho. Dinalhan niya ito ng bulaklak at chocolates na buong puso naman tinanggap ni Mika. Noong una may alinlangan pa sa isip si Mika na magkalapit sila ni Kiefer kasi isa siyang public figure. Alam ng lahat ang tungkol sa buhay niya.

Kaya noong unang date nila ni Kiefer sa Eastwood ay nakuhanan sila ng litrato at may mga komento na hindi maganda ang lumabas na kinatakot naman ni Mika. Sinabihan siya ni Kiefer na huwag siyang mag-alala kasi ipagtatanggol siya nito. Tinotoo naman ni Kiefer ang kanyang pangako na poprotektahan niya si Mika at doon tuloyan nahulog ang loob ni Mika sa binata.

Nakita niya kasi na seryoso ito sa kanya kaya binigyan niya ito ng pagkakataon. Hind nanging madali ang pinagdaanan ng kanilang relasyon. May punto rin na gusto na ni Mika bumitaw kasi nasasaktan na siya sa mga panlalait na binabato sa kanya. Pati social media sites niya pinagdiskitahan ng mga taong walang magawa sa buhay. Pero ginawa ni Kiefer ang nararapat, nagpa-interview siya at buong tapang niya sinabi ang tungkol sa kanila ni Mika at pinagsabihan niya rin ang mga naninira sa kanila at sa mga nanglalait kay Mika.

Sa gayun, hindi pa rin natinag ang mga isyu kaya minabuti ni Kiefer na ilayo si Mika sa gulo na napasukan nila. Nagpaalam si Kiefer sa kanyang coach at manager na hihinto na siya sa paglalaro ng basketball. Pagkatapos ng kanilang ika tatlong anibersaryo ay dinala ni Kiefer si Mika sa lugar kung saan magiging tahimik ang kanilang buhay. Medyo nagkatampuhan pa sila noong una pero kalaunan ay naintindihan din ni Mika ang pakay ni Kiefer. Ang maging matahimik ang kanilang buhay. Ang importante ay mahal nila ang isa't isa.

"Nay, nandito na ako" nakangiting bati ni Kiefer sa maybahay niya. Nilapitan niya ito at binigyan ng halik sa pisngi.

"Mabuti naman at nandito ka na"'sabi ni Mika sabay punas sa pawis ng asawa gamit ang bimpo. "Tignan mo pawis na pawis ka na. Inubos mo ba yung tubig na pinadala ko sayo?"

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon