Chapter 9

2K 51 4
                                    

Kiefer

I don't know why we're like this. Ano ba ang nangyari? Bigla na lang nawala yung pagiging malambing ni Mika sa akin. I tried to fix it. I did. I guess when you love someone you have to set them free. Not a wise decision, but I think we both needed a break.

Flashback:

Noong bumalik kami mula Iloilo hindi ko alam kung bakit naging ganun na lang ang pakikitungo ni Mika sa akin. I texted her, called her but no reply.

"Dan, nag text ba sa'yo si Mika?" Tanong ko kay Dani.

"Hindi po Manong" sagot ni Dani sa akin.

"Sige. Ma, alis muna ako ha" paalam ko kay Mama.

"Okay ka na ba? Kanina lang ay nahihilo ka eh" paalala ni Mama sa akin.

"Yeah, I'm okay po" sabi ko at tsaka kinuha ang susi ng kotse. Saan ko naman siya pupuntahan eh hindi nga kami nagtetext.

I decided na pumunta na lang sa Bulacan. Hapon na nang narating ko ang Bulacan. Pagdating ko sa bahay nila ay nadatnan ko siya na kumakain ng fishball. Tila nagulat siya kasi nandito ako ngayon sa bahay nila.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kaagad sa akin at tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Miks, may problema ba tayo?"

"Bakit? Meron ba?" Balik na tanong niya sa akin. Nakatayo lang siya sa harapan ako at tinitigan ng seryoso.

"As far as I know wala eh" sagot ko naman sa kanya.

"Edi wala naman diba. So bakit mo tinatanong sa akin?"

"Teka lang, bakit tinatarayan mo ako?" Pinipigilan ko ang sarili ko na maiinis kasi alam ko kung sasabayan ko ang pagtataray niya eh hindi maganda ang hahatungan ng aming pag-uusap.

"Hindi naman kita tinatarayan ah. So, wala tayong problema" sabi niya at tsaka tumalikod sa akin. Agad ko naman hinawakan ang kamay niya at pinaharap sa akin.

"Let go" Kuha niya pabalik ng kanyang kamay. "Umalis ka na lang total wala ka nang oras sa akin. Doon ka nalang sa basketball mo" I knew it.

"So, yun lang pala ang problema eh." Sabi ko nalang. Naiinis na ako.

"Oo. Bakit? May magagawa pa ba ako?" Sabi niya. Napahilamos na lang ako sa mukha. Pakshit naman o.

"Miks, I'm doing everything para magka-oras sa'yo" tanging sabi ko lang pero wala pa rin nagbabago sa emosyon niya. Seryoso pa rin siya.

"Are you really? Time check, Kief, wala ka ng oras sa akin kasi puro basketball na lang yung inaatupag mo."

"I'm doing everything, okay?! Why can't you see it?!" Hindi ko ginusto na masigawan siya at siya rin ay nagulat dahil sa tono ng boses ko. Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Ngayon ko lang siya kasi nasigawan. And I regret it.

"Miks, I'm sorry. I didn't mean to shout at you..." I tried reaching for her hand but she's pulling it away from me.

"Leave, please." Sabi niya at may naramdaman akong kaba sa kanyang sinabi.

"What-"

"Let's give each other some time to...think." Sabi niya at umiwas ng tingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang mga kamay niya at hinalikan ang likod nito.

"No! Don't say that, please. Ok, ok tomorrow let's have a date. We'll watchna movie. I will cancel my ball practice. I... We will have our quality time tomorrow I promise" pagmamakaawa ko sa kanya pero kinuha niya lang ang kamay niya at pilit na ngumiti sa akin.

"Go home, Kief. I know you're tired." Sabi niya at tsaka dire-diretso na pumasok sa bahay nila. Tumulo naman ang mga luha sa aking mga mata.

Ngayon lang kami nagkaganito ni Mika. I didn't know na sa sobrang focus ko sa basketball ay nawawalan na ako ng oras sa kanya. Mabigat man sa kalooban ay dapat kong tanggapin na sa ngayon, sa ngayon lang, hindi kami okay.

End of flashback

I was feeling uneasy. I feel like I'm going to faint so asked dad to bring me to the hospital. I was assesed by the nurse and was asked to lie down the hospital bed. Minutes later I feel that there's someone inside the room with me. I looked to my left and saw Mika sitting beside the bed. I faintly smiled at her, and she smiled as well.

"Hey..."

"Okay ka na ba?" May pag-aalalang tanong ni Mika sa akin. Masaya ako kasi nandito siya. Mahal niya pa rin ako.

"Yeah, okay na ako. Medyo nahilo lang at tsaka nadehydrate yata ako" sagot ko sa kanya.

"Kasi diba halos ilublob mo yung katawan mo sa training. Nakarinig ka na ba sa salitang pahinga?" Ayan nasermonan tuloy ako. Tumango ako at ningitian siya.

"Opo, mommy, sorry na po" sagot ko sa kanya at tumawa naman siya. Oh how I miss hearing her laugh like that.

"Nako, sige na sabi ng nurse pwede ka na daw makaalis. May pinipirmahan lang si Tita." Sabi niya. Dahan-dahan naman ako umupo sa pagkahiga, tinulongan naman ako ni Mika.

"O dahan-dahan lang ha"

Nang nakaupo na ako hinawakan ko ang kanyang kamay at hinapit ko siya sa aking bisig. Sobrang miss na miss ko na ang girlfriend ko. Niyakap ko siya nag mahigpit. Naramdaman ko rin ang init ng kanyang yakap. Hinalikan ko ang kanyang leeg bago ko siya tinitigan.

"I miss you..."

"I miss you too, Kief"

Slowly, I pull her face towards mine. Our lips met. Soft, rosy lips. I give her a sweet kiss before pulling away.

"Tara na..." She said but I pulled her again for another kiss.

Lord, sana maging hudyat ito na magiging okay na kami...

———————-

Short update guys. Hehehe! Vote, vote, vote! And comments too! :)

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon