Ravena Household
"Miks, ano ba kanina pa ako dito nagsasalita pero hindi mo ako pinapansin!" Naiinis na pahayag ni Kiefer sa kanyang bestfriend na si Mika.
Niyaya kasi ni Kiefer si Mika na tumambay sa kanilang bahay kasi miss na miss na niya ito. Halos magtatatlong taon na silang magbestfriends at ni isa sa kanila ay wala pang nobya at nobyo.
"Shhh, manahimik ka nga diyan Mr. Sungit. Tatapusin ko lang itong binabasa ko" sabi ni Mika.
"Eh ano ba kasi 'yan?" Tanong ni Kiefer sa kaibigan. Lumapit si Kiefer sa kaibigan at tiningnan kung ano ang pinagkakaabalahan ng kaibigan. "Wattpad na naman?"
"Kief, ano ba? Malapit nang matapos ito then we can continue with our movie marathon" sabi ni Mika sa kay Kiefer.
Wala na magawa si Kiefer at pinagbigyan ang kaibigan. Nakatingin lang si Kiefer kay Mika at pinagmamasdan ito habang nagbabasa sa kanyang ipad. Kinuha niya ang kanyang cellphone at kinuhanan niya ng litrato si Mika. Nakangiti lang ito habang pinapanood ang iba't ibang reaksyon ng kaibigan sa kanyang binabasa.
"Hay, nakakakilig talaga" nakangiting saad ni Mika at nilock ang ipad. Humarap siya kay Kiefer at nilapitan.
"Best friend, wala ka bang balak mag-girlfriend?" Tumabi si Mika kay Kiefer at inakbayan.
"Hmmm, I don't know" kibit balikat na sagot ni Kiefer.
"Siguro bakla ka noh?" Panunukso ni Mika at sumimangot naman si Kiefer.
"Bakla? Grabe ka naman porket wala akong nobya eh bakla na ako. Hindi ba pwede na may hinihintay lang ako?" Sagot ni Kiefer.
"Asus, best friend tayo lang ang nandito kaya huwag na mahiya ha" sabi ni Mika sabay pingot sa ilong ni Kiefer.
"Eh ikaw nga eh wala ka pang nobyo siguro tomboy ka noh?" Pabalik na sabi ni Kiefer kay Mika.
"Heh! 'Di rin. Babae kaya ako" sagot ni Mika. "At tsaka may hinihintay rin ako."
"Pssh, oo na. Wait, kuha lang ako ng popcorn sa kusina" sabi ni Kiefer at tumayo siya at nagtungo sa kusina.
Naiwan si Mika sa salas at nakita niya na naiwan nakabukas ang cellphone ni Kiefer. Kinuha niya ito at pinagdiskitahan. Pinindot niya ang photo app at nagulat siya sa kanyang nakita. Halos lahat ng larawan na nakapaloob sa app ay kanyang mukha. May iilan din na kuha nilang dalawa. Kinakabahan na ewan si Mika. Matagal na rin kasi na may gusto si Mika sa kaibigan nitong na si Kiefer at hindi niya alam kung papaano sasabihin kay Kiefer ang tunay niyang nararamdaman.
Napatingin siya sa may pintuan ng marinig niya ang yapak ni Kiefer. Dali-dali niya nilock ang cellphone ng kaibigan at nagpakunwari na busy siya sa kanyang cellphone.
"Heto na ang popcorn. Alam ko kasi na kanina mo pa gustong kainin 'to" inabot ni Kiefer sa kanya ang bowl na puno ng popcorn.
"Kief, nood tayo ng Princess Dairies" nakangising saad ni Mika kay Kiefer.
"Ugh, fine" sabi ni Kiefer.
-----
Pagkatapos ng movie
"Kief, sa tingin mo may magkakagusto din sa akin?" Matahimik na tanong ni Mika kay Kiefer.
Kunot noo naman na lumingon si Kiefer kay Mika.
"Oo naman. Mabait at maganda ka naman. So, tiyak ko na may magkakagusto sa iyo" sagot ni Kiefer sa kaibigan.
"Paano mo naman nasabi yan? Eh di mo naman ako gusto" nagulat si Kiefer sa pahayag ni Mika. Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi siya makatingin ng diretso kay Mika.
"Eh, um... Gusto naman kita eh" kinakabahang sambit ni Kiefer.
"Ah..."
Biglang tumahimik ang paligid. Ni isa sa kanilang dalawa ay walang may nagsalita nang binasag ni Kiefer ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Ikaw, Miks, sino ba ang gusto mo?"
"Ako?" Tumingin si Mika kay Kiefer "ah... Gusto ko... Ano si..."
Alam naman kasi ni Kiefer na bestfriend lang ang tingin ni Mika sa kanya. Hindi naman siya nag-expect na magkakagusto si Mika sa kanya kasi parang kapatid na rin turi nito sa kanya.
"E-tetext ko na lang kung sino man siya" sabi ni Mika at tumayo. Nagpunta siya sa may garden upang mag-isip.
Katahimikan...
.
.
.
.
.*beep*
From: MikaR
I like you po...
Nanlaki ang mga mata ni Kiefer sa natanggap na mensahe. Paulit-ulit niya ito binasa. Nilingon ni Kiefer ang kaibigan na nakatalikod sa kanya. Kinabahan si Mika nung pinadala niya ang mensahe na iyon kay Kiefer. Mabilis ang tibok ng kanyang puso at nanlalambot ang kanyang katawan sa maging reaksyon ng kaibigan.
"Shit, Mika, ano bang ginawa mo" paulit-ulit na sambit ni Mika sa sarili.
Tumayo si Kiefer mula sa inuupoan at dali-daling nilapitan si Mika sa garden. Niyakap ni Kiefer ng mahigpit si Mika na kinagulat naman ng kaibigan.
"I like you too..." Bulong ni Kiefer sa tenga ni Mika. Lumipat sa harap ni Mika si Kiefer at hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. "Matagal na kitang gusto, Miks. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin sa'yo. Siguro naging torpe ako pero gustong-gusto kita. Gustong-gusto kita, Mika Aereen"
"Gusto rin kita. Matagal na. I think we're on the same page, Kief" nakangiting sambit ni Mika kay Kiefer.
"So, tayo na?" Nakangising tanong ni Kiefer kay Mika. Napatawa naman si Mika.
"Hindi mo pa nga ako tinatanong eh tayo na kaagad?"
Mas lalong lumaki ang ngiti ni Kiefer sa mukha. Hinawakan ni Kiefer ang dalawang kamay ni Mika at bingyan ito ng mumunting halik.
"Miks, will you be my girlfriend?" Malambing na tanong ni Kiefer kay Mika.
"Yes" nakangiting sagot ni Mika kay Kiefer at agad naman siyang siniil ng halik ni Kiefer sa labi.
"I love you, I love you, I love you so, so much" sabi ni Kiefer nakatangin sa mga mata na puno ng pagmamahal.
"I love you too..."
---
short update po muna. Sana nagustuhan ninyo :)