Chapter 27: A heartbreak.

60 2 0
                                    

Crying is over.

At bakit? Dahil naaalala ko na ang lahat? NOPE! It’s because even my tears got tired of falling.

I tried to be happy. Iane and Diana never left my side. Sabi din kasi nila that it’snot good for me na umiyak ng umiyak.

“Kaye, kain na.” sabi ni Diana.

“w-wala akong gana eh.”

“psh. Lagi naman. Ano?! Iiyak ka nanaman? Magmumukmok?! Sa tingin mo pag ginawa mo yan maaalala mo ang lahat?! You’re just making it hard fo yourself Kayil!” sabi naman ni Iane.

I have no choice but to eat my meal.

Si Jet? Ewan ko. Hindi na kasi siya nagpaparamdam at nagpapakita. Di na din siya pumapasok sa mga klase namin. And I heard na nagdrop daw siya.

I wanted to talk to him pero ayaw ng mga kaibigan ko at ayaw ni Zeff.

“Okay, let’s go.” Yaya ni Zeff.

“Saan tayo pupunta? Wala ng class ah!” sabi naman ni Diana.

“Sa mall. Aliwin natin ang prinsesang nagmumukmok!” sagot niya.

“that’s a great idea Zeff. I-make over natin ang prinsesang nagmumukhang ng ewan!” excited na sabi ni Iane.

Naglakad kami papunta sa car ni Zeff at pumunta sa mall.

Pagkadating sa mall, hinila na agad ako ng mga kaibigan ko sa kung anung boutique. Ang dami nilang pinasukat sakin.

“Girls, m-may dinner pala tayo mamaya. May ipapakilala lang ako sa inyo.” Sabi ni Zeff.

“sige. Aayusan naming si Kaye para sayo. Syempre kailangang maganda siya mamaya.” Sabi naman ni Iane.

Hay. Ang fashionista talaga ng mga kaibigan ko. Pati ako dinadamay. Doll ba ko para bihisan at damitan?

At sino naman kaya ang ipapakilala ni Zeff? Oh well, mamaya ko malalaman yun.

Hay! Makapagsaya na nga lang.

“girls, let’s go to Timezone before going home.” I said.

“ehh?! Aayusan ka pa naming eh. syempre dapat maganda ka. Baka ipakilala ka niya sa mga magulang niya.” Ianne

“kilala ko na mga magulang niya dear.” -___-

“oh baka naman sa buong kamag-anak niya? KYAAAH!!! Kelan kaya kasal niyo?” Diana

Kung nagtataka na kayo kung paano kami nakakapag-usap ng ganito ay dahil wala si Zeff. Umalis na kasi daw may pupuntahan pa siya.

“Excited ako sa kasal niyo friend!” Iane

>///////<

K-kasal?

KYAAAH! Iniiisip ko pa lang na ikakasal kami ni Zeff, kinikilig na ko. Hahahaha! Ang landi ko lang. pasensya naman! Masyadong mataas ang pangarap ko.

Pero diba dun din naman mapupunta yun? sa kasalan? Mahal niya ko, mahal ko siya. Ang kaso nga lang, hindi kami pero masyado pa namang maaga para maging kami eh.

Iniimagine ko palang na maglalakad ako sa aisle ng church at makikita ko si Zeff sa harap ng altar na hinihintay ako, di ko maiwasang hindi mapangiti ng sobra.

Kelan nga kaya ang kasal namin?

AISH! Erase! Erase! Kasal agad tuloy naiisip ko eh hindi pa naman kami graduate.

Nagpunta lang kami ng mga friends ko sa Timezone at nilaro ko ang all time favorite kong laruin. ANG BASKETBALL! Hahaha :D

“mas gumagaling ha.” Iane.

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon