Chapter 18: Is He Part of my Past?

43 2 0
                                    

Tatlong linggo na ang nakalipas nung nangyari ang mga bagay bagay sa Batangas.

Tatlong linggo na din ako hindi kinikibo ni Diana.

Tatlong linggo na din akong iniiwasan ni Jet.

Tatlong linggo na din akong umiiyak.

Tatlong linggo na din akong pinapatahan ni Zeff.

Tulad ngayon, umiiyak nanaman ako. Nakita ko lang naman na dumaan sa harap ko si Diana, Iane at Jet.

Ang saya saya nilang tignan. Sa palagay ko, masaya sila na wala na ko sa mga buhay nila.

“oh, ayan ka nanaman eh. wag ka na umiyak Kaye. Tahan na. nandito ako. Hindi kita iiwan.” Sabi ni Zeff.

Patuloy lang ang mga luha ko sa pagpatak.

“papasok na ko sa next subject ko Zeff.”

“sige. Hatid na kita”

Ayun. Hinatid ako ni Zeff. Tumigil naman na ko sa pag-iyak. Baka sabihin ng mga classmate ko na ang OA ko eh.

Nakita ko si Jet na hinatid si Diana sa kabilang classroom dahil dun yung next class niya. After niyang ihatid si Diana, pumasok na siya sa classroom namin.

May something na kaya sila?

Pwede ko na ba silang kausapin dahil okay na ang lahat?

Sana…… sana okay na ang lahat. Masyado ng masakit ang mga nangyayari.

Sa subject namin ngayon, dapat katabi ko si Jet kaso simula nung nangyari  sa Batangas, nakipagpalit na siya ng upuan sa isa naming kaklase kaya wala akong time na makausap siya. Masyadong strict ang mga professor namin.

“shane. Shane!” tawag ko.

Si Shane ay kaklase namin na katabi ngayon ni Jet.

Gusto ko makipagpalit kasi gusto ko makausap si Jet. Alam ko namang ako yung may kasalanan kasi ako yung nagtaboy sa kaniya pero hindi lang ako sanay na ganito kami.

Parang………… parang bumalik kami sa pagiging strangers.

“oh Kaye, bakit?” tanong ni Shane.

“uh, kasi ano eh.”

“gusto mo makipagpalit? Sige dito ka na. alam ko namang may problema kayong dalawa eh.” sabi ni Shane.

Ang galing naman niya. So ayun. Wala pa naman yung prof kaya lumipat na ko at tumabi ky Jet.

Si Jet naman nakatungo lang.

Pumasok na yung prof at iniangat na ni Jet ang ulo niya. Nabigla ata siya na ako yung nasa tabi niya kasi nanlaki yung mga mata niya.

“Jet.” Malumanay kong pagsambit sa pangalan niya.

Naghintay lang ako sa sagot niya pero OLATS! Ayaw niya ko pansinin.

“s-sorry.” Sabi ko.

Nakitingin ako sa prof naming pero naramdaman kong napayuko si Jet. Siguro kasi nakokonsensya siya?

Biglang nagpabango yung kaklase namin. Medyo nahilo ako kasi nakakahilo naman talaga yung pabango.

Ako pa naman yung taong pag nahilo eh agad sasakit ang ulo tapos matutuloy sa migraine.

At eto na nga, sobra ng sakit ng ulo ko tapos unti unting lumalabo yung paligid ko.

Tumayo ako para sana magpaalam para pumuntang washroom nung bigla nalang nagdilim ang paningin ko.

Pero bago pa man magdilim ang paningin ko, may nakita akong imahe.

Imahe ng isang batang lalaki at batang babae. Mga batang masayang naglalaro sa ilalim ng puno. Sino kaya sila?

“is she alright?” isang tinig ang narinig ko. Isang tinig ng lalaki.

“she’ll be fine. Masyado lang siyang stressed. Kailangan niya lang ng pahinga.” Sabi ng boses ng babae.

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko.

Puro puti lang ang nakikita ko. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?

Mapupunta pa ba ko sa langit kung sa nangyayari ngayon eh ang dami ko ng nasasaktan at wala man lang ako magawa para maibsan ang mga sakit na kanilang dinaramdam?

Naging malinaw na ang paningin ko at nasa ospital pala ako.

Ano ba ang nangyari?

Ang huli kong natatandaan eh yung biglang dumilim nalang at yung imahe.

“natutulog ka pa ba tuwing gabi?” tanong ng isang malamig na tinig.

Nilingon ko ang kinaroroonan niya at nakita kog nakasandal siya sa pader.

Naluluha ako.

Hindi ko alam kung bakit.

Siguro kasi sa kabila ng sakit na ibinigay ko sa kaniya, nandito pa din siya sa tabi ko.

“hindi na.” sabi ko habang may namumuong luha sa mga mata ko.

Lumapit siya sakin at sinabing,

“A-Ako ang nagdala sayo dito. Nag-alala ako sayo. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Natakot akong mawala ka sakin. Akala ko inatake—” bigla niyang pinutol ang sasabihin niya sa hindi ko malamang dahilan.

Inatake? Ako? Saan? Alam niya ba yung sakit ko?

“aalis na ko. Parating na sila Tita.”

Tumalikod na siya sakin at unti unting lumapit sa pintuan.

Bago pa man siya tuluyang makalabas,

“J-jet.” Tawag ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin at kitang kita ko ang mga matang puno ng lungkot at sakit.

“B-Bakit?”

Ang mukha niya. Masyadong pamilyar. Parang nakita ko na siya dati. Hindi ko nga lang maalala.

“G-gusto sana kitang mahalin k-kaso ano eh. M-mahal ka ni Diana at ayoko siyang masaktan. Pasensya na Jet.”

Tumalikod na siya. Galit pa din ata siya sakin. Expected ko naman na yun eh.

Bago pa man siya humakbang, nagsalita siya.

“Para ka pa ring bata. Parang ikaw pa din yung nakilala ko dati sa….ay wala.” He slightly laughed.

Alam kong may sasabihin pa siya kaya hindi ako nagsalita.

“wag kang mag-alala Kaye. Mahal pa din kita. Mahal pa din kita kahit 9 years na ang nakalipas simula nung una kitang masilayan. Yung unang beses mong sinabi na gusto mo din akong mahalin.”

At umalis na siya. Naiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto habang naguguluhan pa din sa mga sinabi niya.

Huh?

Anong bang sinasabi niya?

Hindi ko maintindihan.

9 years ago? Nagkakilala na ba kami dati?

Kung oo? Saan?

Eh sa pagkakaalam ko, last year lang kami nagkita.

Parte kaya siya ng nakaraang ipinalimot sakin ng tadhana?

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon