Chapter 3: My Graduation...... and Jet?

68 6 0
                                    

Today is March 28. Oh yeah! Graduation ko na today. I’m so excited! Magkakacollege na ko. Okay lang naman kasi pare-parehas lang naman kami ng university nila Inae and Diana. Ang kaso nga lang, parehas silang marketing tapos ako, culinary arts.

The good thing here is ako yung valedictorian ng batch. Matalino ata ako xD

Tinawag na ko ni mommy kasi daw pupunta na kami sa school. Nakadress lang ako. Color yellow na above the knee at sleeveless.

“Kaye! Let’s go!” mommy shouted.

“Yes mom. Bababa na po!” I shouted back.

“we’ll wait for you sa car nalang ha?”

“opo!”

Nung okay na ko, bumaba na ko at pumunta na kila mommy sa labas. Unang nakakita sain ay si dad.

“oh my gosh Kaye! Ang ganda talaga ng anak ko!” sabi ni dad na tuwang tuwa.

“dad naman eh!”pa-humble effect pa xD

“osya! Tam na yang drama niyong mag-ama diyan. Sakay na! baka malate pa tayo eh! Nakakahiya naman. Ikaw pa naman ang valedictorian” si mommy talaga.

“inggit lang yang mommy mo Kaye! HAHAHA. Tara na nga” trip mang-asar ni dad ngayon.

Sumakay na kami sa car at nagdrive na si dad papuntang school. Ang kulit nga nila eh. Nagdrama daw ba sa loob ng sasakyan.

“hay nako! Malaki na ang anak ko. Wala na akong baby” sabi ni dad.

“oo nga hon eh. Wala na tayong baby. Sigurado akong may special someone nay an. May papalit na sa pwesto natin!” sabi naman ni mommy.

“ay! Kelangan nagdrarama? Sus! Drama niyong dalawa xD” parang magbebestfriends lang kami eh xD

“totoo naman eh!” duet pa sila.

“ano ba! Syempre walang makakapalit sa pwesto niyo. Naman eh. Ako pa rin naman po to eh. Ako pa din naman ang baby niyo” sabi ko.

Niyakap ko silang dalawa.

Nung dumating kami sa school, medyo madami ng tao. Nandun na din ang dalawa kong baliw na kaibigan.

“Kaye!” sabay sila Iane and Diana.

“oh Iane, Diana” tapos ngiti.

“tara na. isuot na natin to. Magstart na daw kasi yung ceremony eh”

“osige. Kunin ko lang gamit ko kay mommy”

Kinuha ko na yung gamit ko kay mommy then pumunta a kaming washroom.

Umupo na kami nila Iane and Diana. Magkakatabi kami kasi nga honor kami. Inisa-isa na din tawagin yungmga graduates.

Tinawag na si Iane at inawardan.

Next is si Diana.

Then..

“And last but not the least, the valedictorian of this batch. Ms. Kayil Ianna Mianne D. Belardo” sabi nung MC.

Umakyat ako sa stage at binigay na sakin lahat ng awards. Dami nga eh. Syempre meron akong speech but I don’t want to include that speech dito sa kwento. Baka maiyak pa kayo. Hahaha xD joke!

Kumain ang family namin kasama nila Iane and Diana. Ang saya nga kasi close yung mga parents namin. Magkakasama kasi sila sa isang business na kaming tatlo ang nag-isip. Haha.

Pagkatapos nun, umuwi na kami. Hindi naman ako gaano kapagod kaya di muna ko natulog. Bumaba ako and nandun pa si mommy and daddy.

“ Mommy, Daddy, bat gising pa po kayo?”

“ah wala. Matutulog na din kami”

“sige po. Good night po mommy, daddy. I love you”

I hugged them both. Naiiyak ako. Haha. Hindi ko alam kung bakit. Mas lalo ako naiyak nung narinig ko si mommy at daddy na sinabi ang mga katagang…

“we’re very proud of you anak”

Tapos ayun. Umakyat na din ako. Nag log in muna ko sa msn account ko. Wala na kasi ako magawa eh. Tapos biglang may nag add sakin. Pangalan is ‘ZJAC’. Edi syempre inaccept ko siya. Pero hindi ko naman kilala.

Biglang may nagpop na window dun sa screen ko. May nagchat sakin na hindi ko kilala.

OnlyMine says: hi Kayil.

Prinsesa Ako says: who are you?

OnlyMine says: I’m Jet.

Prinsesa Ako says: hi Jet. do I know you? I don’t think I’ve met someone named Jet.

OnlyMine says: hindi mo ko kilala pero ikaw kilala kita. Wag ka mag-alala di naman ako masamang tao.

Prinsesa Ako: wala naman ako sinasabi na masamang tao ka eh. Haha. San mo ko nakilala?

OnlyMine says: sa Batangas. Nung pumunta kayo last summer. Nabunggo mo pa nga ako nun eh.

Prinsesa Ako says: ah! I know na. ikaw pala yun. Haha. Sorry ulit at salamat sa pagtulong sakin buhatin lahat ng dala ko. Tatanungin ko dapat pangalan mo kaso bigla ka nawala. Tsaka don’t call me Kayil. Di kasi ako sanay eh. Kaye nalang.

OnlyMine says: wala yun ano ka ba. Kasi paalis na din kami nun kaya umalis na ko. Pero nalaman ko pangalan mo kasi nahulog dun sa bag mo yung i.d mo. Osige Kaye! 

Astig! Kaya pala nawawala yung id ko. Hahaha. Siya pala nakakuha.

Medyo nafeel ko na din yung antok kaya nagpaalam na ko kay Jet.

Prinsesa Ako says: Ah ganun ba? Haha. Uh, Jet, out na ko ha? Pagod na din kasi ako eh. Sige! next time nalang. Salamat ulit. Ingat ka.

OnlyMine says: sige! Ingat ka din. Bye.

… log-out …

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon