Chapter 21: Drama mo.

67 2 0
                                    

One month na ang nakalipas at ganito pa din kami.

Lagi kong kasama si Zeff pag lunch break at si Jet naman eh palagi akong pinipikon tapos pag siya inasar, grabe makapagtantrums.

At mahigit isang buwan na din na hindi kami okay ng dalawa kong bestfriend.

May event ngayon dito sa baba at ang building nila Iane at Diana ang may handle. Si Iane kasi president tapos si Diana eh secretary so busy silang dalawa.

Gusto ko ng magsorry.

Gusto ko ng maging okay ulit ang lahat.

Gusto ko ng bumalik sa dati na wala pang nasasaktan.

Sa tuwing lalapitan ko sila, kusa silang lumalayo kaya wala din nangyayari samin.

Aha! *lightbulb*

I have an idea.

Kung suyuin ko kaya tong dalawa na parang girlfriend ko sila?

Hahaha! What a good idea. Galing talaga ng author.

CHOS LANG XD

“samahan mo ko bumili ng flowers.” Sabi ko kay Zeff.

“huh? Sige. Ngayon na?”

“ah, oo eh. kung okay lang naman pero kung di ka pwede, ako nalang mag-isa pupunta.”

“hindi ko kayang pabayaan ang prinsesa ko noh. Wait lang, kukunin ko lang gamit ko sa tambayan.”

“sige sige.”

Umupo muna ko sa bench at hinintay na bumalik si Zeff.

Hayyyy! Sana naman epektib tong gagawin ko kasi pag hindi, baka mabaliw na ko.

Hindi kasi epektib sa dalawang to ang sorry lang. dapat mag-effort ka.

Sa effort kasi nakikita kung sincere talaga ang isang tao.

Asahan mong pag walang effort, wala ka ding halaga.

At kilala ko ang dalawang to. Kaibigan ko sila pero opposite ko sila kasi ako, kaya kong magpakumbaba lalo na kung ako talaga yung may kasalanan. Ang dalawa kasing yan eh ang taas ng pride. Dinaig pa ang Mt. Everest sa taas.

“saglit lang ako nawala, tulala ka nanaman.” Biglang sulpot ni Zeff.

“ano bay an! Kabute ka ba? Bigla bigla ka nalang kasing sumusulpot eh.” sabi ko.

Naglakad na kami ni Zeff palabas ng school. Nakaakbay siya sakin that made me feel comfortable.

COMFORTABLE?????!!!!! Niloloko ko lang kayo kasi hindi ako comfortable.

Ang isang tao ba pag kinilig eh magiging comfortable pa? of course not! Kaya ako ngayon mukhang tanga. Nababato ako sa kinalalakaran ko. Ang hirap pala maglakad lalo na kapag kinikilig.

Mahal mo nakaakbay sayo! Wooohooo! Dream come true ata to eh :D hahaha xD

“H-HOY!! SALUMPWEEEEEEEEEET!!!!!!!!” huh? Sino yun?

Alam ko na! isang tao lang naman tumatawag sakin ng ganyan eh.

At alam kong pag yan tinawag ako, mang-aasar lang yan >_< Kaya hindi nalang ako lilingon para masaya.

“SALUMPWEEEEEEEEEEEEEEEET!!!!!!!! WAIT LANG!!!!!!!!!!!!!” ugh >_<

May naririnig akong tumatakbo. Nemen! Ayoko makasama tong pakshet na to.

Bilisan mo ang lakad mo Kaye.

May tumatakbo pa din. Aish >_<

Bilisan pa ang lakad Kaye.

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon