Chapter 8: It's Confirmed! He's Back!

81 5 0
                                    

Siya nga kaya? Kailangan kong malaman.

“I-Ikaw?” I asked.

“you know me?”

Kelangan ko na talagang malaman kung siya nga si Zeff. Buti nalang wala si Iane at Diana para pigilan ako. Nauna na nga kase silang tatlo sa kotse. Ok! Back to the situation, ito na talaga. Itatanong ko. I really have to know.

“i-ikaw. I-i-ikaw s-si Zeff, d-diba?” nauutal pa ko. Paano ba naman. Kinakabahan kasi ako eh.

“how did you know me?” siya! Siya nga! Siya nga si Zeff.

Sa wakas! Nahanap ko din siya! Pero bakit ganun? Bakit di niya ko nakilala? Di niya na ba ko matandaan? O sadyang kinalimutan niya lang ako. Dahil dun sa katotohanang hindi niya ko maalala, nalungkot ako.

“h-hindi mo ba talaga ako matandaan?” tanong ko habang nakayuko.

“you? Who could you be ba? Hmm.. wait—K-Kaye??” I just nodded.

“I missed you Kaye!” then bigla niya kong niyakap. A hug so tight.

 Sa wakas ay naalala na niya ko. Akala ko nagka amnesia na siya eh. Hahaha. At dahil hindi niya pa ko nakakalimutan, syempre sumaya ulit ang kaluluwa ko.

“I missed you too Zeff!” I hugged him back…TIGHTER!

Tapos bumitaw na siya sa yakap niya. Ayaw ko pa nga sana eh. Hahaha xD

“uh, Kaye, I need to go. May hinahabol kasi ako eh. Sige. Bye.”

Ganon? Ganon na lang ba yun? Aalis na siya kaagad? Oh well, baka may surprise lang yun. Hahaha. Baka mamaya may naghihintay ng poster sa bahay at nandun na siya. Hindi muna ko magpapakanega. Think positive Kaye!

Pumunta ko dun sa kotse. Tinanggal ko muna sa isipan ko ang kalungkutan. Masaya ako. Sobra. Sa wakas nakita ko na siya.

Pero napag-isip-isip ko lang….

Bakit kaya kung kelan handa na kong bitawan siya, dun naman siya babalik?

Hindi na yun mahalaga. Ang importante ngayon ay bumalik na siya.

Pumasok na ko sa loob na kotse at ang mga loka ay nandun na, hinihintay ako. Pero pagkapasok ko, parang nataranta sila. Ay ewan! Parang mga baliw lang. mali! Hindi parang. Hahaha . baliw talaga xD

“oh, bat parang nataranta kayo?” tanong ko.

“w-wala! Hahaha” sabi ni Iane.

“ang sarcastic ng tawa mo dear! Parang kang timang” tapos tinawanan ko sila.

“ang tagal mo Kaye! Kanina pa kami naghihintay sayo dito eh” sabi ni Jet.

“Makupad kasi talaga yan Jet. Masanay ka na diyan. Naglalakad yan sa buwan eh. Kaladkarin namin yan ni Iane pag gumagala kami. Paano ba naman. ANG BAGAL MAGLAKAD. Akala mo nakikiprotesta. HAHAHAHA !” aba! Insultuhin daw ba ako ng kaibigan ko. Ito talagang si Diana! Nako!

“AKO NA MAKUPAD! Nang-insulto ka pa! PSH!” sabi ko.

Ang tagal paandarin ni Jet yung sasakyan. Ako naman, di pa din makalimutan ang encounter ko with Zeff. Syempre nakangiti ako. Alangan namang umiyak ako diba. HAHAHA xD

“oh! Anyare sayo? Bat ka nakangiti?” Iane asked.

“a-a-ako? Nakangiti?” nakangiti ba ko? Haha.

“eto oh!” tapos hinarap sakin ni Jet yung salamin.

And the mirror tells the truth. Nakangiti nga ko. Ganun ba talaga ako kasaya nung makita ko siya?

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon