Chapter 16: I Think.

60 2 0
                                    

Nandito na ko ngayon sa Batangas. Dito sa park kung saan una ko siyang nakita.

Nasa loob na ko ng park. Mukha ngang pinaghandaan ni Jet to.

Naiintindihan ko na nagyon si Diana. Sino ba namang hindi masasaktan na makita yung taong mahal mo na hinihintay ang taong mahal niya diba?

Wala ibang tao ngayon dito.

At wala din si Jet.

T_T

Nasa gitna yung table pero umupo ako dun sa swing ng park.

Patuloy na umagos ang mga luha sa mga mata ko. Parang mga alon na walang katapusan sa pag-agos.

“bakit hindi ka naghintay?” sabi ko ng mahina habang umiiyak pa din.

Bakit ako nasasaktan ngayon? hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko. Nahihirapan ako.

“naghintay ako. Sinabi kong maghihintay ako kaya naghintay ako. Hinintay kita….dito….sa lugar kung saan una kitang nakita.”

Alam ko kung sino yun.

Siya yun!

Ang taong dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Lumingon ako at…

“Jet.” Sabi ko at biglang napayakap sa kaniya.

Naramdaman kong niyakap din niya ko.

“akala ko hindi ka na dadating. Natakot ako” sabi niya.

Huh?

Natakot?

“natakot ka san?” tanong ko.

Mahabang katahimikan ang bumalot saming dalawa nang muli siyang magsalita.

“natakot ako kasi baka may lumabas na multo” sabi niya.

Multo?

May multo dito??

“may multo ba dito?” natatakot na din ako.

I hate ghosts. T_T

“sabi nila meron daw babae na multo dito. Maganda daw siya at palagi nila siyang nakikita dito sa swing na nakaupo at umiiyak. Tila daw may hinihitay siya” may multo nga ata. Anubey! T_T

Natatakot na ko. Dun daw kasi umuupo yung babae sa swing na inupuan ko kanina. Ano ba yan. Nababading ako.

“h-hindi n-nga? Totoo yung kwento?”

“oo. Ang totoo niyan, isang tao pa lang ang nakakakita sa multong yun. isang lalaki palang ang nakakita sa babaeng multo na umiyak sa swing.” Sino naman kaya yun?

Grabe naman. I really hate hearing ghosts stories. Natatakot kasi talaga ako.

“uhm, Jet pwede a-alis na tayo d-dito?”

“bakit?”

“natatakot na ko eh. please.” Konti nalang maiiyak na ko. Huhu.

“pag umalis tayo, makakasama ko pa din yung multo.”

Hah? Makakasama niya pa din yung multo? Nakikita niya ba yung multo? OW EM!

“a-anong ibig mong sabihin? N-nakikita mo yung multo?”

“oo. Nakikita ko siya at ang ganda ganda niya. Ang sarap niyang pagmasdan.”

Nanghihina ako sa naririnig ko ngayon. grabe!

“J-Jet. N-Natatakot na ko”

“wag ka matakot Kaye. Hindi tamang  katakutan ang isang babaeng masarap mahalin.”

Huh? Masarap mahalin? Parang nagegets ko na yung sinasabi niya. Parang alam ko na kung sino yung multong tinutukoy niya.

“what do you mean Jet? Ako ba yung multong tinutukoy mo?”

“oo Kaye. Ikaw ang multong sinasabi ko. Ikaw ang multo ng buhay ko.”

Ako multo ng buhay niya? Ang weird. Paano naman ako naging multo ng buhay niya?

“huh? Paano naman ako naging multo ng buhay mo?”

“gusto mo bang malaman?”

“oo.”

“kasi simula nung dumating ka, natakot ako. Natakot akong mawala ka sa tabi ko. Natakot akong layuan mo ko pag sinabi ko sayo ang katagang mahal kita”

MAHAL niya ako? MAHAL niya ako!

Hindi ko nanaman alam ang magiging reaction. Yung feeling na hirap na hirap yung utak kong i-process ang mga sinabi niya.

“a-ano ulit yun?”

Ay! Katangahan ko talaga. Hirap na hirap na nga yung tao na sabihin yung sinabi niya kanina tapos eto ako pinapaulit ulit yun.

“ah-eh. ano.”

Hirap na hirap siyang sabihin ang mga sinabi niya kanina so I decided to ask him kung tama nalang yung narinig ko kanina.

“mahal mo ko? Yun ba yung sinabi mo?”

“narinig mo naman pala eh. nagtanong ka pa! HAHAHA”

“shunga! Naniniguro lang. ayoko maging feeler noh!”

Yung pakiramdam na napakacomfortable ko pag kasama ko si Jet though alam ko na may nararamdaman siya sakin.

And now I think, I’m falling for him.

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon