Chapter 20: His Other Side.

76 5 0
                                    

Simula ng mangyari ang confrontation ko with Diana and Iane, sa tuwing magkakasalubong kami, magkakatinginan kami tapos sabay sabay kaming yuyuko.

Hayy.

Kailan ba maaayos ang gulong to sa buhay ko?

Anyway, kasama ko ngayon si Zeff.

“oh, ano gusto mong kainin?” he asked.

Lunch na kasi namin and since na hindi kami magkaintindihan ng mga kaibigan ko, pinili ni Zeff na samahan nalang ako palagi.

Nahihirapan daw kasi siyang nakikita akong nalulungkot eh.

Ang corny niya pero I admit. Kinilig ako nung sinabi niya yun. Sino bang hindi? Mamatay na! HAHAHA!

Ayan! Nagagawa ko ng magpatawa. Siguro kasi okay na kami ni Jet?

Tama ang nabasa niyo.

Medyo okay na kami ni Jet but he’s been acting so weird.

May mga bagay na sinasabi siya na hindi ko maintindihan.

It seems that he knows me a lot.

Pag nagsasalita siya, parang matagal na kami magkakilala.

But he looks so familiar.

Parang minsan may nagfaflashback sa utak ko na mga scenes pero msyadong malabo ang mga itsura ng mga tao kaya’t hindi ko din naman maintindihan.

Tapos na akong maglunch kasama ni Zeff at nandito na ko sa classroom ko habang naghihintay sa pagdating ng prof.

“oy Carla dear, asan na daw prof natin? Tsk. Antagal!” sabi ko sa president ng next subject namin.

Bumalik na nga pala si Jet sa upuan niya at nagkukulitan na kami palagi.

“oy! Bagay na lumilipad sa himpapawid, peram notes mo.” Sabi ko kay Jet.

“HOY! Hindi ako bagay at mas lalong hindi ako lumilipad sa himpapawid.” Sagot niya sakin.

Pero may binulong siya na hindi ko naintindihan. Bulong nga diba. Hahaha.

“pero kung mangyari man yun, ikaw ang una kong dadalhin sa langit ko.” Sabay nag grin.

Eh hindi ko narinig. Ano kaya yung sinabi  niya?

“ANO?! Di ko narinig! Ulitin mo nga sinabi mo atsaka pag magsasalita ka, pwedeng wag kang parang bubuyog na bubulong bulong!” sabi ko sabay hampas sa kaniya.

“ARAY! MASAKIT YUN AH! Maglinis ka na kasi ng tenga mo! BINGI KA LANG TALAGA!” sigaw niya sakin.

You see. Dati hindi ako sinisigawan niyan pero ngayon wagas kung makasigaw.

Okay na nga kami pero palagi naman niya akong sinisigawan. -_-

“oh oh! Tama na kayong dalawa diyan sa pag-aaway. Nagkabati lang kayo tas ganyan na. mas prefer ko yung di kayo nagpapansinan kasi walang maingay.” Sabi ni Carla the president.

“wooooh! Inggit lang yan eh. wala kasing lovelife.” Pang-aasar ng mga classmate ko kay Carla.

“H-HOY! LECHE! MAMATAY KA NA! Ayoko pang magkalove life noh!!” sigaw niya.

Hahaha! Ang saya tignan ng buong classroom namin. Ang saya kasi lahat g tao eh.

“oh guys, umupo nga muna kayo. May sasabihin lang akong importante” sabi ni Carla.

Syempre kami naman naupo na sa kaniya kaniyang upuan. Alangang magshare kami lahat sa isang upuan. Ano kaya itsura nun? HAHAHA!

“GOOD NEWS! WALA NA TAYONG KLASE DAHIL MAMAMATAY NA SI SIR!” sabi ni Carla.

Mamamatay na si Sir?  Ang pinakateror na prof ay mamamatay na?!

Kahit terror yun mahal ko yun. HAHAHA! YUCK!

Pero kahit naman ganun yun, ayoko pa din yun mamatay.

“ANO?! MAMAMATAY NA?! KELAN?!” sigaw nung kaklase ko na nang-asar kanina kay Carla tungkol sa love life niyang bokya.

Ngumising sumagot sa Carla sa kaniya, “ SYEMPRE JOKE LANG YUNG MAMAMATAY NA SI SIR. PERO TOTOO NA IKAW AY MAMAMATAY NA!!”

Tawanan ang buong klase at yun, naghabulan yung dalawa. Napaka insipiring ng president namin no? di allowed magtakbuhan sa corridor pero siya ginagawa niya. Hahaha.

“hoy salumpwet! Aalis na ko!” sabi ni Jet sakin.

Ay oo nga pala. Nakaligtaan kong sabihin na ang tawag na sakin ngayon ng bagay na lumpilipad sa himpapawid na to ay salumpwet.

Pang-asar niya yan sakin kasi nung isang araw sa isang subject namin, nabanggit yang salumpwet na yan at nung tinanong ako ng teacher kung ano yun, sabi ko undies.

Aba malay ko bang upuan pala yang salumpwet na yan kaya ayan, inaasar ako ng mokong na to.

“Hoy bagay na lumilipad sa himpapawid!  Hindi salumpwet ang pangalan ko no!!! at saan kanaman pupunta aber?!”

“then from now on, we’ll change your name from Kaye to salumpwet. Ang kyut kaya! HAHAHA!!” sabi niya habang tumatawa ng malakas.

He’s being a monster! Ughhh!!

Grrr..

Nakakainis >_<

Nilayasan ko siya at nauna na kong lumabas sa classroom kasi nga wala kaming prof.

Tumayo siya at sumabay sakin sa paglalakad pero di ko siya pinapansin. Nakakainis eh!

May naramdaman nalang akong sumusundot sa tagiliran ko.

“oy salumpwet. Wag ka na maasar. Ang pikon mo naman!” sabi niya habang tinatawanan ako.

Binilisan ko ang paglalakad ko pero naaabutan niya pa din ako.

Tinutusok tusok niya pa din yung tagiliran ko kaya napaharap ako sa kaniya.

“WHAT IS WRONG WITH YOU?!!!” sigaw ko sa sobrang asar.

“nothing. Let’s just say I’m being me.” He grinned.

Ugh! I can’t stand him anymore!!! HE’S SO ANNOYING >_<

“eh baket ba gustong gusto mong asarin ako?! Di ka naman ganyan dati ha!!”

Naaasar na ko kay Jet. Lagi nalang niya ko inaasar at lagi siyang may evil plan sakin. Nung isang araw nga eh nilagyan niya ng hot sauce yung ketchup.

Nung pagkasabi ko nun, biglang naging serious yung looks niya.

OH OH! Napikon ata siya.

He looked straightly to my eyes.

Tapos…

“HAHAHAHAAHAHAHAHHAHAHAHAHA!!!!” bigla siya tumawa.

Psh! He’s really annoying me. Nakakabwisit.

“leche! Mamatay ka na Jet!” sabi ko sabay talikod.

“you want that to happen?” with that effin grin.

He got me there. Why should I want that?

“sa tingin mo!? Gamitin mo nga utak mo!”

Naglakad na ko habang sunod pa din ng sunod si Jet.

Nakakainis na talaga siya. Grr.

“ganito din naman ako dati eh. binabalik ko lang kung sinong Jet ang nakilala mo 9 years ago.”

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad.

I can’t understand what he said.

Ganito ba talaga kahirap mawalan ng alaala?

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon