Chapter 10: Siblings.

100 5 2
                                    

Pagkagising ko, syempre nakagown pa din ako kasi nga di na ko nakapagpalit kagabi. Jusko naman. Inantok pa ko pero may pasok pa ko eh kaya kailangang bumangon.

Habang nagdadrive, sobrang lakas ng ulan. And when I reached the school,

ANNOUNCEMENT: NO CLASSES TODAY DUE TO HARD RAIN!

Oh yeah! Walang pasok. Hahaha. Hinanap ko nalang si Jet sa loob ng Campus kasi nakita ko na nakapark yung car niya so nandito siya.

Nakita ko siya dun sa tambayan namin. Sa soccer field. Nakatingin sa langit habang pinagmamasdan ang ulan na pumapatak.

“ui!” deadma lang siya.

“Jet?” deadma lang ulit.

“huy Jet!” inalog ko siya.

“u-uhh, h-huh?

“ano nangyayari sayo? Kanina pa kita tinatawag eh. Bat ka naman tulala diyan?”

“w-wala. Pasensya. May naalala lang ako”

“gusto mo magshare? Makikinig ako.”

“naalala ko kasi nun…” pinakinggan ko lang siya.

“yung araw na wala na kong mapuntahan. Nakaupo lang ako sa isang sulok habang nababasa ng napakalakas ng ulan” biglang tumulo yung luha niya.

“hah? A-anong ibig sabihin mo Jet?”

“dahil sa ulan, nagkaroon ako ng pamilya.” Pinunasan niya yung luha niya.

“h-huh?”

“ 8 years old ako nung mamatay ang tunay kong mga magulang because of an accident. I have nothing that time. Wala lahat. Hanggang sa nakita ako ni mommy sa tapat ng bahay nila sa Batangas. Basang basa ako ng ulan” ngayon, naguguluhan na ako. Pero patuloy ko pa din siyang pinapakinggan.

“pinatuloy nila ako sa bahay nila. Inampon nila ako pero umalis din sila kaagad. Ang mga yaya ang nag-alaga sakin. Pumunta kasi silang ibang bansa kasama ang kapatid ko”

“k-kapatid?”

“oo. May anak sila. Isang taon lang ang tanda ko sa tunay nilang anak. Hindi ko lang pinapalitan ang family name ko kasi yun nalang ang meron ako ng binigay ng real family ko. At kahit ampon lang nila ako, they never fail to show me that they love me. They treat me as their real son. Kaya sobrang mahal ko sila.”

“a-ahh”

“naguguluhan ka na ba?”

“ah-eh.. hehehe. Medyo. Di ko na kasi magets eh”

“sorry ha? Nakita mo pa tuloy akong umiyak”

“hindi mo kailangang magsorry. Okay lang naman eh. Kaibigan mo naman ako. Pwede mo kong iyakan kahit anong oras” ang sweet kong kaibigan. Hahah xD

“ ikaw talaga” tapos ginulo niya yung buhok ko.

“ay. Nanggulo nanaman ng buhok.”

“cute mo kasi eh. Haha”

“aynako. Cute ka diyan. Psh!”

“tara mall tayo” sabi ko.

“osige. Basta treat mo ha?” ay, ganun? Hahaha.

“oo na! tara!” tapos tumayo kami parehas.

“uh, Kaye. Pwedeng p-pahug?” hug?! Hay! FINE!

“okay lang”

Bigla niya kong niyakap ng mahigpit. To the point na muntik na ko matumba. Unan ba ko? Bakit bas a lahat ng pagkakatan na yayakapin ako ng mga tao, kelangang mahigpit? Hahaha. Chos! :P

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon