Chapter 19: The War Between Friends.

41 2 0
                                    

Lumabas na din ako sa ospital nung araw na din nay un kaso 2 days akong absent kasi kinakailangan ko daw talaga ng pahinga.

Pinagalitan ako nila mommy nung nalaman nilang late na ako matulog.

At sa tuwing tinatanong nila kung bakit ako late lagi matulog, natatahimik nalang ako dahil ayoko sabihin ang katotohanan.

Ang katotohanan na palagi akong umiiyak tuwing gabi dahil naiisip ko ang mga nangyari at mga maaari pang mangyari.

Bakit parang nawala na sakin ang mga kaibigan ko?

Bakit parang feeling ko, ako nalang mag-isa dito sa mundo?

Palagi ko yun iniiyakan sa hindi ko din malaman na dahilan.

Nung Friday, pumasok na ko sa school.

“can we talk?!” biglang bungad sakin ni Iane after ng last class ko.

Seryoso ang mukha niya.

“k-kung kasama si Jet, wag nalang.”

“hindi siya kasama wag kang mag-alala. Girl talk ang gagawin natin at hindi love triangle talk.”

Bakit pati si Iane galit sakin?

Makikita mo sa mga mata niya ang galit na kulang nalang eh sakmalin nila ako na para akong isang prey.

“s-sige.”

Naglakad si Iane at sinundan ko lang siya.

Nakarating kami sa parte ng school na halos walang tao ang dumaraan o tumatambay man lang.

Nandoon si Diana na nag-aantay.

“Umupo ka.” Sabi ng boses ni Diana.

Umupo ako sa kinauupuan niya pero syempre may distance.

Ang awkward ng silence. Walang nagsasalita sa aming tatlo.

Si Diana ay nakayuko.

Si Iane naman ay nakatingin sa ibang direksyon.

At ako, pinagmamasdan ang mga dahong nahuhulog mula sa puno.

Ako na nga ang unang magsasalita.

“Bakit? A-ano ba ang ginawa ko para magalit kayo sakin ng ganito?” tanong ko.

Tumayo bigla si Diana at sinabing,

“alam mong mahal ko siya Kaye! Pero bakit mo nagawang saktan siya ng ganun?! Ganun  nalang ba siya kabalewala sayo ha?! alam mo kung ano ang mahirap?! Yun yung balewalain ng ibang tao ang taong mahal na mahal ko!!”

Ibang tao?

“ibang tao nalang ba talaga ang tingin niyo sakin?”

Humarap sa akin si Iane.

“OO! Simula ng bumalik ulit yang Zeff na yan sa buhay mo, unti unti ka ng naging iba Kaye.”

Bakit kailangang masama si Zeff dito?

“naiintindihan ko ang galit mo sakin Diana kasi nga alam kong mahal mo si Jet. Pero ikaw Iane, hindi ko lubos maisip kung ano ang dahilan ng kinagagalit mo sakin. Sabihin mo nga para alam ko! Hindi yung nagmumukha akong tanga!”

Nahihirapan akong huminga. Sumisikip yung dibdib ko.

“S-simula nung bumalik siya, parang nawala ka samin Kaye.” Sabi ni Iane na nakatingin sa ibang direksyon.

Ako? Nawala sa kanila?

Sila yung umalis at hindi ako diba?

“Hindi yan totoo! Kahit kailan naman hindi ako nawala sa inyo eh!”

“lumayo kami sayo Kaye kasi alam naming siya ang una mong kaibigan.” Sabi ni Diana.

“ayun yun eh! inamin mo din! Kayo ang unang lumayo. Hindi porket siya yung una kong naging kaibigan eh balewala na kayo sa buhay ko! Hindi niyo ba maintindihan na kayo ang tunay kong kaibigan at hindi ko kayang malayo sa inyo kaso yun na yung nangyayari ngayon eh!”

Hindi ako makahinga.

“Dapat kasi hindi nalang sila dumating sa mga buhay natin para hindi tayo nag-aaway ng ganito!”sabi ni Iane.

“wag niyo silang sisihin! Wala silang kasalanan. Kasalanan natin to kasi hinayaan nating mawala tong pagkakaibigan na to dahil sa pag-ibig na yan!”sagot ko.

“so anong gusto mong iparating? Na dahil sa mahal ko si Jet, nasira ko ang pagkakaibigan natin?! Na ako ang may kasalanan ng lahat?!” sigaw ni Diana.

“wala akong sinasabi na ganun Diana! ANO BA!? HINDI NIYO BA KAYANG INTINDIHIN ANG SITWASYON KO?! NAHIHIRAPAN AKO OKAY?!”

“sa tingin mo kami hindi?! ikaw ang hindi marunong umintindi Kaye!”

“kung alam mo lang Diana na sinabi ko yun kay Jet kasi nakita kita nun na umiiyak. Ayokong nasasaktan ka! Ayokong nagkakaganyan ka!”

“hindi ko sinabing gawin mo yun!”

“yun nga eh! hindi mo sanabi pero ginawa ko kasi nga mahal ko ang bestfriend ko!”

Syet! Nanghihina ang puso ko. Nanlulumo ako.

Tama na to please.

Tama na!

Hindi na kaya ng puso ko ang sakit.

“siguro ang sayang maging ikaw Kaye noh?! Sana pala ako nalang ikaw!!! Para kahit papaano eh mahal ako ni Jet!” mahinang sambit ni Diana.

Sana nga.

Sana nga hindi nalang ako ang sarili ko.

Para hindi masakit.

“k-kung alam niyo lang. k-kung alam niyo lang kung gaano kahirap maging ako. Siguro pati kayo, pipiliin na ding sumuko.”

Unti unting tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Umalis na ko sa harapan nila at naglakad palayo.

Malayo sa mga taong maaari kong masaktan.

Malayo sa mga taong maaari akong saktan.

Nakakapagod.

Oo. Napakahirap maging ako.

Kasi sa bawat galaw ko, sa bawat bagay na gagawin ko, alam ko na may masasaktan ako.

At yun ang ayokong mangyari. Ang makasakit ng tao intentionally especially pag hindi ko alam ang gagawin ko to ease their pain.

Ano ba kasi ang hindi maintindihan ng dalawang to.

Gusto ko ng sumuko.

Hindi ito ang pinangarap kong buhay para sa sarili ko.

Hindi ko pinangarap ang masaktan.

Hindi ko pinangarap ang makasakit.

Pero ano ang magagawa ko?

Tadhana na mismo ang nagdidikta sa buhay ko.

May magagawa pa ba ako?

Kung kalabanin ko kaya ang tadhana?

Naaa! Pag ginawa ko yun, matatalo lang ako. Babagsak lang ako.

At pag bumagsak ako, alam kong walang magtatayo sakin.

Kaya’t mas pipiliin ko pang tanggapin nalang ang binabato ng tadhana sakin hangga’t nandyan pa si Zeff na pwede kong masandalan kapag feeling ko matutumba na ako.

Pero ano nga ba ang dapat kong gawin ngayon?

Ang magbulag bulagan na wala akong nasasaktan?

Ang magmanhid-manhidan na kunware eh hindi ako nasasaktan?

Hindi ko na alam.

Wala ng maisip na paraan ang utak ko.

Kung sana may kaibigan pa ko para tulungan ako sa problemang kinakaharap ko.

Pero maski sila, iniwan na ko.

Nauna silang sukuan ako.

Siguro, oras narin para sumuko diba?

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon