Chapter 28: Fake laughs turned into tears.

58 2 0
                                    

Salamat nalang kasi pagkagising ko eh hindi naman maga ang mata ko sa kakaiyak. Patay ako pag namaga tong mata ko eh. Hindi ako makakahagilap ng ibang dahilan sa mga kaibigan ko.

Oras na para magpanggap na masaya ako. Oras na para sarilinin ko nalang yung sakit. Oras na para ako nalang ang lumaban mag-isa sa hirap at sakit na dinadanas ko.

“Good Morning dear!” bati ng dalawa kong kaibigan pagdating ko sa tambayan namin.

“Good Morning din!” I tried to be happy.

Ibinaba ko ang gamit ko sa upuan pero may nakita akong papel na nakatape dun sa may table.

“oh, kanino yang sulat na nakatape diyan?” I asked them.

“Para sayo yan Kaye.”

“uh, para sakin?”

“may pangalan sa harap diba? ‘Kayil Ianna Mianne Belardo’ pa nga nakalagay. Halatang di nagbabasa oh!” sabay pagtawa nung dalawa.

Oo nga! May pangalan. Di ko napansin yun ah! Galing naman kaya kanino to?

I opened the letter.

Kaye,

            I’m really really sorry. Alam kong nasaktan kita. Patawarin mo ko. Kung pwede lang kitang piliin, ginawa ko na. Kaso Kaye, ayokong saktan si Jess eh. Masyado siyang mabait at sobra na yung nagawa niya para sakin. Patawad. Patawad!

                                                                                                            Zeff

Sorry? Ganun ganun na lang yun?!

Sa sobrang inis ko, I crumpled the paper.

“oh, bat mo nilukot?” Diana.

“ah wala. Puro kasi walang kwenta nakasulat eh.”

“galing ba kanino?”

“ah, di ko kilala eh.”

“okay.” Sagot nila.

Umattend ako ng mga classes ko. Kahit masakit, kailangan pa din magpatuloy ang buhay ko. Hindi ko na dapat hayaan na dahil sa sakit, hihinto nalang ako basta.

Kailangan ko ng maging matapang… para sa sarili ko.

Pagkalabas ko sa last class ko, nakita ko agad si Zeff na nag-aantay sakin.

Umiwas ako kasi alam kong magsosorry lang siya at pag nangyari yun, baka di ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

“Kaye, kausapin mo naman ako.” Sabi niya.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko siya pinapansin kasi pag pinansin ko siya, automatic, talo na agad ako.

“ANO BA! WAG KA NGANG PARANG BATA! KAUSAPIN MO KO!” sigaw niyang bigla.

Sa sobrang gulat ko sa pagsigaw niya, napahinto ako sa paglalakad.

Parang awa mo na luha. Kahit ngayon lang. PLEASE! Wag kang tutulo.

“Kaye.” Sambit niya at iniharap niya ako sa kaniya.

Nakayuko lang ako. Hindi ko kayang makita ang pinakamamahal ko sa panahon ngayon. ngayon na alam kong may ibang laman ang puso niya. Ang sakit sakit.

“tignan mo ko please. Tignan mo ko.” Utos niya.

“h-hindi ko k-kaya.” Tatalikod na sana ako nung hinigit niya yung kamay ko at dinala kung saan.

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon