Chapter 6: Meeting Jet.

66 5 0
                                    

Ang bilis ng bakasyon. Isang araw nalang, pasukan na ulit. Syempre kelangan kong i-enjoy ang last day of vacation. Tinext ko yung dalawa kong bestfriend para gumala.

To: BFF*Iane; BFF*Diana

Huy! Alis tayo ngayon. I-enjoy naten last day ng vacation. Hahaha. Ano? Sama kayo?

Aba! Ang tagal magreply nung dalawa. Ano naman kaya ginagawa nun? Hay nako!

Tapos yun. Sa sobrang tagal nila magreply, pumunta nalang ako dun sa playground namin ni Zeff.

Napagdesisyunan ko na ito na ang huling beses na pupunta ako sa lugar na to. Sa lugar kung saan una ko siyang nakitang umiyak. Sa lugar kung saan una niya kong binuhat sa likod niya. Iiiyak ko dito lahat. Ito na din ang huling pagakataon na hahanapin ko siya.

“madaya ka Zeff. Sabi mo sakin babalik ka pero asan ka ngayon?” sabi ko sa kawalan.

Umiyak lang ako.

Mga 1 hour din ako dun sa playground nung makapagdecide ako na pumuntang Batangas. Wala naman problema kasi may sarili na kong car at marunong din ako magdrive so okay na ang lahat.

“simula sa oras na to, kakalimutan na kita”

Aalis na sana ako sa playground nung biglang dumating si Iane tsaka Diana.

“sabi na nga ba dito ka naming matatagpuan eh”sabi ni Iane.

“pano niyo nalaman?”

“hindi ka madalas umalis ng hindi kami kasama noh! Kaya alam talaga namin na dito ka pumunta”

“ang tagal niyo kasi magreply eh”

“san ba tayo pupunta?” sabay sila.

“kayo? Saan niyo ba gusto?”

“go ako kahit saan”->Iane

“ako din”-> Diana

Natawa ako kasi alam ko naman na sasama to sakin kahit napakalayo ng pupuntahan. Di yan nawawala sa tabi ko eh. Kami nga talaga ang super trio. Haha.

“sa Batangas ko trip pumunta eh”sabi ko.

“osige! Tara na. basta ikaw magdrive ha?”

“oo na oo na. sino ba lagi nagdadrive? Ako diba? Hahaha. Ako lang naman marunong magdrive sating tatlo eh. Hahaha”

“ikaw na!”

Tapos ayun, pumunta kaming Batangas. Ang ganda talaga dito. Refreshing yung air. Pag nandito ka, maiisip mo na may pag-asa pa kahit papano ang Pilipinas. Haha.

Tumuloy kami dun sa rest house namin. May mga tagabantay naman tapos tagalinis kaya hindi madumi. Pagkadating na pagkadating namin, nagswimming agad yung dalawa. Hinayaan ko nalang. Wala pa kasi ako sa mood magswimming eh.

So ang ginawa ko is lumabas muna ko ng village. Pumunta ako dun sa may park tapos may nakita akong tao na familiar. Nilapitan ko siya.

“uhm, excuse me?”

“yes? You need anything?”

“nothing. You look familiar kasi eh”

May inaayos siya kaya nakatalikod siya. Pagkaharap niya…

“Kaye?”

“you know me?”

“yes! You’re Kaye right? Jet.”

“oh! You’re Jet. Kaya pala familiar. Hahaha”

“bakit ka nandito?”

“kasi last day na ng vacation eh. Sinusulit lang. hehe. Ikaw?”

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon