Chapter 23: Sino ka nga ba talaga?

55 2 0
                                    

Kung tatanungin niyo ako kung bakit si Dale yung kasama ni Zeff sa ‘pagkidnap’ dun sa dalawa at hindi si Jet ay sapagkat hindi pa kami nag-uusap simula nung nangyaring kadramahan niya dun sa labas ng flower shop.

I texted him but I got no response. I also called him but unluckily, his phone is unavailable. The heck is happening with that man?!

Tinotoo niya yung sinabi niya?! As if matiis niya ko. Nemen! Kapal ko :D hahaha.

It’s been two days since the last time I saw him. Hindi din naman siya pumapasok sa class namin. Hindi pa din macontact yung phone niya.

And I admit, namimiss kong walang nang-aasar at nang-iinis sakin.

Ugh? Ano ba sinasabi ko. Psh! Nasanay lang ako na nangungulit siya. Tama tama. Hindi ko siya namimiss.

“okay lang kaya siya?”

“ganyan din siya kahapon eh.”

“nga eh. bat kaya siya laging tulala?”

“inlove?”

“baka may namimiss?”

“ah, siguro?”

“si Zeff?”

“hindi, baka si Jet?”

“tagal na di nagpaparamdam nun.”

“balita ko nasa—”

“NASAAN?!” sigaw ko.

Eh kasi naman tong dalawa kong kaibigan, magbubulungan na nga lang, yung abot pa sa tenga ko. Nagbulungan pa sila. Psh!

“secret. Bat ka naman interested? Kala ko ba di mo siya namimiss?” pang-aasar ni Iane.

“bawal na ba malaman kung nasan siya ha?”

“para sayo, oo? Umamin ka na kasi, namimiss mo na siya eh.” pang-aasar naman ni Diana.

Uhm, wait…… nakamove-on na ba si Diana at may gana ng mang-asar? At hindi lang basta asar kasi…………… tinutukso na niya ulit ako kay Jet.

“I. DON’T. MISS. HIM!” I said with greeted teeth.

“denial ang peg. Hahaha” sabay layas nung dalawa sa harap ko.

Nang-iinis talaga eh noh?

Asan na ba kasi yang lalaking yan? Nakng! Lakas magpamiss. Punyeta naman. Pag siya talaga nakita ko, naku! Masasapok ko talaga yun sa ulo. =_=

“malulunod ka sa kakaisip diyan.”

“ay palaka!”

He pouted. Aw. He’s so cute. Hahaha.

“eh kasi nanggugulat ka Zeff eh.”

“kalabitin man kita diyan, magugulat ka pa din. Lalim ng iniisip mo eh. kung hindi siguro ako dumating, nalunod ka na noh?” pinalo ko nga siya. Nambibwisit eh.

“wala ka na dun.”

“ano ba kasi iniisip mo? Ay, alam ko na. Ako yan noh? Andito na ko oh, wag mo na ko isipin.”

“babagyo ata.” Sabi ko.

“huh? Bakit?” nagtaka naman siya.

“ang hangin eh! =_=”

“tss. Kinilig ka naman.”

“landi mo. Hatid mo nalang ako sa classroom pwede?”

Naglakad na kami sa classroom nung hindi kalayuan eh may nakita akong isang pamilyar na tao. Nakatalikod siya sakin pero hindi ako pwedeng magkamali.

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon