Chapter 15: I'm Coming.

69 4 0
                                    

Jet keeps on texting me. Finaflood na nga ako ng mga text eh pero hindi ko siya nirereplyan. Hanggat di niya sinasabi sakin ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito, hinding hindi ko siya papansinin! -_-

Nakakainis! :/

Kahit galit ako kay Jet, he keeps running on my mind. Di ba siya napapagod na tumambay sa isipan ko? Nyemas naman oh!

From: Jet

Kaye. I’m really sorry. Uy! Pansinin mo naman ako oh. Magreply ka naman. Please.

Kakatext lang ni Jet at yan ang laman ng text niya.

Sa totoo lang, di naman ako galit sa kaniya eh. naiinis lang. ayaw niya kasing sabihin sakin ang nangyayari sa kaniya. Pati nga sila Iane walang alam eh.

“anak. May tawag ka.” Sabi ni Yaya.

Tawag? Galing kaya kanino?

“sino daw po yaya?”

“Jet daw pangalan”

Si Jet nanaman. At ngayon may patawag tawag na siyang nalalaman ha? bahala siya!

“ah, yaya. Pakisabi po umalis ako. Salamat po”

“g-ganun ba? Sige! Magbreakfast ka na dun sa baba. Nagbake ako ng cupcake.”

Cupcake ba sabi ni yaya? Tama ba yung narinig ko? WAAAHHH! I LIKE CUPCAKES.

Yumyum! :P

Bumaba ako para kumain ng CUPCAKE! Hahahaha. Nagniningning ang mga mata ko pag nakakakita ng cupcake. Hahaha xD

“sarap mo talaga magbake yaya. Kaya love kita eh”

“aysus! Kumain ka na diyan. Ubusin mo yan ha? para sayo lang talaga yan.”

Ang sweet ni yaya. Hahaha xD para sakin lang talaga. Kaya ko to ubusin eh. hahaha xD

Dahil sa cupcake, nawala din ang inis ko.

Nagready na ko sa kadahilanang magkikita daw kami nila Iane at Diana. Sabi nila susunduin daw nila ako dito sa bahay.

Saturday ngayon kaya wala akong pasok.

11am na. bakit ang tagal nung dalawa? 10:30am ang usapan eh. tsk!

May narinig akong kotse na nagpark sa labas. Sila Iane kaya yun?

Sa tingin ko hindi. Hindi naman kasi marunong yun magdrive eh. atsaka pag aalis kami, gusto nila sasakyan ko yung gagamitin. Baka mga kung ano lang yun.

Nanood nalang ako ng TV sa sala nung may biglang pumasok sa loob ng bahay.

“a-anong ginagawa mo dito?!” sabi ko na halatang gulat ako.

“ayaw mong mag-reply. Ayaw mo kong kausapin. Edi pinuntahan nalang kita dito.”

Ano bang ginagawa ng taong to?! Di ba siya makaintindi na ayaw ko pa siyang kausapin?!

Lumapit siya sakin at hinila ako palabas ng bahay.

“ano ba! May pupuntahan ako! Bitawan mo nga ako!”

“you’re going with me!”

Patuloy niya kong hinihila at patuloy din naman akong nagpupumiglas.

“let go of my hand Jet! Ano ba! Hindi ka ba titigil ha?! hanggat hindi mo sinasabi sakin ang problema mo, asahan mong hindi kita papansinin at kakausapin!”

Napakakulit niya talaga. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi pa din niya binibitawan ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“gusto mo ba talagang malaman? Sumama ka sakin!”

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon