Chapter 2
“Discovering an unearthly strange world may bring you spoonful of fear and a drop of sprinkled excitement.”SOMEONE'S POV
Iniwan ko nalang ang babaeng yun. I have other things to handle at nagkataon namang nakita ko lang ito kanina sa gubat na tila naninibago. My curiosity lead me to her kahit hindi ko naman planong tulungan ito.
Elena Stephie. What a nice name. Tinanaw ko naman siya ulit bago nagteleport papunta sa palasyo.
She's like a newborn hindi niya alam kong paano kontrolin ang mahika niya na siyang ipinagtaka ko dahil halos lahat ay may kakayahang matutunan iyon kahit bata pa. Isa ring nagpapagulo sa isip ko ay ang tanong nito tungkol sa lagusan papunta sa mundo ng mga tao na siyang ngayon ko lang narinig.
I have read her thoughts dahil hindi ito nakasarado. Nalaman kong totoo ang mundo ng mga tao base sa impormasyong nasa isip niya. Nakapunta siya roon pero paano? Kailangan ko ng kompirmasyon. At wala ng iba pang makakasagot nito kundi si ama lamang.
Pagdating ko sa palasyo ay dumiretso na ako sa lugar kung saan palaging pinupuntahan ni ama at yun ay ang malaking hardin sa likod ng palasyo. Dito siya naglalagi dahil palagi niyang pinagbibigyan ng pansin ang mga halaman ni ina. Tatlong taon ng natutulog si ina na di pa rin kami makahanap ng lunas para magising siya. Pinanatili ng mga manggagamot na maayos ang katawan niya hanggat hindi pa nakakahanap ng lunas. Kahit na ang mga pinakamakapangyarihang at pinakamaalam na manggagamot ay walang nagawa para malunasan ito. Sapagkat isang sumpa ang dumapo sa kanya na hindi namin alam kung saan o kanino nagmula.
"Ama." Naglakad ako papunta sa kinatatayuan niya kaya nilingon naman ako nito ng may malungkot na ngiti sa labi. I hate it when he smiles like that. He pretends to be okay but he's not. Nanghihina na rin siya sa di ko malamang dahilan. Maaaring dahil ito sa kay ina. Nakita ko kung paano nawalan ng kulay ang masayang personalidad ni ama ng mangyari iyon kay ina. Sobrang nalungkot si ama na pati ang nasasakupan namin ay pinanghinaan din ng loob.
"Anak may kailangan ka ba?" Umupo kami sa silyang naroroon. Ipinagsalikop ni Ama ang mga kamay nito habang nakatingin sakin.
Naglagay muna ako ng harang para hindi marinig ng sino man ang pag uusapan namin. Nakakunot noo namang tinitigan ako ni Ama.
"What happened son?" Seryosong tanong nito na ikinaayos ko ng upo. Gone with that sad atmosphere. Dad seems interested on what I will say.
"May lagusan ba papuntang mundo ng mga tao? Totoo ba sila?" Lalo kong naramdaman ang pagiging balisa ni ama. Sana masagot niya ang tanong ko. Kailangan ko lang ng kompirmasyon niya. Wala ng iba.
Tumayo ito at naglakad lakad sa harapan ko."Oo totoo pero matagal ng sarado ang mga lagusan. Dahil sa ginawa ng mga Umbrians." Tiningnan ako ni ama at patuloy na ipinaliwanag ang tungkol sa mundong iyon.
ELENA STEPHIE
Naagaw ng pansin ko ang maliit na tindahan doon sa may dulo. May mga libro kasi, kitang kita ito mula sa labas dahil sa puro salamin ang nagsisilbing pader rito. Nga lang mukhang walang pakialam ang mga tao doon. Onti lang talaga ang nakikita kong pumasok at bumili roon. Kaya napagdesisyunan kong doon na lamang pumunta. Mabuti na lang talaga at sobrang bait ni Mr. Stranger akalain mo bago kami nagkahiwalay ay binigyan pa ako ng wela. Ito raw ang ginagamit nilang pera rito. Parang ginto nga siya ngalang hugis bilog siya yung parang barya sa amin pero mas malaki pa siya sa sampung piso at mas makapal kaya mabigat bigat. Nasa supot na kulay itim na may burdang gintong korona ito nakalagay ng ibinigay ito sakin ni Mr. Stranger.
BINABASA MO ANG
With This Magic (Book 1)
FantasySi Elena ang babaeng aksidenteng napunta sa mundo ng mga mahika. Isa na ba siya sa mga masuwerteng nilalang o malas sa tadhanang kinahahantungan niya? Marami itong nakilala, ang iba'y naging kaibigan. At ang iba'y naging kaaway. Ang pangungulila sa...