Chapter Eleven

120 4 0
                                    

Chapter 11

“Don't test someone's patience if you can't handle his/her outburst.”

ELENA STEPHIE

Wala sa sariling umiwas kami ni Belle ng nagpakawala ng atake ang babaeng iyon. Ano bang problema niya? Ang ganda ihambalos. Charing lang haha.

Kapwa namin nilingon ang babae. Halos umusok na ang ilong nito at ang pula ng mukha. May nagawa ba akong mali? Nagsorry na naman na ako ah. Mas unpredictable pa ang mga mages kesa sa mga tao. Ay ewan.

"Miss may problema ba?" Mahinahon kong tanong pagdating sa harapan niya. Naramdaman ko ring nasa tabi ko na si Belle. Nagpokus lang ako sa babae. She's also one of the mages that I can't read, like Belle. I can feel that she's also very powerful based on her aura.

Suplada nga lang, parang si Reiki haha.

"Get lost." Bigla ko nalang nakita ang sarili na nakapaloob sa isang big hurricane bubble. A double powered mage. Shocks palagi nalang akong natutrouble.

Inatake kasi niya kami kanina ng mga ice spikes. Ang astig ng powers niya, Astrome eh. Kaya lang paano ako makakalabas? Mukhang makakalibre pa ako ng isang roller coaster ride at drowning challenge nito. Ngekk.

"A-ack. S-sheddah." Unti unti ng napupuno ng tubig ang bubble. For sure na mamaya ay basang basa talaga ako huhu. Grabe naman kasi si Ate girl, ang ikli ng pasensya.

"Stop that!" Napahinga ako ng maluwag ng unti-unting nawawala ang tubig sa loob. Kinacounter yata ni Belle, hanggang kailan ba ako magpapanggap na iisa lang powers ko.

Ikinilos ko ng dahan-dahan ang kamay ko para sana ipawalangbisa ang bubble ng lumitaw naman ang tatlong pinakataas na miyembro ng Astrome.

"What's going on Meryana?" Nakakakilabot talaga ang boses ng Sans yata to. Tila naestatwa naman si Meryana at agad nawala ang bubble kasabay ng pagkahulog ko. Nakalimutan ba niyang lumulutang iyon kanina. Aish!

Lumapag ako ng walang kahirap hirap sa harapan nila. Pramis, nawawala na rin ang mahaba kong pasensya sa mga kakaibang nilalang na to. Well, parehas na pala ako sa kanila haha.

"Prinsipe Sans, she's disrespecting me kaya bibigyan ko lang sana ng leksyon." Your face! Nagsorry na nga eh. Pokerface ko itong hinarap at nagwalkout sabay bangga sa kanya. I've got nothing to be afraid of. Ayaw kong tinatapaktapakan ako, mabuti nga at hindi siya makakatikim sakin.

"Belle let's go. Puntahan na natin sina Reiki." Tipid kong saad habang hawak ang braso nito na hindi manlang binigyang pansin si Meryana.

"See that! She bumped at me! Come back here!" Ay ewan.

"Okay ka lang Ate?"

"Of course ako pa hihi. Pwede ko bang ibitin patiwarik ang Meryanang yon?" Mula sa childish na ngiti ko ay agad nagshift sa naiinis na ekspresyon. Sino bang hindi maiinis kong muntik ka ng malunod at basang basa pa. Like hello! Hindi ako total mabait you know?!

"Joke lang hihi. Kasi nama- Ay mumu!" Sheez. "Pwedeng wag kang sumulpot basta basta. Nakakagulat eh." Mahinang reklamo ko sa Sans yata na ngayon ay nasa harapan namin ni Belle at matamang nakatingin sakin. Yeah, sakin talaga.

"Bakit ka nga pala nasulpot? Dahil ba sa binangga ko si Meryana? May punishment ba? Papatalsikin ba ako sa academy? Eh siya naman may kasalanan eh." Ibinulong ko lang ang huling sinabi ko na ikinatingin ni Belle. Nagquiet sign ako kay Belle na hayun poker face pa rin. Don't expect haha.

With This Magic (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon