Chapter 9
“Everyone keep your mask on, beat them in their almost perfect gambit.”
ELENA STEPHIE
Dahil maaga akong nagising kesa sa kanila ay pinili kong mauna at magliwaliw muna sa akademya pagkatapos kong lutuan sila. Nilutuan ko na baka reklamuhan pa ako eh.
May namataan naman akong kumpol ng mga estudyante na parang nagkakasayahan pa. Because I'm curious naglakad na ako papunta roon.
"Wait lang padaan... Excuse me." Sabi ko habang pilit isinisingit ang sarili para napunta sa gitna. Aww. Iyan lang ang masasabi ko. Eh paano ba naman tsinicheer pala nila ang babaeng nambubugbog gamit ang mga ugat na sige lang ang tira sa kawawang babae na sinasalag ito gamit ang mga bulaklak na lumalabas lang sa palad niya. Ang ganda nga ng mga bulaklak eh. Ngalang nagkukulay dugo ang mga ito dahil marami na ang sugat na tinatamo niya.
Pagsabog na pagkalakaslakas ang narinig nila. Kanino pa nagmula kundi sakin. Nabulabog yata buong akademya eh. Sarrey naman.
"Hey girl." Bati ko sa babaeng nakahandusay saka ito itineleport papuntang garden ng academy.
"Where's that girl?! Nalingat lang ako nawala na siya! Ugh!" Rinig ko pang reklamo ng babaeng yun. Bleh bahala sila maghanap haha.
"Sandal ka muna. Tawagin ko lang friend ko at magagamot ka kaagad nun. Wait lang ah?" Hindi ko na hinintay pang sumagot ito at nagteleport agad sa dormitoryo namin.
"Hahaha! Grabe naman kayo. Gulat na gulat eh?!" Tawa kong saad habang pinagmamasdan ang pagkahulog ni Fei sa upuan, pagbalibag ni Ester ng libro niya at biglang paglabas ng apoy ni Reiki. Habang si Belle ayun poker face, ano bang aasahan ko dun haha.
"Chill lang. Rei patulong naman oh?"
"What?!" Mataray nitong tanong at nilaho na ang apoy powers niya. Nyaks galit siya.
"Basta halikana... Bye guys see you in the classroom." Hinila ko na si Reiki at naglaho papuntang garden kung nasaan si flower girl. Parang yung sa wedding lang eh.
"Uyy. Okay ka pa girl?" Tumango lang ito kaya humarap ako kay Reiki saka itinuro ang babae. "Gamutin mo siya, please Reiki." Napabuntonghininga lang siya at ginamot naman agad yung babae.
Nakangiti ito ngayong nakatingin samin. Nangunot naman ang noo ko ng makita ng malapitan ang mga mata niya.
"Who are you?" Tanong ko na tinugon niya lang ng ngiti.
"I'm Bridgette Claire Daffia... A.."
"An earth mage. Tama ba? Hindi ka lang kumokontrol ng mga bulaklak lahat ng nasa lupa ay kaya mo ring kontrolin." Napatayo naman ito at namimilog ang mga matang nakatingin sakin.
"Paano ko nalaman? Secret walang clue hihi. Nice to meet you Brie, I'm Stephie and this is Reiki my best friend. Medyo mataray lang yan pero mabait naman. Diba Rei?" Ngiting saad ko pa at sinalag ang siko niya."Rei naman eh! Masakit yan you know?" Plano pa akong sikuhin haha.
"Whatever. Don't you want to go to our class?! Psh." Ah kaya naman pala. Studious na ba siya ngayon? Aba sana all nalang.
"Sorry naman. Let's go na." Isinabit ko ang kamay ko sa braso ni Reiki saka tumalikod. "Ayy oo nga pala. Ikaw Brie saan klase mo?" Hala nalimutan ko siya haha. Nilingon ko ito habang nahila rin si Reiki na nakasimangot.
BINABASA MO ANG
With This Magic (Book 1)
FantasySi Elena ang babaeng aksidenteng napunta sa mundo ng mga mahika. Isa na ba siya sa mga masuwerteng nilalang o malas sa tadhanang kinahahantungan niya? Marami itong nakilala, ang iba'y naging kaibigan. At ang iba'y naging kaaway. Ang pangungulila sa...