Chapter 13
ELENA STEPHIE
I should have expected it. Hindi lang sila pwedeng maging invisible kundi may iba parin silang kapangyarihan. Nagpakampante kasi ako.I tried to free myself from the green ropes but I can't. I should use magic again. Wala akong oras para makipaglaro ngayon lalo na at kailangan kong bumalik sa akademya bago pa magsimula ang paligsahan.
I thought that goblin would give me the necklace but then this is what he did when he touches my hand. Ugh, ang kukulit nila. Anadem, in the other hand only looked at me.
I snapped my fingers and the ropes vanished. I seriously looked at them and sigh.
"Just give me back my necklace, please. I've got no time for games little goblins." Pakiusap ko.
Kahit nagulat sila kung paano ako nakawala ay nagsibungisngisan lang ang mga ito.
"Kung ano man ang kinukuha namin ay hindi na namin ibinabalik binibini."
"It's already ours."
"It's mine to begin with and stealing is bad goblins." The necklace appeared in my open palm. Iwinagayway ko ito sa kanila kaya nataranta naman sila.
I get on Anadem's back and look at the goblins while shaking my head.
Ano kaya kung bigyan ko sila ng pagkakaabalahan? Like a candy machine?
"Here you go little fellas. Treasure this gift of mine." Lumitaw sa harapan nila ang hindi kalakihang candy machine. Namamangha naman nila itong pinalibutan at ngumiti sakin.
"Thank you binibini."
"Promise hindi na kami magnanakaw ulit."
"Isasauli namin ang mga bagay na nawala at kinuha namin."
"Hanggang sa muling pagkikita Candy Mage."
"Candy Mage!"
Natawa akong kumaway sa kanila at umalis na. Their mood automatically changed with the sight of the machine. What a cute little beings!
“You're generous."
"Hindi naman. Na-sense ko lang na kaya sila ganun ay wala silang mapaglilibangan kaya nasanay nalang silang magnakaw kahit hindi naman talaga nila nagagamit ang mga kasangkapang ninakaw nila."
“Kaya ayaw ko sa mga mababait eh. Tsk.”
"Hindi ako ganun kabait Anadem, sadya lang na may ibibigay ako, bakit ko itatago para sa pansarili ko lang. I've got this magic for a reason and I know na ito yun. Matagal ko ng pangarap ang makatulong kaya lang kulang ako sa mga resources. Now that I have this, I should use it wisely to help others."
Hindi ko na narinig pang nagsalita si Anadem. While riding I applied invisibility to us.
Ilang minuto lang ay nakarating na agad kami sa academy. Ang bilis kasi ni Anadem.
"Here we are Anadem." Bumaba na ako rito at marahang hinaplos ang balahibo niya. "You should rest for now my familiar."
“Don't disturb me then.”
"It depends." Ngiti kong saad kaya napabuga nalang siya ng hangin.
“Bye for now Domina.” Tuluyan na itong naglaho at naramdaman ko ang pag-init ng likod ko kung saan doon ang area na pinagkasunduan namin ni Anadem na ilagay ang tattoo.
BINABASA MO ANG
With This Magic (Book 1)
FantasySi Elena ang babaeng aksidenteng napunta sa mundo ng mga mahika. Isa na ba siya sa mga masuwerteng nilalang o malas sa tadhanang kinahahantungan niya? Marami itong nakilala, ang iba'y naging kaibigan. At ang iba'y naging kaaway. Ang pangungulila sa...