Chapter 16
ESTRELLA
Naiilang ako ngayon sa binibigay na titig ni Prinsipe Phillips. Mula noong kinompronta niya kaming apat sa ginawa namin ay palagi na itong lumalapit sa'kin. Lalo na at nasa iisang classroom nitong nakaraan.
He's very serious that time na kinakausap niya kami. Hindi nga kami makapagsalita dahil sa ipinapalabas niyang aura. Mga dalawang araw iyon pagkatapos ng nangyaring gulo rito sa akademya. Maging si Reiki ay tumahimik dahil alam niyang medyo napasobra yung ginawa niya.
Later on, habang wala pa ring malay si Stephie ay pinaghingi niya kami ng tawad kay Meryana. Pifei and me did our part and apologize but Reiki vanished before we could reached the chamber. Maging si Belle ay nawala rin, kaya kami lang dalawa ni Pifei ang nandoon.
Susugurin nga sana kami ni Meryana but thankfully, nandiyan si Prinsipe Phillips upang pigilan siya.
Galit na galit pa rin sa'min si Meryana. Sana lang mapatawad niya kami. But after all, hindi ko rin naman masyadong pinagsisihan iyon. Nasobrahan lang konti sa part ni Reiki.
"Maghahanap pala tayo mamaya ng ilang ingredients para sa project natin. Anong oras ka ba pwede?" Tanong sa'kin ni Prinsipe Phillips.
Nandito kami sa may gilid habang nag-uusap naman sina Stephie at ang iba.
"Mamayang alas-dos ng hapon na lang. Kung pwede rin sa'yo." I hesitated. Baka kasi may kailangan rin siyang gawin at tumama sa sinabi kong oras.
"No it's okay. Kita na lang tayo sa may garden. Same spot." Saad niya kaya nginitian ko pang ito ng tipid at tumango.
Partner kasi kami sa potion subject namin. Marami pa naman ang ingredients na pinapahanap ng maven kaya mukhang mahihirapan kaming maghanap.
Kailan lang noong lumipat si Reiki sa Astrome's chamber. Ayaw nga niya sana pero ang headmistress na ng nag-utos kaya wala itong nagawa kundi sumunod.
Aside from that, nakapasok pareho kaming apat nina Stephie sa Imperial Class kaya magkaklase pa rin kami kahit hindi magkadorm.
Nilingon ko naman ang humila ng damit ko at nakita si Fei.
"Bakit Fei?"
"Maghahanap rin ba kayo mamaya ng ingredients?" Inosenteng saad niya kaya tumango ko.
"Sabay nalang tayong lahat kung ganoon. Kahit hindi pare-parehas ang hahanapin natin eh pwedeng sabay tayong lumabas." Hyper na sabi niya kaya ngumiti na lang ako.
Nilingon ko si Prinsipe Phillips na nakangiti rin.
"Sige. Sabihin mo na rin sa iba." Saad ko.
"Okay!" Masayang saad niya.
Nagkatinginan nalang kami ni Prinsipe Phillips at parehong napangiti. I'm happy that Fei seems so carefree right now for real, di tulad ng dati.
***
ELENA STEPHIE
Magtatanghalian na at nandito kami sa dormitory. Imbes na ilan lang kami ay inimbitahan nina Fei ang Astrome kaya heto sobrang dami namin.
Medyo nakaka-awkward nga lang dahil sa paraan ng pagtingin sa'kin ni Meryana.
Now I remember! Hindi pa pala nasu-solve ang tungkol sa ice suspect chuchu na iyon. Sino kaya iyon? Wala bang balita?
Busy ako sa pagluluto dito sa kusina pero tagos talaga iyong titig ni Meryana eh.
Kasama ko rito si Ester at Reiki. Tinutulungan ako ni Ester habang yung isa nakasimangot at naiirita. Halatang ayaw niyang nandito ang kasamahan niya sa Astrome. Ang arte talaga ng bestfriend ko. Mahanapan nga ng love life, baka sakaling mawala ang kasungitan niya haha.
BINABASA MO ANG
With This Magic (Book 1)
FantasySi Elena ang babaeng aksidenteng napunta sa mundo ng mga mahika. Isa na ba siya sa mga masuwerteng nilalang o malas sa tadhanang kinahahantungan niya? Marami itong nakilala, ang iba'y naging kaibigan. At ang iba'y naging kaaway. Ang pangungulila sa...